"Ano namang gagawin ko sa Napkin? Tss! Buseeet!" Naasar kong tanong sa aking sarili.Hawak ang box na pinaglagyan niya ng napkin ay tinatahak ko ang daan papuntang kung saan.
Kahit saan..
Kahit saang sulok man ng school na to ay hahalughugin ko, makita ko lang yung gagong yun.
At kapag nakita ko siya! Humanda talaga siyang bwisit siya dahil isasampal ko tong napkin sa mukha niya!
"Shaira!"
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nang nilingon ko ito ay nakita ko si Chia na nakaupo sa isa sa mga bench na nagkalat sa buong university. Kasama niya ang boyfriend niya. Si Kurk.
Kinawayan nila ako at sinenyasan na lumapit. Ayoko man ay wala akong choice. Naisip ko rin kasi na mas mapapadali ang paghahanap ko kay napkin boy sa pamamagitan nila.
"Si Grey?"
Huh?
Hindi pa man ako nakalalapit ng husto ay ang tanong na yon ang bumungad sakin mula kay Chia. Hinahanap niya si Grey? So ibig sabihin ay hindi rin pala nila alam kung nasaan siya? Aish. Malas!
"Hindi ko rin alam, e. Sa totoo lang ay hinahanap ko siya ngayon. Ibabalik ko sana kasi to sa kanya." Saad ko bago ipinakita sa dalawa ang kahon na hawak ko.
"Ano yan?" Tanong ni Kurk.
Agad naman akong nataranta sa kakahagilap ng pwede kong isagot sa tanong niya. Shems. Di ko naman pwedeng sabihin ang totoo. Pucha! Mas nakakahiya yon!
"OhmyGod! Galing yan kay Grey? Shet! Ang sweet----
"Chia! Nagmumura ka na naman." Putol ni Kurk sa sinasabi niya.
Napangisi naman si Chia bago mahigpit na niyakap ang braso ng nobyo.
"Sorry na.. Di ko mapigilan, e." Nakangusong sabi nito.
Naiiling na na kinalas na lamang ni Kurk ang ang mga braso ni Chia na nakapulupot sa braso niya. Inakbayan niya na lang ito at nakangiti pang nagkatinginan sila.
Shems.
Now I know.
Kung bakit ayaw ni Grey na maiwang mag-isa kasama ang dalawang to. Alam ko na yung feeling..
Tss. Nakalimutan na ata nilang kasama nila ako. Imbis na sila ang mahiya ay ako pa ang nahihiya sa ginagawa nila. Tsk. Tama ba namang mag-PDA sa harapan ko?
Bawal yan sa school, e. Picturan ko kaya ang dalawang ito tapos ipadala ko sa Admin para ma-DA sila. Kaasar.
Iniwan ko na yung dalawa at sinimulan na uli ang paghahanap. Mukhang hindi naman nila napansin ang pag-alis ko kaya walang problema.
Hayy. Nasaan ka na ba Napkin Boy?
Kating kati na tong kamay ko at gustong gusto nang batukan ka!
_____
Hindi ko siya nahanap.
Lumipas ang maghapon na hindi ko siya nakita. Tumupad siya sa pangako niyang hindi niya ko guguluhin. Ni anino niya ay hindi ko manlang nakita.
San kaya nagpunta yon? Gabi na at nakauwi na ko sa bahay ngunit siya parin ang nasa isip ko.
Off ko ngayon at wala akong gig sa bar kaya maaga akong nakauwi sa bahay ko. Ang problema ko ngayon..