"WIFE? The hell! Kailan pa tayo kinasal? Nakalimutan niyo ata akong iinform!"
Kanina pa walang tigil tong bibig ko sa kakareklamo sa kabaliwan na sinabi ni Grey kanina. Pero ang walang hiya! Tinatawanan lang ako!
Pangiti ngiti lamang siya habang hawak ang yelo na binalutan namin ng tela. Dahan dahan niya itong idinadampi sa pisngi niyang may pasa dahil sa natamo niyang suntok mula sa mga manyak kanina.
"Wifey~~" Nang-aasar pa niyang sabi.
Inirapan ko naman siya at ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa iba.
Shet.
Ano daw?
WIFEY? LUH!
Anong feeling niya? Si James Reid siya AKA Timothy ng Talk Back And You're Dead? Tapos ano? Ako si Samantha na Wifey niya, ganon? NAKAKALOKA!
Ang corny---
"Nilalagnat ka ba?"
Nabalik ang tingin ko sa kanya ng marinig ko ang tanong niya.
"Ano?"
"Tinatanong ko kung nilalagnat ka. Namumula ka kasi."
Lumapit pa siya sakin at inilapat ang likod ng palad niya sa noo at leeg ko. Napaigtad naman ako ng dumikit ang balat niya sa balat ko.
Hala!
Ano na bang nangyayari sakin?
"M-mainit." Nauutal na sabi ko.
Ginamit ko pang pamaypay ang aking kamay para maibsan ang init na kunwari ay nararamdaman ko.
"Okay ka lang ba?"
Tumango lang ako sa kanya.
"You sure?"
"Yeah. O-okay lang talaga. Anyway, babalik na ko sa loob ng store. Para mabili ko na yung mga--- HOY! Teka! Saan mo ko dadalhin?"
Nataranta ako ng biglang hawakan ni Grey ang kamay ko. Hinila niya ako patungo sa harap ng pinto ng kotseng pa-aari niya.
"Get in."
"Huh?"
"Bakit ba palagi mo na lang pinapaulit ang mga sinasabi ko, Shaira?" Walang emosyon niyang tanong sa akin.
"Bakit mo ba kasi ako pinapasakay jan? Saan ba tayo pupunta? Kailangan kong bumili sa grocery para sa---
"Ako nang bahala don. Uutusan ko na lang si Mang Lito na mag-grocery para satin tutal ay pinapagawa ko naman sa kanya yung pinto ng kwarto mo sa bahay." Mahabang pahayag niya.
"Saan ba kasi---
"Ang dami mong tanong. Sa daan ko na lang sasagutin yan."
Binuksan niya na ang pinto at pinilit akong pumasok. Wala naman akong nagawa dahil kahit naman hindi kalakihan ang katawan ng isang yan ay lalaki pa rin naman.
Nang makasakay na siya ng kotse ay agad niya itong pinaandar. At yung sinabi niyang sa daan niya na lamang sasagutin ang mga tanong ko ay hindi niya naman ginawa.
Sa totoo lang ay hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang tinanong kung saan kami pupunta. Hindi niya nga lang sinasagot ang mga iyon hanggang sa ihinto niya ang sasakyan sa isang mall na malapit lang sa store na pinanggalingan namin.
Ano namang gagawin namin dito----
"Konti lang kasi yung damit na nadala ko sa bahay mo. Bibili lang ako." Sabi niya na parang narinig ang tanong na nasa isip ko.
