Chapter 19

114 6 1
                                    

Halos isang linggo na ang nakalipas mula nung araw na nawala siya. At dahil sikat siya at kilala sa buong University ay mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagkawala niya.

Base sa mga naririnig ko, ay ginagawa na ng mga kaibigan niya ang lahat para lang mahanap siya. Mayayaman naman at maraming koneksyon ang mga ito kaya tiwala akong makagagawa sila ng mabilis na paraan para makita agad siya.

Yun nga lang, linggo na ang lumipas pero ni anino niya ay di pa rin bumabalik.

Nasaan na ba siya? Okay lang kaya siya? Siguro naman ay alam na rin ng mga magulang niya ang nangyari sa kanya. At kung gaano kaabala ang mga kaibigan niya para solusyunan ang problemang ito, malamang ay mas doble ang effort na ginagawa ng parents niya tungkol dito.

Kasi alam kong kahit hindi sila okay, sigurado namang hindi nila matitiis si Grey dahil magulang pa rin naman sila nito.

At hindi ko man aminin ay alam ko sa sarili kong.. nag-aalala ako.

Ayokong mang mag-isip ng masama pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng kung ano ano.

Kaya ngayon ay naririto ako sa likod ng isang malaking puno at nagtatago.

Mula sa di kalayuan ay kitang kita ko sila Chance at ang ilan sa mga kaibigan niya na may seryosong pinag-uusapan. At malakas ang pakiramdam ko na si Grey ang topic nila, at kailangan kong marinig yun para kahit papaano ay mabawasan na ang kabang nararamdaman ko.

Mula sa puno na pinagtataguan ay maingat akong lumipat sa isa pang puno na mas malapit sa kanila. At sapat lang ang distansyang ito para marinig ko ng malinaw ang mga boses nila.

"Maghanap na nga tayo ng mga bago. Wala namang kwenta yung mga taong inutusan natin para hanapin si Grey dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang nakikita!" May galit sa boses na sigaw ni Kurk.

Sumang-ayon naman si Trevor na ngayon ay katabi niya at kapwa nila inaantay ang opinyon ng iba pang kaibigan nila.

Mula sa pagkakatayo ay tahimik naman na lumapit si Chance sa isang malaking bato at umupo roon.

Napatingin naman sa kanya ang mga kaibigan niya at tila tanging opinyon niya lamang ang inaabangan.

Nagkibit balikat naman si Chance bago tumango.

Hayy.

So, Hindi pa nila nahahanap si Grey.

Hanggang ngayon ay walang kahit na sino parin ang nakakaalam kung nasaan siya.

Kung pwede ko lang sanang ibalik ang pangyayari. Sana hindi na lang kami pumunta sa amusement park ni Grey. Kung nanahimik na lang kami sa bahay at sinamahan ko na lang sana siyang manood ng miracle in cell #7, siguro hindi na kami pupunta sa lugar na yon at hindi na sana siya makukuha.

Hindi na sana siya mawawala.

Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman iyon. Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ko nang maramdaman ang paninikip nito. At bago pa ko tuluyang matumba ay tahimik na tinalukaran ko na sila.

Aalis na sana ako ng mapatigil ako sa paglalakad at nanlaki ang mga matang napatitig kay Chia na ngayon ay ngiting ngiting nakatingin sa akin!

Sh*t.

Nakita niya ba akong...

"Anong ginagawa mo diyan, ah?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Kahit feeling ko naman ay alam na niya ang sagot sa tanong niya.

"W-wala.. A-ano.. N-nagpapahangin lang. Aalis na rin naman ako agad. Sige, ah! B-bye!" Naiilang na sabi ko.

At lalagpasan ko na sana siya ngunit bigla niya kong hinawakan sa braso at hinila papunta sa kinaroroonan nila Kuya niya.

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon