Nakatingin ako kay Grey habang pinag-iisipang mabuti ang mga sinabi ni Kurk. Di ko masyadong gets yung tungkol sa RULE pero alam kong may kinalaman ako dun.
Narinig kong nabanggit nila yung past namin ni Chance.
Yung nakaraan namin ni Chance na di ko maintindihan kung bakit ba ibinabalik pa nila? Atsaka ano namang kinalaman nila at ni Grey sa kung anong meron samin ni Chance noon?
Importante pa ba yon? Parang di naman. Psh.
"Uwi na tayo.."
Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko siyang magsalita. Sasagot pa sana ako at aangal dahil putakte naman.. Oras nang klase tapos uuwi kami?
Pero di ko na nagawang umimik dahil agad niya na kong hinila palabas ng school. Malaya kaming nakalabas ng Academy nang di manlang nasisita ng guard.
Bakit nga naman KAMI sisitahin?
I'm with THE GREAT: GREY CHAVES.
Alam nang lahat na kaibigan siya ni Trevor na apo ng may-ari ng school. Yes, Apo si Trevor ng may-ari kaya ganyan sila kayabang sa Academy! Feeling mga hari palibhasa may power sila dito. Super yabang just like Chance, leader nang grupo nila na hobby na ata ang pakikipag-away.
Ilang beses na nga bang napatawag ang magulang ng isang yon?
Di ko narin mabilang.
Pero kahit gaano pa kadami yun ay wala rin namang kwenta dahil NEVER naman sila naki-kick out.
Naglakad kami pauwi. Hawak niya parin ang aking kamay pero wala ni isa samin ang nagsasalita. Tahimik lamang siya hanggang sa makarating kami sa bahay.
Binitawan niya na ang kamay ko at diretsong umupo sa nag-iisang sofa sa loob ng bahay ko. Ako naman ay agad na tumungo sa kusina para kunin ang first aid kit na meron ako. Balak ko kasing gamutin ang mga sugat niya.
Meron siyang dumudugong sugat sa gilid ng kanyang labi bunga ng panununtok sa kanya ni Kurk. Meron ding gasgas ang kanyang kanang palad nang dahil sa malakas na pagtumba niya kanina.
Di niya nga lang alintana iyon. Ni hindi niya nga ata nararamdaman na kanina pa dumudugo ang sugat na iyon.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa maliit na mesa sa harap niya. Nakapikit siya at di niya rin ata naramdaman ang paglapit ko dahil ni hindi manlang siya kumilos.
Binuksan ko na ang kit at kinuha ang bulak na naroon. Nilagyan ko ito ng kaunting gamot bago ko idinikit sa sugat na nasa gilid lamang ng labi niya.
Bahagya siya napaigtad nang siguro'y maramdaman ang kirot mula sa kanyang sugat. Agad siyang napamulat at napatingin sa akin.
"Umayos ka ng upo. Gagamutin ko ang sugat mo." Utos ko.
Pero imbis na kumilos ay hindi siya natinag. Nakatingin lamang siya sakin tila napakalalim ng iniisip.
Nailang naman ako sa paraan ng pagkakatingin niya kaya agad akong napaiwas at dinampot na lamang ang kamay niyang may sugat din.
Dito na lamang siguro ako magsisimula---
"Wag na.."
Tinabig niya ang kamay ko dahilan kung bakit nahulog ang bulak na hawak ko. Pero agad ko itong pinulot at ibinato sa kanya.
"Wag ka nang maarte! Akin na yang kamay mo, may sugat din kasi---
"Wag na sabi, e!" Muling tanggi niya.
"Aish! Wag ka na ngang makulit!"
Hinablot kong muli ang kanyang kamay at hihigitin niya pa sana ulit kundi lang siya nasindak sa nandidilat kong mata.
