Chapter 27

110 6 0
                                    

"Ohmygosh!"
"Anong nangyari kay Grey?"
"I dont know!"
"Sinong gumawa nyan sa kanya"
"Okay lang kaya siya?"

Agad akong napatigil sa paglalakad nang marinig kong binanggit ng ilang babaeng estudyante na nagchichismisan ang pangalan niya.

Nang nilingon ko sila ay nakita kong nasa iisang direksyon lamang ang paningin nila. At nang sundan ko ito ay isang lalaking nakashades, May pasa sa gilid ng labi at may band aid sa kaliwang pisngi ang nakita ko.

Si Grey.

Anong nangyari sa kanya?

At sino nga kaya ang gumawa sa kanya niyan?

Hindi kaya si..

No, Imposible! Ano naman ang pwede niya maging dahilan para gawin to sa kanya? Aish. Hindi. Imposible talaga!

Gusto ko sana siyang lapitan..

Kaya lang...

"PLEASE! NAGMAMAKAAWA AKO SAYO! WAG KA NANG LUMAPIT!"

Naalala ko na naman yung sinabi niya. Hiniling niya na huwag ko na siyang lalapitan. Hindi ko man maintindihan ang dahilan niya. Gagawin ko na lang ang gusto niya.

Tinalikuran ko na siya at maglalakad na sana ulit ngunit hindi ko maikilos ang mga paa ko.

Si Chance.

Nasa harapan ko.

Seryoso siyang naglalakad palapit sa akin kasama ang mga kaibigan niya at ang kapatid niyang si Chia. Ngunit nang malapit na sila sa akin ay nilagpasan niya lang ako at hindi rin pinansin. Nahuli ko pang sumulyap sakin si Chia bago kumapit sa boyfriend niyang si Kurk at sumunod na rin sa Kuya niya.

Ngayon ay palapit na sila sa kinaroroonan ni Grey. Dali daling napabitaw si Chia sa braso ng nobyo niya at tumabi kay Grey. Narinig kong kinamusta niya ito. Ganon din ang iba nilang kaibigan. Ngunit nanatiling tahimik lang si Chance habang nakatitig kay Grey. Nang nilingon siya ni Grey at nang magtama ang paningin nila ay kitang kita ko ang ginawa niyang pag-iwas rito.

Walang salitang tumalikod siya at iniwan sila.

Napabuntong hininga naman sina Chia na sinundan na lamang ng tingin ang Kuya niya.

Hayy..

Yung totoo?

Ano ba talagang problema to?

________

"Hindi ka talaga sasama?"

Sinamaan ko ng tingin si Cupid bago ko sinuntok ng malakas ang balikat niya.

"Aw! Ang sakit nun, Ah!"

"Hindi lang yan ang matitikman mo sakin kapag itinanong mo ulit sakin ang tanong na yan!" Naasar nang sabi ko.

Sinabi ko na kasing hindi. Napakakulit!

"Baka lang kasi magbago pa ang isip mo." Pangungulit niya pa.

Sembreak na kasi next week. Uuwi siya ng probinsya kasama ang Mama niya at gusto nila akong isama.

Pero ayoko talaga, e.

"Hindi na magbabago ang isip ko. Hindi ako sasama sa inyo."

"Pero maiiwan kang mag-isa."

"Nagpapatawa ka ba?"

Umiling siya.

"Bago ka pa dumating sa buhay ko, Cupid. Mag-isa na ako. Wag mo na kong problemahin dahil sanay naman na akong mag-isa."

Hindi ko na siya pinansin. Pinokus ko na lamang ang aking atensyon sa librong hiniram ko sa library kanina.

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi na siya nakatiis. Nagpaalam siyang pupunta lang sa Cafeteria para bumili ng pagkain. Tumango naman ako at nagsabing pupunta lang ng locker at may kukunin.

On my way to the locker area ay hindi ako mapakali. Kanina pa ko lingon ng lingon sa likuran ko dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sakin. Pero sa tuwing titingin naman ako ay wala akong makita.

Ang creepy!

Binilisan ko na lamang ang lakad at hindi na lang iyon pinansin. Tahimik ang bawat pasilyo dahil walang tao. Walang pang klase dahil break time kung kaya't wala ring estudyante.

Hinahalughog ko ang dala kong backpack para hanapin ang susi ng locker ko ng biglang may humarang sakin.

"B-bakit?" Nagtataka kong tanong sa babae na siyang humarang sakin.

"Napakaganda mong babae." Nakangiti niyang sambit.

"Huh?"

"Naiiba ka. Ang kapalaran mo ay nakasulat na. Hindi mo man gustuhin ay makakasakit ka."

"Po?"

"May mag-aaway, May magagalit at may mga taong sasaya dahil sayo. Magpakatatag ka. Sa buhay ay hindi lang puro saya. Marami kang kakaharapin pero wag kang susuko."

ANO DAW?

SHEMS! ANG WEIRD, AH!

Lumapit siya sakin at ngumisi.

"Malapit nang dumating ang araw na hinihintay mo. Sundin mo lamang ang sinasabi ng puso mo. Magpakatatag ka lang, Sasaya ka rin dahil yan ang nakasulat sa kapalaran mo."

Nilagpasan niya na ko at tuluyan iniwan. Iniwan niya kong tulala dahil nawiwierduhan sa mga sinasabi niya.

Ano bang sinasabi nun?

Kapalaran?

What the hell!

Sa tingin ko naman ay magkasing edad lang kami pero kung makapagsalita siya ay parang andami niyang alam! Nakakakilabot siyang magsalita kahit hindi ko naman masyadong maintindihan.

May mag-aaway.

May magagalit.

Pero may sasaya?

Ang gulo!

Baka naman pinagtitripan niya lang ako?

Sinubukan kong igala ang tingin ko sa paligid at nagbakasakaling may makitang hidden camera pero wala.

Sabagay, Hidden nga pala malamang nakatago yun.

Hinayaan ko na lamang at sinubukang iwaglit sa aking isipan ang mga pinagsasabi nung weirdong babae at tumuloy na lamang sa pagpunta sa locker ko.

At nang buksan ko ito ay napakunot ang noo ko nang may isang puting papel na nalagalag mula rito.

Nang pulutin ko ito ay sumalubong sakin ang isang pamilyar na pabango na hindi ko lamang matandaan kung san ko unang naamoy.

Ang pabango ay galing sa papel na pinulot ko. Itatapon ko na sana ito nang mapansin kong may nakasulat pala rito. Hindi pamilyar sakin ang penmanship ng kung sinong sumulat nito.

Sino kaya to?

At kanino kaya galing to?

Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Nakapagtataka na bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko.

Tss. Anong meron?

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang aking nararamdaman at naiiling na tinignan muli ang sulat.

Ang selfish ko ba kung hihilingin kong makasama ka? -K

K? Sinong K? Kupido? Cupid?

Psh! Praning!

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon