Pinihit ko na ang seradura at bubuksan na sana ang pinto ngunit agad na nagbago ang isip ko. Itinulak kong muli ang pinto at ibinalik sa pagkakasara nito. Sinigurado kong na-i lock kong maigi ang pinto bago ko iniwan.At etong muli ako, kagaya kanina ay naglalakad pabalik balik sa loob ng kwarto ko.
Arrrgh! Nababaliw na ba ko?
Naririto ako sa sarili kong kwarto, sa sarili kong pamamahay pero kinokontrol ko ang bawat kilos ko? Ayokong lumabas ng kwarto ko dahil natatakot ako sa kung anong pwede kong madatnan sa labas nito.
Ayokong makausap si Grey.
Sa totoo lang kung pwede ay ayoko muna siyang makikita.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakamove on sa paghalik niya sakin kanina. At ngayon lang naging malinaw sakin ang lahat.
Naiinis ako sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko manlang nagawang magreklamo kanina! Bakit niya ko hinalikan?! At bakit ko siya hinayaan? Yan ang mga tanong na gusto kong malaman ang sagot pero kung sakaling magkakaharap kami ay ayoko na sa munang pag-usapan.
Nakakahiya.
Nahihiya ako para sa sarili ko. Ang tanga tanga ko. Bakit ako pumayag na magpahalik sa isang lalaking..
Katulad niya.
Waaaaah! Tingin ko ay masisiraan na ko ng bait sa sobrang pag-iisip.
NAKAKALOKA-----
"Shaira?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Grey sa labas ng kwarto ko. Kasunod nito ay nakarinig pa ko ng ilang mahihinang katok sa pinto.
"Shaira? Shaira!"
Ayokong sumagot.
Ayoko siyang makausap.
"Okay ka lang ba? Shaira!"
Lumalakas na ang kalabog na naririnig ko sa pinto ngunit ayoko pa ring magsalita. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin. Ni hindi ko nga alam kung paano ako aakto sa harap niya------
Shet!
"GREY! WHAT THE HELL!" Di mapigilang sigaw ko.
Siya naman ay halos takbuhin na ang distansiya sa pagitan naming dalawa at agad na niyakap ako.
"Akala ko.." Hinihingal na bulong niya. "Akala ko kung ano nang nangyari sayo."
Ano daw?
Naiinis na itinulak ko siya palayo.
"Anong pinagsasabi mo? Sinira mo yung pintuan ng kwarto ko! Gago ka!"
Oo. Tama kayo ng narinig. Yung baliw na lalaking to ay sinira lang naman yung pinto ng kwarto ko para makapasok siya. At tang*na! Di ko alam kung mayroon bang dahilan na maari kong tanggapin sa ginawa niya!
"Sorry."
"Sorry?! Hoy! Sinira mo yung pinto ng kwarto ko tapos sorry lang?" Naasar nang sigaw ko.
"Sorry na.. Ikaw kasi, e." Nakasimangot na sabi niya.
At ang mas nakakainis pa don ay parang ako pa tong sinisisi niya sa kalokohan niya!
"Hindi ka kasi sumasagot kanina. Akala ko tuloy kung ano nangyari sayo." Inosenteng sabi niya bago naglakad palapit sa kama ko at humiga rito. "Nag-alala lang naman ako."
Nag-alala?
Bullsh*t! Bakit niya kailangan mag-alala? At isa pang bullsh*t! Bakit niya pa kailangan sabihin sakin na nag-aalala siya! Ayan tuloy..