Chapter 31

103 6 0
                                    

"Pili ka na lang dito ng kasya sayo. Pasensya na, konti lang kasi ang nadala ko."

Nilingon ko si Chia na kasalukuyang inilalabas ang mga damit niya. Sa sobrang saya ko kanina ay nakalimutan ko nang nakapambahay nga lang pala ako.

Hindi naman kasi sinabi sakin ni Grey na sa malayo pala kami pupunta.

And worst!

Hindi niya rin ako sinabihan na maglalagi kami dito ng matagal!

Wala pa naman akong dalang kahit ano. Naiwan ko rin yung phone ko sa loob ng kwarto. Hindi manlang ako nakapagdala ng ilang damit. In short, Hindi manlang niya ko pinaghanda.

NAKAKAINIS.

Bwiset yung gwapong kidnaper na yun. Nakakaasar!

Lumapit ako kay Chia at pumili sa mga damit niya. Mabuti na lamang at mukhang magkasize lang ang katawan naming dalawa.

"Sasamahan na lang kita mamayang bumili ng damit mo. May nakita naman akong malapit na store dito." Nakangiting sabi niya sakin.

Tumango naman ako.

Akala ko nung una ay kaming dalawa lamang ni Grey ang naririto kaya medyo nagulat pa ko nung makita ko sila Chia. Kasama niya pa ang boyfriend niyang si Kurk.

Nalaman ko rin kanina na pagmamay-ari pala ng boyfriend niya ang beach resort na ito. Talaga palang sobrang yaman rin ng isang yun katulad ng mga kaibigan niya.

Magkasama kami ni Chia sa iisang kwarto habang yung dalawang lalaki naman ay magkasama sa kabila.

Isang maong na short at puting sando na plain ang napili kong isuot. Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ni Chia ng kwarto at tumungo sa kwartong inookupa nila Grey.

Nagluto raw kasi ang mga ito ng makakain namin para sa hapunan. Malapit na nga akong maasar dahil kanina pa binibida ni Chia ang galing ng boyfriend niyang si Kurk pagdating sa pagluluto.

Samantalang ako ay tahimik lang na tumatango sa bawat sabihin niya. Ano naman kasing sasabihin ko, diba? Wala naman akong maipagmamalaki dahil wala namang alam sa pagluluto ang damuhong si Grey. Tsaka bakit ko naman siya isasali sa usapan, diba?

Di ko rin naman siya boyfriend. Tss.

Bakit ba ko nakakaramdam ng disappointment sa ideyang hindi ko siya boyfriend? E hindi naman talaga.

Hayy..

"May problema ba?"

Nilingon ko si Chia ng marinig ko ang boses niya. Naglalakad kami ngayon patungo sa kwarto ng mga boys.

Nginitian ko lamang siya bilang sagot sa tanong niya bago tahimik na umiling.

"We both know that you only knew me by my name. At siguro nga nakilala mo lang ako dahil kapatid ako ni Chance. Pero sana Shaira, Hindi lang matuldukan yun hanggang don." Nakangiti niyang sabi sakin.

Patuloy lang kami sa paglalakad habang patuloy rin ang pagdaldal niya.

"Pasensya ka na sakin, Shaira ah? Medyo sabik lang kasi ako sa pagkakaroon ng kaibigang babae. Alam mo naman sigurong one of the boys ako. Nagkaron din naman ako tatlong kaibigan bukod sa kanila. Yung isa nga lang dun, iniwan ako. Yung isa naman trinaydor ako. At yung isa naman.. pusong babae lang pero itsurang lalaki pa rin naman." Natatawang pagkwento niya.

Natawa rin naman ako.

Tumigil kami sa harap ng pinto ng kwarto nila Grey kasabay ng paghinto rin ng pagtawa naming dalawa. Ipinatong ni Chia ang kamay niya sa balikat ko bago ako nginitian.

"Sana Shaira.. Makilala mo rin ako bilang ako.. Hindi lang bilang kapatid ng lalaking nanloko sayo." Seryosong sabi niya bago pinihit ang seradura ng pinto at mag-isang pumasok sa loob.

Habang ako naman ay naiwang tulala at napamaang sa huling sinabi niya.

~

"Salamat sa pagkain!" Malakas na sigaw nilang tatlo habang ako ay nangingiti lang.

Masayang inaasikaso ni Kurk at ni Chia ang bawat isa habang kami naman ni Grey ay pirming nanonood lang.

"Shaira! Try this one." Masiglang sabi sakin ni Grey habang inilalagay sa plato ko ang inihaw na karne bilang ulam.

Napangiti naman ako at masayang nagpasalamat sa kanya.

"Masara ba?" Umaasang tanong niya.

Ngumunguyang tumango naman ako.

"Talaga? Thank you! Ako ang nagluto niyan---

"Talaga ba?" Sabay naman naming putol ni Chia sa kayabangan niya.

Heto na naman siya..

Sinusubukan niya na naman akuin ang galing sa pagluluto ng iba.

Bigla naman siyang napasimangot at nakangusong tumingin saming dalawa.

"Ang sasama niyo talaga!" Humalukipkip na asik niya.

Natawa naman kami ni Chia.

"Oo nga at si Kurk lang ang nagmarinate niyan! Pero ako pa rin naman ang nag-ihaw!" Parang bata pang dagdag na sabi niya.

Mas lalo naman kaming natawa. Si Kurk na natatawa na rin ay biglang tumayo at lumapit kay Grey at nangingiting inakbayan ito.

"Huwag niyo na ngang pagtulungan tong kaibigan ko. Marami rin ang naitulong sakin nito. Laking pasasalamat ko na nga lang din at hindi nasunog tong kusina ko." Pang aasar ni Kurk na lalong nagpasimangot sa kanya.

Bigla ko tuloy naalala nung sinubukan ni Grey na ipagluto ako noon ng almusal. Nagising ako nun na puro usok na ang buong bahay ko. Ikinuwento ko yun kay Kurk at kay Chia na nagpatawa ng husto sa kanila. Si Grey naman ay naiinis na lang akong tinignan.

Buong hapunan namin ay wala kaming ibang ginawa kundi ang asarin lang ang kawawang si Grey. Para naman siyang bata na nagdadabog na kumakain pero tumahimik na lang.

Biglang nawala yung pagkailang na naramdaman ko kay Chia nang dahil sa sinabi niya at napalitan iyon ng kakaibang saya.

Hindi ko akalain na makakasundo ko sila ng ganito. Pagkatapos kasi nung hindi magandang pangyayari sa pagitan namin ni Chance ay wala na kong ibang ginawa kundi ang layuan sila. Malay ko ba na ganito pala ang pakiramdam na makasama sila.

Ni minsan hindi ko naisip na sa kanila ko lang pala mararamdaman ang ganitong klase ng saya.

Ang kumain ng sabay na para bang isang buong pamilya.

Ganito pala kasaya?

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon