"Bakit mo pa hihilingin na makasama ako? E palagi naman tayong magkasama!" Nagtatakang tanong ko.
Nilingon ako ni Cupid na bakas na ang inis sa pagmumukha.
"How many times do I really need to tell you that Im not the one who wrote that." Naasar nang sabi niya sakin bago itinuro ang hawak kong papel.
"Tss.. Liar!"
"Im not."
"Yes, You are!"
"Aish! Stop it!"
"Tumigil ka na nga! Aminin mo nang ikaw si K!"
"Ikaw ang tumigil! Ang tigas ng ulo mo!"
Salubong na ang kilay ay nilapitan ako ni Cupid at biglang binatukan.
"HOW DARE YOU! Masakit yun, ah! Bakit mo ko binatukan?!" Asar na sabi ko habang hinihimas ang ulo kong binatukan niya.
"Hindi lang yan ang matitikman mo kapag di mo pa tinigil yang pangungulit mo sakin." Nakangising sabi niya na halata namang ginaya lang yung sinabi ko sa kanya nung nakaraan.
"You are K. It means KUPIDO!"
"I AM CUPID! KUPIDO isn't MY NAME! Tumigil ka na sabi, e. Hindi ako si K! Baka nga ikaw yun, e!"
Ako?
"Ano ako tanga? Susulatan ko sarili ko, ganon?"
"Tss.. No, Ofcourse. What I mean is.. Letter K stands for you. K meaning.. KULIT! Kasi paulit ulit! Psh. Gotta go. Bye!"
Tumayo na siya at iniwan na ako.
Ako naman ay halos mapanganga sa gulat ng dahil sa sinabi niya.
Bakit nga ba hindi ko naisip yun?
Posible nga kayang.. SIYA si K?
Maari nga kaya na ang K na sumulat nito ay ikaw?
Kulit?
***
Her POV.
"Bakit di mo siya lapitan?"
Nilingon niya ako ng marinig ang tanong ko.
Umiling lamang siya at tumungo kaya lumapit na ko sa kanya at umupo sa katabing upuan niya.
"Palagi mo na lang siyang tinitignan mula sa malayo. Alam naman natin pareho na gusto mo siya. Walang mangyayari kung gaganyan ka! Lapitan mo na siya! Sabihin mo na---
"Hindi ganon kadali yun." Putol niya sa kung anong sinasabi ko.
Alam ko.
Alam kong may problema kahit hindi niyo pa sabihin sakin.
Bakit nga ba hindi?
Minsan nakakatampo ka rin, e. Kaibigan mo rin naman ako, ah? Bakit di ko pwedeng malaman ang problemang dinadala mo? Ganoon ba yun ka-private?
Ganoon ba ka-confidential?
Pero bakit sila? Alam nila..
Napasimangot na lamang ako sa kung anong naiisip ko.
"God knows, Kung gaano ko kagustong lapitan siya. Kung gaano ko kagustong yakapin siya. Dapat pala nung mga panahon na pwede pa.. Sinulit ko na. Para di ako nagkakaganito." Malungkot na sabi niya.
Hindi ko alam kung paano ko siya dadamayan. Hindi rin naman kasi ako sanay na ganyan siya. Isang beses ko pa lang ata siyang nakitang ganyan.
Nung namatay yung Lola niya..