"Oh my God! Seriously?! Si Grey?" Di makapaniwalang tanong ni Chia sakin.
Di ko alam kung bakit siya naririto sa loob ng ng room namin. Nagulat na lang ako kanina ng bigla siyang pumasok at umupo sa tabi ko.
Nasabi ko kasi sa kanya yung pagiging galante ni Grey sa jeep kanina kaya ganyan siya kung magreact. Hindi ko na rin alam kung paano kami napunta sa ganoong topic at nabanggit ko yun sa kanya.
Aish. Pasensya na, Guys! Medyo lutang pa din ako ngayon dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung mga nangyari kanina.
'One point for C' Ayan ang sinabi ni Chance ng bumaba kami ng tricycle, 'All one' naman ang sinabi ni Grey nung nakasakay kami sa Jeep. Srsly?! ANO BANG PINAGSASABI NILA?
NAKAKAASAR naman. Bakit ba ang slow ko? Sumasakit na tuloy ang ulo ko--
"HOY!"
"AY PUSANG GALANG INIWAN NG NANAY NIYA--- ANO BA CHIA?! BAKIT MO BA KO GINUGULAT??" Naiinis na sigaw ko sa epal na babaeng katabi ko.
Tinawanan niya lang ako habang malakas na hinampas ng ilang beses ang braso ko.
Psh. Sarap bangasan, e! Kung makahampas akala mo close kami.
"Anong nakakatawa? Tumigil ka nga." Pagtataray ko.
"Aish! Bakit ang sungit mo? Bagay ka talaga sa Kuya ko."
"ANONG SABI MO?"
"Wala.. Ang sabi ko, sobrang lalim ng iniisip mo. Kanina pa ko nagtatanong dito pero parang di mo naman ata ako naririnig." Tinatamad na sabi niya.
Inirapan ko na lamang siya at inilabas na lang ang binder notebook ko sa bag. Nang tignan ko kasi ang orasan na nakasabit sa left side wall ng classroom ay nakita kong 8:15 na. 10 minutes na lang ay siguradong darating na ang prof namin for our first sub.
"Ano ba kasing tinatanong mo?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya at nangalumbabang humarap sa akin.
"Ahmm. Well, nakita kasi kita kanina, Diba? You're with Grey and.. My brother."
"And..?"
"Sabay kayong pumasok?" Tanong niya.
Tumango naman ako.
"Bakit? I mean. Paanong nangyari yon? Ang bahay ni Grey ay sobrang layo sa bahay namin. Imposibleng magkasabay sila. At mas nakapagtataka lang na kasabay ka pa nila." Kunot ang noong sambit niya.
No doubt. Gaya ko ay may lahi din siyang chismosa. Tss.
Ang dami pang paligoy ligoy, e ang gusto niya lang naman talagang malaman ay kung bakit ko kasabay yung dalawa. Tss.
"Yung Kuya mo nakita ko na lang sa harap ng bahay ko. Hindi ko alam kung may kailangan ba siya sakin or what basta nakita ko na lang siya sa labas ng bahay ko, reason kung bakit sabay kaming pumasok ngayon. Si Grey naman.. Pansamantala kasi siya nakikitulog ngayon sa bahay ko--
"NAKIKITULOG-- ASDDFHJJKK"
Shet.
Mabuti na lamang ay agad kong natakpan ang bibig ng maingay na to. Hindi lang pala siya chismosa. Attention seeker din pala.
"Sige! Isigaw mo pa!" Nandidilat ang matang sabi ko sa kanya.
"Sorry. Hehe!" Sabi niya sakin na naka-peace sign pa.
Muli ko siyang inirapan habang siya naman ay inusod palapit sakin ang upuang kinauupuan niya. Inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko bago bumulong.
