"Ang ganda.."
Mula sa napakagandang mga bituin sa kalangitan ay napabaling ang tingin ko kay Grey na ngayon ay nakatayo na rin sa gilid ko.
Sakay ng isang napakalaking ferris wheel ay narating na namin ang tuktok kung saan kitang kita namin ang napakagandang dagat ng kalangitan. Ang bawat bituin ay may kanya kanyang kinang. Ibat iba ang mga kislap ng mga ito na tila ba mga christmas lights na sinasabit sa bahay tuwing pasko.
Tama si Grey. Napakaganda nga.
Nang tignan ko siya ay ni hindi naalis ang kanyang atensyon sa napakagandang likha ng maykapal. Ang mga mata niya ay tila napako na sa gandang taglay nito. Sumilay din ang isang ngiting kinahuhumalingan ng mga mahaharot na babae sa school namin.
Kaya naman pala maraming nagkakagusto sa kanya. Isang ngiti niya lang, ulam na. Charr!
But honestly? Noon, napapatanong na lang ako sa sarili ko. 'Ano bang nagustuhan nila sa isang Grey Chaves?'
Wala namang ginawa ang taong to kundi mangbully, manloko at manira ng araw ng ibang tao. Pero bakit marami pa ring nagkakagusto sa kanya? At bakit marami parin ang mga babaeng humihiling na sana ay mapasakanila siya?
Ang labo.
Yeah. Noon, napakalabo.
Pero nitong mga araw, nung mga araw na palagi na siyang nasa tabi ko.. at nung palagi ko na siyang nakakasama ay nagbago na ang lahat ng pananaw ko.
Pananaw ko, tungkol sa mga lalaking kagaya niya.
Hindi naman pala siya ganon kasama. Maloko, oo. Medyo baliw, praning. Pero okay siya. Masarap siyang kasama. Kahit na minsan ay sobrang maiinis ka na lang sa sobrang kulit niya.
He is not my Ideal man.
Not even the MAN OF MY DREAMS.
Pero bakit? Bakit siya palaging nasa isip----
"Sh*t."
Naiiling na lang na napahampas ako sa ulo ko. Bakit ko naisip ang mga yon? My God! Si Grey yan! Si Grey na kaibigan ng EX kong si Chance! At pagbali-baliktarin mo man ang mundo, bumait man ang pakikitungo niya sayo, Hindi pa rin magbabago na isa siya sa mga nakatulong ni Chance sa panloloko sayo, Shaira.
"Nababaliw na ata ako." Wala sa sariling bulong ko.
"Anong problema?"
Nang muli kong lingunin si Grey ay bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko at iginiya ako paupo.
"Nahihilo ka ba?" Tanong niya.
Umiling naman ako.
"Masakit ang ulo mo?" Tanong uli niya.
At isang iling na naman ang isinagot ko.
"Are you sure?" Nag-aalala pa ring tanong niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at muling tumayo at humarap sa napakagandang view.
"Walang masakit sakin. Dont worry, okay lang ako. Siguro, ano.. medyo pagod lang."
Mula sa likod, ay ang malalim na paghinga naman niya ang narinig ko. Bago ko naramdaman ang presensya niya sa likod ko.
"You're not tired, I know. Viking, yung mini Roller coaster tapos etong Ferris wheel pa lang ang nasasakyan natin kaya imposibleng pagod ka na. Hindi ka ganyan. Hindi pa kita gaano katagal na kakilala, pero sa ilang araw, linggo na nakasama kita.. alam ko kung kailan ka nagsasabi ng totoo. You dont need to lie. Please dont."