Chapter 32

110 6 0
                                    

Maaga palang ay ginising na ko ni Chia. Bibili na raw kasi kami ng mga damit na pwede kong isuot doon sa store na sinasabi niya.

Kagabi kasi ay hindi na namin yun nagawa dahil ayaw kaming payagan nung dalawa. Madilim na raw kasi at medyo delikado na.

Kaya naman ang kawawang ako ay nanghiram na lang muli ng mga damit sa mabait na si Chia.

"Shaira! What do you think? This one... Or THIS one?" Kunot ang noong tanong ni Chia sakin habang pilit na ipinapakita ang dalawang dress na hawak niya.

Lumapit naman ako at tinignan ang mga ito.

"Tingin ko maganda yung gray pero.. Mas babagay sayo tong black." Seryosong sagot ko naman sa kanya.

"Alright! I'll take this one then." Nakangiting sabi niya bago dinala sa counter yung dress na itim.

Pagkatapos nun ay bumalik siya sa akin at biglang inabot yung isang dress pang hawak niya na kulay Abo.

"Isukat mo." Utos niya.

Mabilis naman na umiling ako.

"Ayoko, Chia.. Hindi kasi ako sanay na----

Agad naman akong napatigil sa kung ano pang sasabihin ko ng makita ang pagsimangot niya ng dahil sa pagtanggi ko. Labag man sa loob ko ay wala na lang akong nagawa kundi ang pagbigyan siya. Tutal ay isusukat lang naman.

At dahil sa kanyang kagustuhan ay isinukat ko nga ang kulay gray na dress na ibinigay niya. Off-shoulder iyon na above the knee lang din ang haba.

Matapos ko iyong isuot ay lumabas na ko ng fitting room para ipakita kay Chia. Bahagya pa kong nailang ng titigan niya ko mula ulo hanggang paa.

Lumapit siya sakin at sinipat ng mabuti ang damit sa katawan ko. At medyo nagulat pa ko ng marinig ko ang malakas na pagpalakpak niya at bumungad sakin ang ngiting ngiti niyang mukha ng humarap ako sa kanya.

"PERFECT!" Nakangiting sabi niya habang iniikot pa ako para makita niya ng buo ang dress na suot ko.

"You know what? No doubt! Kay Shaira lang talaga babagay si GREY." Nakangisi niyang sabi na nagpapula naman ng husto sa pagmumukha ko.

~

Natapos kaming mamili na wala nang inatupag si Chia kundi ang asarin ako sa kaibigan niya. Sinubukan ko siyang patigilin pero hindi niya naman ako pinapakinggan.

Konting konti na lang talaga at makakalimutan ko na lahat ng mga kabutihang ginawa niya.

"Hi miss."

Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa kwarto namin ng bigla kaming napatigil ni Chia nang may dalawang lalaki ang humarang sa dadaanan naming dalawa.

Sino naman ang mga ito?

"Pwede bang makipagkilala--

"Sorry. But we're not interested." Mataray na sabi naman ni Chia.

Hinawakan ko na ang kamay niya para lagpasan na sana ang dalawa pero hinigit ng isa sa mga ito ang kaliwang braso ko.

"Wow. Alam mo Pare.. Ganitong klase ng mga babae ang gusto ko. Yung matapang." Nakangising sabi nung isa sa kasama niya.

At sa paraan palang ng pagtingin niya sakin pakiramdam ko ay nakakabastos na.

Pumagitna si Chia saming dalawa at pilit na inaalis ang kamay nung lalaki sa braso ko.

"Mister! Can you please take your hands off her?" Naiinis nang sabi ni Chia.

At akmang itutulak siya nung lalaki pero inunahan ko na.

"What do you think you're doing!" Galit nang sigaw ko.

Bakas sa mukha nung lalaki ang gulat dahil hindi niya napaghandaan ang pag-atake ko.

"Subukan mo lang na hawakan siya. Papatulan na kita." Badtrip nang sabi ko sa kanya.

Tinignan ko sila ng masama pero nginisian lang nila akong dalawa na lalong nagpatindi sa inis na nararamdaman ko para sa kanilang dalawa.

Kung kaya't hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Sinuntok ko ang isa sa kanila sa mukha na ikinabagsak nito. At yung isa naman ay hinawakan ako sa balikat na naging dahilan kung paano ako nagkaroon ng free access para pilipitin ang braso niya na kinabagsak niya rin.

Pero hindi ko inasahan na nakabangon na pala yung lalaking sinuntok ko.

"OHMYGAHD! SHAIRA!"

Sa totoo lang ay hindi ko na naintindihan ang isinisigaw ni Chia dahil nahihirapan na akong huminga. Sinakal kasi ako nung lalaki gamit ang malalaking braso niya at subukan ko mang magpumiglas at kumawala ay baliwala.

Sinubukan kong sikuhin ang tiyan niya pero bago ko pa magawa yun sa di ko malamang dahilan ay binitawan niya na ako.

Pagkaharap ko ay ang nakabusangot na mukha ni Grey at ang nag-aalalang si Kurk ang bumungad saking mga mata. Ang dalawang manyak na lalaki naman ay muling bumulagta sa sahig at kapwa hawak ang tila sumasakit na mukha nila.

"Sino kayo?" Walang reaksyong tanong ni Grey sa kanila.

Hindi naman sumagot yung mga abnoy at tulad kanina ay ngumisi lang. Nakita ko naman kung paano nag-igting ang mga bagang ni Grey at bakas sa mukha nito ang sobrang inis na nararamdaman.

Narinig kong tinawag na ni Kurk yung mga security na agad naman nagsidating. Dinampot nila yung dalawa at si Grey ay muling bumaling samin.

"Ihatid mo na pabalik ang dalawang yan, Kurk. Ako nang bahala sa mga to." Maangas na sabi niya.

Pero umiling ako.

Gusto kong sumama at hindi ako makakapayag na sumunod siya dun ng nag-iisa!

Hinawakan ko si Grey sa braso pero malamig lang niya kong tinignan. Bahagya pa akong natigilan dahil ganitong mukha ang pinapakita niya sakin nung mga panahon na pilit niya pa akong iniiwasan.

"Sasama ako sayo---

"NO." Ma-awtoridad niyang putol sa sinasabi ko na parang wala akong magagawa kundi ang sumunod lang sa kanya.

"Pero hindi pwedeng----

Magpupumilit pang muli sana ako pero muli siyang sumingit sa pagsasalita ko at naasar na tinanggal ang mga kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Mas hindi ka pwedeng sumama, Shaira! At wag mo nang paganahin yang katigasan ng ulo mo dahil baka hindi na kita matantiya!" Galit nang sigaw niya bago tumalikod at iniwan akong napatanga.

Galit siya. Oo, Ramdam ko.

At nang dahil sa pagkabigla ay di ko na lang namalayan ang pagtulo ng mga luha ko.

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon