Chapter 20

109 6 0
                                    

Someone.. is watching.

But for now, ay wala akong pakialam kung sino siya. Sa tingin ko naman ay hindi ako kabilang sa mga taong pinapanood niya.

Medyo ang creepy nga lang pero gaya nga ng sabi ko kanina ay wala akong pakialam. Sa ngayon ay si Thirdy ang importante sakin at ang mga nalalaman niya. Alam niya kung nasaan si Grey!

At kailangan ko rin malaman yon!

"Ako? Bakit ako?"

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa may garden ng marinig ko ang boses ni Chance. Napangiti ako ng makita si Thirdy na kausap niya. At gaya kanina ay naghanap ako ng matataguan para makinig sa usapan nila---- Yes! Oo! Masama na kung masama! Pero wag niyo na muna akong sermunan kung wala akong kadala-dala.

Dahil alam ko namang bukod sakin ay gusto niyo na rin malaman kung nasaan na ba talaga si Grey. Ang haharot niyo din, e!

"Ikaw lang ang kilala kong pwedeng gumawa non!" Sigaw ni Thirdy habang mahigpit na hawak si Chance sa kwelyo ng uniform nito.

Malakas naman siyang tinulak ni Chance kaya napabitaw siya at napaatras bago siya nakatikim ng masamang tingin mula rito.

"No, Thirdy. No." Mariing iling ni Chance sa kanya.

Agad naman akong napayuko ng makitang papalapit siya sa kinaroroonan ko. Iniwan niya si Thirdy na nag-iisa roon habang tinitignan siyang naglalakad palayo.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nanatili sa ganoong pwesto si Thirdy. Tumalikod na ko at dahan dahan naglakad palayo ng biglang marinigbko muli ang boses niya--

"Hanggang kailan ka makikinig sa usapan ng iba, Shaira?!"

Nilingon ko siya at nakita ko ang seryosong mukha niya.

"What now?! Sasabihin mo na namang hindi mo sinasadya!" Sigaw niya.

Napailing naman ako.

Shocks!

Nakakahiya!

"I'm s-sorry.. Thirdy. Im really---

"Hindi pa ba sapat sayo na nag-away away na yung mga kaibigan ko kanina dahil sa ginawa mo? Ano pa bang gusto mo?!"

"Wala! Hindi ko..."

"Sinasadya?! BULLSH*T!"

"NO! Hindi yon! G-gusto ko lang naman talaga malaman.. kung nasaan na si.. Grey." Kinakabahang sabi ko.

Napakaamo ng mukha ni Thirdy pero nakakatakot siyang magalit. Ganito rin ang mukha na nakita ko kay Kurk at Trevor nung sinisisi nila ko, e. Di ko akalain na yung mga cute nilang mukha ay pwedeng maging monster kapag nagagalit. Nakakatakot.

"Gusto mong malaman?"

Mabilis akong tumango.

"Im sorry. Pero hindi ko sasabihin sayo."

Mabilis siyang lumakad palayo at iniwan ako. Hindi ko manlang siya nahabol sa sobrang gulat ko ng dahil sa ginawa niya.

Kainis! Napakadamot sa information! Ang panget mo, Thirdy! Arrgh!

"Bwisit!"

___

Pula ang kanyang buhok at may suot siyang itim na cup. Long sleeve na may ripped ang sleeves ang design ng pang-itaas niya samantala itim na pants naman ang pang-ibaba nito.

Tumatakbo siya palayo sakin at hindi ko maintindihan kung bakit hinahabol ko siya dahil hindi ko naman siya kilala.

At hindi ko alam kung bakit parang gustong gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang yakapin pero kapag malapit na ko sa kanya ay biglang lumalawak ang distansiya sa pagitan naming dalawa!

Paanong nangyayari yun?

Ang weird.

Tumigil siya sa pagtakbo. Pagkakataon ko na para makalapit sa kanya.

Ilang hakbang na lang.

Tatlo..

Dalawa..

Isa.

Abot kamay ko na siya pero unti unti siyang nauupos. Gusto ko siyang hawakan pero unti unti na rin siyang nawawala sa paningin ko na parang hangin!

"TEKA! SANDALI! GREY---

Agad akong napabangon mula sa pagkakaub-ob sa mga braso ko at umayos ng upo.

Hayy.. Panaginip lang pala.

Pero teka---

Tama ba yung nasa isip ko? Grey? Grey nga ba yung itinawag ko sa lalaking tumatakbo palayo?

Imposible!

Dark Brown ang kulay ng buhok ni Grey at hindi pula. Tsaka bakit naman siya magpapakulay ng pula if ever, diba?

At bakit naman siya tumatakbo sakin palayo? Ang weird talaga nung panaginip na yon. Super weird!

"Shaira! Hindi ka pa ba uuwi?"

Napalingon ako sa kaklase kong babae na ngayon ay hawak ang phone niya at kasalukuyang kinukuhanan ng litrato ang white board kung saan nakasulat ang mga nilecture namin kanina.

Kaming dalawa na lang pala ang natitira sa loob. Ni hindi ko manlang narinig na tumunog ang bell sa sobrang himbing ng pagkakatulog ko kanina.

Inayos ko na ang gamit ko at inilagay ang lahat ng iyon sa bag. Isinukbit ko na ito sa aking balikat at dali daling lumabas ng pinto.

Pagkalabas ko classroom ay wala na kong makitang tao bukod sa isang lalaking may pulong buhok na mabilis na naglalakad sa unahan ko.

Teka!

Pulang buhok? Hindi kaya---

"WAIT!" Tawag ko.

Pero tumakbo siya. Tumakbo na rin ako para sana habulin siya. Shet. Ganitong ganito yung nasa panaginip ko, e!

"Sandali lang!"

Patuloy pa rin ang paghabol ko sa kanya. Lumiko siya sa isang pasilyo at ganun din ang ginawa ko ngunit napakunot ang aking noo ng hindi ko na siya nakita.

Nasaan na yun?

Bakit siya tumatakbo palayo? Kilala ko ba siya?

Inilinga ko pa ang aking panigin dahil baka sakaling makita ko pa siya pero wala na.

Hinihingal na napaupo ako sa sahig at napahawak sa dibdib ko. Ang sikip. Ang sakit. Para akong mauubusan ng hininga.

"Miss? Okay ka lang?"

Mula sa pagkakayuko ay itinaas ko ang aking tingin sa lalaking humawak sa braso ko. Inalalayan niya ko patayo at hindi ko mapigilan ang aking sarili na titigan ang pula niyang buhok.

Napabuga na lamang ako hangin sa pagkadismaya. Siya ba? Siya lang pala yung lalaking may pulang buhok na hinahabol ko kanina.

Di ko naman siya kilala pero bakit siya tumatakbo palayo sakin?

Tss. Akala ko tuloy si..

Si..

"Sh*t! Miss!"

Unti unting nanlabo ang aking paningin at naramdaman ko na lamang ang mga brasong sumalo sakin pagkabagsak ko. Ramdam kong binuhat niya ako at dinadala kung saan.

Wala na kong marinig. Pero pinilit kong buksan ang aking mga mata kahit na sobrang labo na ng paningin ko.

At sa pagmulat ng mata ko ay lalaking may pulang buhok na bumubuhat sakin ang nakita ko.

Pero ang weird.

Dahil kahit na nanlalabo ang paningin ko.

Alam ko.

At kilalang kilala ko.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Hinding hindi.

"G-grey." Nahihirapang tawag ko.

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon