Chapter 25

120 6 0
                                    

"Okay ka lang?"

Napalingon ako kay Cupid ng marinig ko ang tanong niya.

"B-bakit? Mukha ba akong hindi okay?" Nagtataka namang balik-tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya.

Nasa Cafeteria kami at kumakain. Ininom niya muna yung Red tea na inorder niya bago niya sinagot ang tanong ko.

"Mukhang maayos ka naman. Medyo lutang nga lang."

"Huh?"

"Ano bang nangyari? Nagkaganyan ka na mula nung makita kita sa waiting shed nung nakaraan. Kung inaaalala mo yung wallet mong nawala.. Hayaan mo na yon! Wag mo nang isipin---

"Hindi yon ang iniisip ko."

"E kung ganon, Ano?"

Si Grey.

Hayyy!

Kung pwede ko lang sabihin ang lahat kay Cupid, hindi na sana ako magkakaganito.

Puro tanong ang isip ko at pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

Hindi niya ba talaga ako naalala?

O nagkukunwari lang siya?

At kung oo, Bakit? Bakit niya kailangang magpanggap na hindi ako kilala!

NAKAKAASAR!

Nabubwisit ako dahil wala akong alam!

Ang tanga ko na ba dahil wala akong maintindihan?

Gusto kong umiyak.

Mula rito sa pwesto namin ni Cupid ay natatanaw ko si Grey na tahimik lamang na kumakain habang nakikinig sa masayang kwentuhan ng mga kaibigan niya.

Ilang araw narin mula nung huli ko siyang nakausap.

Miss na miss ko na siya.

Halos lumuwa ang mata ko nang manlaki ito sa gulat ng biglang lumingon sa pwesto namin si Grey. Nagtama ang paningin namin pero agad siyang nag-iwas na parang walang nakita.

Tumayo siya at narinig kong nagpaalam sa mga kaibigan niya bago lumabas ng Cafeteria.

Saan naman kaya ang punta nun?

"Kain ng kain, Shai. May klase ka pa."

Wala na lang akong nagawa kundi ubusin ang natitira kong pagkain.

kahit ang totoo, Ay nawalan na ko ng gana.

_______

Naglalakad ako sa hallway pabalik sa room. Mag-isa na lamang ako, naghiwalay na kami ni Cupid dahil magkasalungat naman ang direksyon ng rooms namin.

"Grey?"

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang isang lalaking natutulog sa ilalim ng isang mayabong na puno sa gilid ng isang room.

Hindi ko na sana papansinin pero nakilala kong si Grey iyon dahil sa kulay pulang buhok niya.

Lumapit ako sa kanya pero ni hindi manlang niya ata ako naramdaman dahil sa himbing ng tulog niya.

Malakas ang loob kong lapitan siya ngayon dahil alam ko naman kasing mahirap gisingin ang mokong na to kaya hindi niya malalaman na narito ako.

Umupo ako sa tabi niya at wala sa sariling pinaglarauan ang buhok niyang kulay pula.

"Bakit ka nagpakulay?" Parang tangang tanong ko kahit na alam ko naman hindi niya masasagot dahil nga tulog siya.

Bahagya pa kong lumapit para tignan ang mukha niya.

"Uwi ka na sa bahay, Grey.. Hindi na ko galit." Natatawa pang biro ko.

Nababaliw na ba ako?

Hayy. Siguro nga. OO.

"Sabagay.. Kailan ba ko nagalit sayo?" Pagpapatuloy ko. "Madalas lang naman akong maasar dahil sa kakulitan mo. Pero ang magalit? Hinding hindi. At huwag mo nang subukang tanungin kung bakit kasi di ko rin alam ang dahilan."

Yumuko ako at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Mula sa manipis at mapupula niyang labi. Sa matangos niyang ilong at mahahabang pilik mata, patungo muli sa buhok niyang may kulay na pula.

"Teka nga! Di mo pa nasasagot ang tanong ko! Bakit ka nga nagpakulay? Di naman bagay." Nakangising bulong ko. "Gwapo ka na naman noon, e. Mas gumwapo ka nga lang ngayon. HAHAHAHA! Ang weird! Hindi ko rin alam kung kailan pa nagsimulang gumwapo yang mukha mo sa paningin ko. Hihihi."

"Paano kaya kung magpakulay din ako? Pula rin, Para pareho tayo. Kaya lang wag na lang. Magiging kapareho ko nga rin pala si Cupid at baka magfeeling na naman yun!"

"You know what, Grey? Si Cupid.. Parang ikaw rin. Makulit. Masarap rin kasama. Yun nga lang talagang.. Iba ka.."

Napatungo ako at napabuntong hininga. Dahan dahan kong iniabot ang kamay niyang nakapatong sa dibdib niya at hinawakan iyon.

Hanggang dito na lang ba tayo?

Hanggang ganito na lang ba ako?

Makakalapit na lang ba ako sayo kapag hindi mo alam? Yung hindi mo ako masisigawan o maitutulak palayo sayo?

"Miss na miss na kita. Sana.. Bumalik ka na sakin ulit, Kulit."

Inayos ko na ang mga gamit at ang sarili ko bago tumayo. Tinitigan ko pa siya sandali bago siya tinalikuran at sisimulan na sanang maglakad ng mapatigil ako.

Lumakas ang tibok ng puso ko.

Nanginginig ang mga tuhod ko.

Ramdam ko ang higpit ng biglaang paghawak niya sa kamay ko.

Gusto ko siyang lingunin pero parang nanghihina ako at hindi ako makakilos.

Hinila niya ako paupo muli at agad akong napapikit ng ng maramdaman ang yakap niya mula sa likod ko.

"Shaira.." Mahina ngunit rinig kong namamaos na sambit niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak. Wala na akong pakiaalam kahit pa malaman niyang iniiyakan ko siya. Kahit pa sangkatutak na tukso ang aabutin ko nito mula sa kanya.

Wala na kong pakialam!

Ang mas importante ngayon, Ay AKO.. At SIYA..

KAMING DALAWA..

"G-grey---" Kasunod ng ilang hikbi ay nakuha ko pang sambitin ang pangalan niya.

Pero pinigilan niya kong magsalita.

"Shhhh.. Please. Kahit sandali lang.. Kahit ilang segundo lang..

HAYAAN MO LANG AKONG YAKAPIN KA."

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon