Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong may kung sinong pocho pilato ang humawak sa kamay ko.
Nang nilingon ko kung sino ang bwisit na iyon ay ang ngiting ngiting mukha ng pesteng na si Grey ang bumungad sa akin.
Napatitig ako sa kamay naming magkahawak bago ko inilipat ang masamang tingin sa mukha niya.
"What do you think you're doing?!" Naiinis na singhal ko sa kanya.
Ngumisi naman siya na lalong nagpatindi sa init ng ulo ko.
"Asawa ko~~ Wag ka nang magselos." Natatawang sabi niya.
Like.. what the f*ck!
What did he just say?!
Asawa ko?? Yuck!
"Mahiya ka nga sa mga salitang lumalabas dyan sa bibig mo, Grey! Naalibadbaran ako." Nakaismid na sabi ko sa kanya bago pilit na tinatanggal ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa kamay ko.
Pero hindi ko kaya.
"Ano ba? Bitawan mo ko!" Sigaw ko.
Pero ang loko, nginisian lang ako.
"Bitaw sabi, e!"
"No, dont wanna."
"Aish! Bitaw!"
"Ayoko."
"Isa!"
"Dalawa!" Natatawang pang-aasar niya.
"Grey, Im serious! Bitawan mo ang kamay ko!"Seryoso nang sabi ko.
Pero hindi parin niya binitawan. Sa halip ay mas lalo niya pang hinigpitan.
"Bibitawan ko lang to. Kapag sinabi mo na sakin ang totoong dahilan kung bakit sinigawan mo si Kaye kanina."
Kaye? Yun ba ang pangalan nung babae niya? Tss.
"Dahil nakakairita siya." Sagot ko na lang para matapos na.
"And..?"
"Kasi nakakabwisit siya!"
"Shaira, What else-----
"Putik naman Grey! Anong bang dahilan ang gusto mong marinig na isagot ko?"
Seryoso, nababadtrip na talaga ako.
Tumingin siya sakin nang di parin naaalis ang mga ngiti sa mga labi niya na tila ba na natutuwa pa siya sa kung anong nangyayari. Tinitigan niya ang mukha ko dahilan kung bakit ako napaiwas ng tingin sa kanya.
"Aminin mo lang na nagseselos ka.."
Napatanga naman ako ng marinig ang sagot niya sa itinanong ko.
Ano daw? WOW.
"At bakit naman ako magseselos aber? Hoy Grey baka feeling mo jan! Hindi kita boyfriend---
"Yeah! Im not. Im not." Putol niya sa sinasabi ko bago iwinasiwas ang isang kamay niya sa mukha ko na tila pinapatigil ako sa pagsasalita.
"Im not your boyfriend, cause remember? Im your handsome husband." Dagdag pa niya.
Di na ko napagpigil at hinampas ko na siya.
"Aw!" Impit na hiyaw niya habang hinihimas ang braso niyang malakas na hinampas ko.
Finally, Nabitawan niya na rin ang kamay ko.
"Tigilan mo na nga yang kakabanggit mo sa salitang asawa. Nakakasuka na."
