Chapter 24

102 6 0
                                    

Kung minamalas ka nga naman!

"Nasaan na naman ba yung p*tanginang wallet kong yon?!"

Nakakainis! Napakaburara ko talaga! palagi na lang akong nawawalan!

"Miss? Kukunin niyo po ba talaga ang lahat ng to?" Mukhang naiinis nang sabi sakin nung Cashier bago itinuro ang dalawang basket ng grocery na bibilhin ko.

"Hindi ka ba makapaghintay?" Naiinis na ring sabi ko. "Nakikita mo na ngang hinahanap ko pa yung wallet ko, Diba? Maghintay ka nga-----

"Psh! Lumang taktika na yan, Miss." Nakangising sabi niya pa na talaga namang nakapagpaasar ng husto sakin. "Hindi ba't ganito rin ang ginawa mo nung nakaraan? So, Ano? Maghihintay ka na naman ng taong may 'mabuting puso' para magpakatangang tulungan ka?"

"Anong gusto mong palabasin?"

"Kung wala talaga kayong pambayad ma'am. Pwede niyo na pong iwan na lang yang mga kinuha niyo sa tabi. Staff na lang po namin ang bahalang magbalik ng mga yan. Nakakaabala na nga po kayo sa trabaho namin, Abala pa po kayo sa mga costumers namin." Masungit na sabi niya pa. "NEXT!"

Nanlilisik ang mga matang tinitigan ko siya. At muli ko na sana siyang bubulyawan ng biglang..

"Kukuha kuha ng marami, Wala naman palang pambayad. Tss. Here, Babayaran ko na yung bibilhin niya."

Napalingon ako kay Grey at nakitang nag-aabot siya ng pera sa babaeng sobrang sama na naman ng tingin sakin.

"Naloko na naman siya." Nakasimangot pang bulong nito.

"ANONG SABI MO?" Di na nakapagpigil na sigaw ko.

Gulat namang napatingin sakin yung babae na di ata inaasahan na narinig ko pa ang bulong niya. Pero nalipat agad ang tingin namin kay Grey ng biglang marinig namin ang pagtawa niya.

"No.." Natatawang sabi ni Grey na umiiling pa. "Hindi ako tanga, Okay? Hindi ako nagpaloko sa modus na ginagawa niya. Sadyang.. Mabait lang ako at naaawa sa kanya. Biruin mo? Kailangan niya pang gumawa ng ganito kasamang bagay para lang may makain siya. Nakaka.. awa... Nakakaawa talaga.."

Mula sa babaeng kaharap ay inilipat ni Grey ang tingin niya sakin. Sa tingin niya palang, Para ipinagsisigawan niya nang NAKAKAAWA KA TALAGA, SHAIRA!

Bakit siya ganyan? Bakit siya nagkakaganyan? Sa lahat ng taong nakilala ko, Hindi ko akalaing si Grey pa ang maglalagay sakin sa sitwasyong ganito.

Nakaka.. tawa.

ANO BA TALAGANG NANGYAYARI SA KANYA?

Napangisi na lang ako at muling bumaling sa kanila. Lahat ng bulungan at mga mapanuring tingin na ibinibigay sakin ng lahat ng taong nakarinig ng mga sinabi ni Grey ay tinanggap ko.

"Nakakaawa? Sino nga bang tunay na nakakaawa? AKO? O KAYO?" Nakangising sabi ko bago muling bumaling sa babaeng nasa cashier. "Huwag mong tanggapin yung perang binibigay ng 'MAYAMAN at AROGANTENG' lalaking to. Huwag mo rin ipabalik sa mga STAFF niyong naabala ko ng trabaho ang mga pinamili ko. Babayaran ko yan, Maghintay ka lang. Hintayin mo lang at isasampal ko sa mukha mo yung perang hinahanap mo!" Asik ko.

BADTRIP. Sa ganitong pagkakataon talaga lumalabas ang kasamaan ng ugali ko. Pero masisisi niyo ba ko? Ang ugali ko, Ay depende lang naman sa ugaling meron ang taong kaharap ko. Tsk.

"AT KAYO! Huwag niyo kong tignan ng ganyan! At wag na kayong bumulong ng kung anu-ano pa dahil naririnig ko naman yang mga pinagsasabi niyo! Kung meron man sating nakakaawa, Hindi ako yun! Kundi kayo! NAKAKAAWA kayo pati na rin yang mga mapanlait na ugali niyo!"

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon