"Bahay ko to at wag mong kalilimutang nakikitira ka lang. Hindi ako sanay na may kasama dito. Kaya GUSTO ko sumunod ka sa mga rules ko." Seryosong sabi ko kay Grey.Narito kami ngayon sa kusina. Naghahapunan. Nagpadeliver si Grey kanina ng pagkain at yun ang kasalukuyang kinakain namin. Magkaharap kaming kumakain sa mesa at nag-uusap ng masinsinan.
"First rule, AYOKO NG MAINGAY."
Napatigil siya sa pagkain at nakangusong humarap sakin.
"Psh. Bakit ganun? First rule palang ang hirap na! Para mo na rin akong inutusan na wag huminga! Ang daya.. Di ko kayang wag mag-ingay." Reklamo niya.
Ibinagsak ko sa plato ang kutsarang hawak ko at tinitigan siya ng seryoso. Walang emosyon ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya.
"Nagrereklamo ka ba? If oo, bukas ang pinto ng bahay ko. Pwede ka nang lumabas. WALANG PIPIGIL SAYO."
Mabilis naman siyang umiling at umaktong isinara ang zipper ng bibig niya.
"Hindi ako mag-iingay. Promise."
Inirapan ko na lamang siya bago ipinagpatuloy ang pagkain ko.
"Galing sa school diretso sa Bar para magtrabaho. Then uuwi ako dito para MAGPAHINGA lang. Kaya ayoko ng maingay. So, Grey.. Please lang."
Marahan siyang tumango habang matamang nakatingin sa akin.
"Second rule, hindi ka na pwedeng pumasok sa kwarto ko. Sa sofa ka matutulog. Pwede mong gamitin ang banyo sa gilid ng kusina. Para di ka na papasok sa kwarto ko para lang maligo."
Wala naman siyang reklamo at agad tumango.
"And nga pala! Wag mong kalimutan to at itatak mo lang dyan sa isip mo, okay? Hahayaan kong matulog ka dito at tumira ng isang linggo dahil NAAAWA lang ako sayo. Yun lang ang tanging rason ko. Kaya kung pwede wag mo na ulit gagamitin yang charms mo sakin para lang mapapayag ako sa gusto mo." sambit ko.
"Charms? Charms ko?" Nagtatakang tanong niya.
Tumango naman ako.
"So, inaamin mong.. Tinatablan ka ng charms ko?"
"OFCOURSE NOT!" Mariin kong tanggi.
Bigla naman akong naasar ng makitang sumilay ang isang mapaglarong ngiti sa labi ni Grey.
"Kakasabi mo lang kanina, e."
"Wala kong sinasabi!"
"Meron kaya.."
"Wala nga! At kung meron man, hindi ko intensyon yon. Baka nga mali ka lang ng pagkakaintndi, e. Assuming ka lang!"
"Hay nako. Kakasabi mo lang na charming ako, e. Ngayon itinatanggi mo na agad?"
"Manahimik ka na nga!"
"Sabihin mo munang cute ako.."
Napatingin naman ako sa kanya at halos masuka ako ng makitang nagpapacute na siya.
Aish.
"Tumigil ka na nga! Ang panget mo!"
Bigla naman siyang napahawak sa dibdib niya ng marinig ang sinabi ko.
"Grabe ka! Ang straight forward mo magsalita. Alam mo bang nakakasakit ka na?"
Ayan. Ganyan! Kanina lang nagpapacute siya tapos ngayon nagdadrama na? Ano ba?! Baliw na ba to?
