Chapter 15

108 5 0
                                    

"What are you doing?"

"Can't you see? I'm watching!"

"Yeah! I know. Nanonood ka. Pero bakit naiyak ka?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Hindi niya na ko pinansin. Muli niya nang tinutok ang mga mata sa tv screen at nagconcentrate na sa pinanonood niya. Hinablot niya rin ang tissue na nakapatong sa table at pinunasan ang mga luhang nakakalat sa mukha niya.

Psh. Kalalaking tao, NAPAKA-IYAKIN.

Minsan talaga ang weird nitong si Grey.

Ay hindi.

Hindi pala minsan dahil madalas siyang ganyan.

"Ano ba yang pinapanood mo?" Tanong ko.

Hindi niya parin ako pinapansin. Seryoso lang siyang nanonood na tila hindi ako naririnig.

"MIRACLE IN CELL NUMBER 7?!"

Like what the!

"Kalalaki mong tao nanonood ka niyan?! Hahaha!" Tumatawa kong sabi bago siya malakas na hinampas sa braso.

Tinitigan niya naman ako ng masama dahilan kung bakit nabitin din sa ere ang malakas na pagtawa ko.

"Pwede bang wag kang maingay?" Singhal niya.

"Arte neto." Bulong ko naman.

"Pwede ba kung ayaw mo ng pinapanood ko, umalis ka na lang?"

Aba!

Ang sungit!

Akala mo siya may ari ng bahay kung paalisin ako! Ang kapal!

"HOY! AKALA MO ATA---

"SHHH!"

Aish! Oo na! Sabi ko nga mananahimik na lang ako.

Kaya naman pala umiiyak ang lalaking ito, e nakakaiyak naman kasi talaga yung pinanonood niya.

Tumayo na ko at nakapameywang na humarap sa kanya.

"Aalis ako, ah." Paalam ko."Bibili ako sa grocery dahil inubos niyo kagabi yung stock ko dito sa bahay ni Thirdy!"

Hindi niya parin ako pinansin. Sumenyas lang siya na parang tinataboy ako at ni hindi manlang nilingon.

Tss.

Napakawalang kwenta talaga ng taong to.

Di manlang ako sasamahan?

Ay grabe! Mabuti na lamang at hindi ko siya kailangan! HINDI KO TALAGA SIYA KAILANGAN! HINDI!

Kaya kong mag-isa. SANAY NA KO kaya hindi ko kailangan ng kasama!

Argggh! Nakakaasar!

Pero bakit ba ako naasar? Ewan ko din. Nababaliw na ata talaga ako?

Sumakay na ko ng Tricycle patungo sa pinakamalapit na grocery store. Sabado ngayon at dapat sana ay nagpapahinga ako sa bahay dahil may trabaho ako mamaya pero dahil nga sa ubos biyaya kong housemate ay----ALAM NIYO NA.

"Manong sa tabi lang."

Huminto ang tricycle at bumaba ako. Mabilis akong pumasok sa store at kumuha ng cart para sa mga bibilhin ko.

Nasa kalagitnaan na ko ng pamimili ng may dalawang lalaki ang lumapit sakin at kinausap ako.

"Hi, Miss!"

Tinitigan ko lamang sila ngunit walang salita ang lumabas sa bibig ko. Kahit naman maagang namatay ang parents ko ay naturuan naman nila akong wag makikipag-usap sa mga taong hindi ko naman kilala.

Hindi ko sila pinansin at itinuloy lang ang paglalakad tulak ang isang malaking cart.

"Wait--- Miss! Tulungan na kita." 

Lumapit sakin at tumabi ang isa sa mga lalaki at inagaw ang tinutulak kong cart. Pasimple pang sinagi nito ang isang kamay ko, e halata namang minamanyak lang ako. Psh.

Tinignan ko lang sila.

Tinitigan.

Muli kong inagaw ang cart ngunit ayaw niyang bitawan. Mariin akong napapikit na tila nagpipigil ng sarili. Nagbilang ng lima at handa na sanang manigaw sa dalawang bwisit na lalaki pero---

"Who are you?"

Sabay sabay kaming napalingon sa pinaggalingan ng boses. At ang seryosong mukha ni Grey ang bumungad samin.

Pero anong ginagawa niya dito?

"Bitawan mo yang cart." Maangas na utos niya sa lalaki.

Ngunit hindi ito nakinig sa kanya. Hindi nito binitawan ang cart sa halip ay ngumisi pa ito na tila naghahamon ng gulo.

"Bakit pare? Sino ka ba?" Mayabang na sabi ng lalaking may hawak ng cart.

"Oo nga. Gusto mo rin ba tong si Miss beautiful? Sorry pare, nauna kami, e. Sumunod ka na lang sa---"

"GREY!"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makitang bumulagta ang isa sa mga lalaki. At nagulat na lamang ako ng makitang nagkakagulo na sila.

"Security! Security!"

Rinig kong sigaw ng isa sa mga customer habang ako naman ay pinipilit na ilayo si Grey sa dalawa.

Mabuti na lamang at may dumating na guard at tinulungan ako sa pag-awat dun sa tatlo.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

Hinihingal na tumango naman si Grey bago tinitigan ng masama yung dalawa.

"Hindi pa tayo tapos!"Nagbabantang sabi ng isa s mga lalaki kay Grey.

Napangisi naman si Grey dahil dito.

"Just dont forget to inform me. Sabihin mo sakin kung saan at kailan. Tatapusin natin yan."Nang-aasar na sabi naman ni Grey sa kanila.

"Gago!"

"Mas Gago ka. Nagkamali kayo ng kinabangga. Sa susunod piliin niyo yung babaeng babastusin niyo."

"Bakit? Sino ka ba? Ano mo ba siya?" Tanong nung lalaki.

Importante pa ba yon? Kailangan ba kapag tinulungan mo ang isang babaeng binabastos ay kailangan may koneksyon ka sa kanya? Kalokohan ng mga to. E kung idemanda ko kaya---

"She's my wife."

Huh?

"No one can touch her. Except me. Naiintindihan niyo?"

Halos malaglag ang panga ko sa gulat ng dahil sa pinagsasabi niya!

Like seriously? Ano daw niya ako?! WIFE?! Shet. He's not my husband and not even just my boyfriend for pete's sake! What the F is he talking about?!

"At ikaw." Tinuro niya ang lalaking umagaw ng cart sakin kanina. "Dahil hinawakan mo ang kamay ng ASAWA ko. Humanda ka sakin. Tandaan mo tong mukha ko dahil AKO ang maglilibing sayo."

Yun lang ang huling sinabi niya bago hinawakan ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng store na walang nabili kahit isa.

Hayy.

What a day!

Hindi pa natatapos ang araw na ito ngunit ibat-ibang klaseng Grey na ang nakita ko.

The Serious / Masungit / Suplado na Grey. Next is yung iyakin then the gangster/basagulero na biglang nanunutok. Psh. Tapos yung knight in shining Armor GREY na mapi-feel mo na parang maipagtatanggol ka sa kung sino mang gagawa ng kalokohan sayo.

And the last one, the natural Grey.

Yung bwisit na Grey na bigla bigla na lamang may naiisip at nagagawang kalokohan.

Just WHAT THE HELL with the WIFE thing?! 

SERIOUSLY?!

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon