Chapter 30

113 7 0
                                    

Gusto kong umiyak.

Gustong sumabog ng puso ko sa sobrang kaba dahil nung magising ako ay hindi ko na siya nakita pa.

I know, Hindi iyon isang panaginip lang. Ang mga yakap niya, mga haplos, at maging ang mga labi niya ay nararamdaman ko pa rin.

Imposibleng panaginip iyon dahil hanggang ngayon ay naririnig ko parin ang boses niya tila nag-eechoe sa pandinig ko.

Pero nasaan na nga ba siya?

Akala ko ba hindi niya na ko iiwan pa?

Bumangon na ko sa aking kama at mabilis na bumaba sa kusina. Umaasang naroon si Grey at naghahanda ng breakfast namin pero nabigo ako.

Napahilamos na lamang ako ng aking mukha at nanghihinang napaupo sa baitang ng hagdan.

Sandali akong napatulala sa kakaisip sa kanya at halos mapatalon na lamang ako sa gulat ng makaranig ng isang malakas na busina ng sasakyan sa labas.

Mabilis akong tumayo at tinungo ang pinto. At muntik ng mapunit ang aking labi sa pagkakangiti ng makita ko si Grey, sakay ng kanyang magarang sasakyan.

Now, Sigurado na akong hindi lamang isang masayang panaginip ang mga nangyari kagabi.

Sinenyasan niya kong lumapit sa kanya, agad naman akong sumunod.

"Get in." Mahinang sambit niya habang tinuturo ang ang loob ng sasakyan.

Kumunot ang noo ko at nagtatakang napatingin naman ako sa kanya.

"A-alis tayo? S-saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sumakay ka na muna, Please? Baka kasi dumating na sila. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat kapag nakalayo na tayo."

Nang dahil sa sinabi niya ay kinakabahan naman akong napatingin sa paligid.

BAKA DUMATING NA SILA?

SINONG SILA?

Dumambol ang kaba sa dibdib ko. At dahil sa sobrang kaba ay di ko na lang namalayan na nakasakay na pala ko sa sasakyan niya.

"I missed you."

Bahagya pa kong napaigtad ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at halikan ito. Ang isang kamay niya ay pirming nakahawak sa manubela habang ang tingin niya naman ay pasalit salit sa mukha ko at sa daan.

Hindi maalis ang ngiting nakapaskil sa mukha niya at bakas sa mga mata niyang talagang masaya siya.

Napangiti na lang din ako pabalik ng hindi namamalayan.

Ilang minuto na kaming bumabyahe pero hindi parin sinasabi ni Grey kung saan kami pupunta. Ayoko namang magtanong ng kahit na ano dahil natatakot ako sa magiging sagot niya.

Sa totoo lang ay gusto ko nang malaman ang lahat. Gusto ko lang na siya ang magkusang magsabi sakin kaya hindi ako nagtatanong.

"Gutom ka na ba?"

Napalingon ako sa kanya ng marinig kong bigla siyang nagsalita. Iiling na sana ako at sasagot ng hindi pero pinangunahan ako ng aking tiyan.

Tumunog ito ng malakas na talaga namang ikinatawa niya. Tsaka ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakain simula pa kanina.

Huminto kami sa isang fast food at bababa na rin sana gaya ng ginawa niya pero pinigilan niya ko. Wearing his hoodie jacket and a black mask ay pumasok siyang mag-isa sa restaurant.

Siya na lamang daw ang bibili at dito na lang daw namin sa sasakyan kainin ang mga pagkaing bibilhin niya.

Bakit ganito?

Bakit pakiramdam ko ay may pinagtataguan kaming kung sino?

~

Nang matapos kaming kumain ay muling nagdrive si Grey patungong kung saan.

"Grey.. Saan talaga tayo pupunta?" Di na mapigilang tanong ko.

Medyo nababahala na kasi ako ng mapansing sobrang layo na pala nito mula sa lugar namin. Kokonti na lang rin ang nakikita kong sasakyan na dumadaan.

Pero imbis na sagutin ay nginitian niya lang ako. Hiniwakan niyang muli ang aking kamay at bahagyang pinisil iyon.

"Dont think too much.. Just trust me.. Okay?" Nakangiting sabi niya na tinanguhan ko naman.

Lumipas pa ang mga oras na wala ni isa samin ang nagsalita. Kapwa kami nakuntento sa paminsan minsang tingin at ngiti sa isat-isa.

Hindi ko man alam kung saan kami patungo ay hindi na ko nakakaramdam ng kaba. Dahil sigurado akong ligtas ako basta kasama ko siya.

Binuksan ko ang bintana ng kotse niya at namangha sa ganda ng paligid na nadadaanan namin. Humahampas sa mukha ko ang lakas ng hangin pero wala akong pakialam.

"Ang ganda.." Wala sa sariling sambit ko.

"Do you like it?" Natatawang tanong niya.

Hindi ko na siya nilingon at walang sulyap na tinanguhan na lamang. Parang may magic ang paligid at hinihigop ang aking paningin patungo sa kanila.

"We're here!" Malakas na sigaw niya.

At nang ilikot kong muli ang aking paningin ay halos lumuwa ang mata ko sa sobrang ganda.

Isang beach resort ang pinagdalhan sakin ni Grey. Wala pa man siyang sinasabi ay excited akong bumaba sa sasakyan at tumakbo patungo sa karagatan.

"Wow.." Di mapigilang usal ko.

Matindi ang sikat ng araw at ang init ay tumatama sa balat ko. Pero hindi ko ito ramdam dahil sa malakas na hangin na kasabay nito.

"Nagustuhan mo ba?"

Marahan akong tumango.

Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na nakarating ako sa ganitong lugar. Halos hindi ko na nga maalala sa sobrang tagal.

Nahigit ko ang aking paghinga ng bigla kong maramdaman ang yakap niya mula sa likod ko.

"G-Grey.."

"Thank you, Shaira.." Mahinang bulong niya.

Ang malalim niyang boses ay nagdadala ng kilabot sa buong pagkatao ko.

Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at niyakap ako ng mahigpit. At nakita ko na lamang aking sarili na nagpaubaya sa kanya.

Ano ba talagang meron sayo?

At nagkakaganito ako?

Hindi ko sigurado kung ano na ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero isa lang ang sigurado ko..

Masaya ako basta kasama ko siya.

"Thank you for everything, Shaira.." Muling bulong niya.

Umiling naman ako.

"No, Grey. Ako dapat ang magpasalamat sayo. Salamat at isinama mo ako rito. Hindi mo alam kung gaano kasaya tong nararamdaman ko. Thank you, Grey. Thank you so much." Nakangiting sabi ko.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya natawa na lang din ako.

From this moment, I already knew..

Grey isn't just an ordinary person for me.

He is someone, That is really..





Special..

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon