Chapter 34

111 6 0
                                    

Im sorry.

Alam kong mali yung ginawa kong paninigaw sayo. Its just that I am really worried about you. Kung alam mo lang kung paano umusok ang pwet namin ni Kurk kakahanap sa inyo.

Bakit kasi kayo nagpapaalam?

Kinabahan tuloy ako.

Again, I'm sorry.

I promised that I will never do that again.

Yours truly,
K.

"Waaaaaaah! Oh my God! Hindi ako makapaniwalang kaya rin palang magpakilig ng babae ng abnormal na yan! Kainis. Kinilig din ako." Tumitiling sabi ni Chia habang walang tigil na tumatalon sa kama namin.

Kakatapos lang namin basahin ang sulat na ibinigay sakin ni Grey kanina. At ayan na ang naging reaction niya.

"Hindi naman ako.. Kinilig." Pagsisinungaling ko.

Napatigil naman siya sa pagtalon at pabagsak na umupo sa kama bago ako seryosong tinignan.

"What do you mean?"

I dont know how to explain this feeling inside me.

Pero alam kong higit pa sa salitang kilig ang nararamdaman ko.

"Wait. Can I asked you something?" Chia asked me with her serious tone.

I just nod.

"Seriously, What's the real score between Grey and you?"

Ang ngiting kanina pa nakarehistro saking mukha ay biglang nawala.


Paano ko sasagutin ang isang tanong na hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang sagot?

"Im not sure. Sa totoo lang ay hindi ko rin sigurado kun ano na nga ba ang nararamdaman ko para sa kanya." Wala sa sariling sagot ko.

"What are you talking about?" Natatawang tanong niya.

Tumayo si Chia sa kama bago inayos ang sarili niya. Lumapit siya sa nag-iisang fridge na narito sa kwarto namin at kumuha ng tubig na maiinom doon.

"Hindi ka sigurado sa nararamdaman mo for Grey? Paanong nangyari yun? E nasigawan ka lang nung tao iniyakan mo na." Di makapaniwalang sabi niya.

Lumapit siyang muli sakin at umupo sa tabi ko.

"Ngayon palang, Alam kong alam mo na kung anong nararamdaman mo, Shaira. In denial ka lang!" Tumatawa pang sabi niya bago humiga.

"Lets sleep now. Bukas mo na lang ulit isipin si Grey." Nakakainis na pang-aasar pa niya.

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi kaya ng magising ako ay wala nang Chia sa tabi ko.

Nang makapag-ayos ng sarili ay napagdesisyunan kong lumabas at hanapin sila.

Malayo palang ay kitang kita ko na ang ngiti ni Chia habang nakikipagharutan sa boyfriend niyang si Kurk sa buhanginan. Habang ang tahimik naman na si Grey ay nangingiting nanonood lang .

Pero wait..

Sino yung babaeng kasama nila?

Napatigil ang paglalakad ko palapit sa kanila ng makita ang isang babaeng lumapit kay Grey at umupo sa tabi nito.


Hindi ko tuloy alam kung tutuloy pa ba ako sa paglapit sa kanila o babalik na lang sa kwarto ko.

Napasimangot naman ako ng marinig ko ang malalalakas nilang tawanan. Dahilan kung bakit sa huli ay naisip kong bumalik na lang--

"SHAIRA!"

Pero huli na ang lahat. Hindi pa man ako tuluyang nakatalikod ay narinig ko na ang pagtawag ni Chia sa pangalan ko. At nang nilingon ko sila ay napansing kong nasa akin na pala ang atensyon nilang apat.

Sinenyasan nila kong lumapit kaya naman wala na akong choice kundi ang ituloy na lang ang nauna kong plano.

"Buti naman at nagising ka na! Marami raw activities na pwede nating gawin dito. We can ride on a banana boat! Or we can just try surfing rin!" Masiglang bungad sakin ni Chia.

Tumayo si Grey at sinalubong ako. Nginitian niya ako at dahil ayokong ipahalata ang inis na mararamdaman ko sa kanya ay ngumiti na lang din ako.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kaya wag na kayong magtanong! Basta naiinis ako, Yun na yon!

Napansin siguro ni Grey ang masamang tingin na ibinigay ko dun sa babaeng katabi niya kanina. Kaya naman inakbayan niya ako at ipinakilala.

"Grace! This is Shaira.. My.. Uhm, friend." Pagpapakilala niya.

At alam kong hindi nakaligtas sa paningin ni Chia ang pagbusangot ng mukha ko nang dahil sa narinig kong sinabi ni Grey kaya naman sumabat na siya.

"Friend? O GirlFRIEND?" Pang-aasar niya pang kunwari saming dalawa.

Pero ramdam kong hindi na ako apektado roon. Mas tumitindi lang kasi yung inis na nararamdaman ko ngayon. At bago pa lumala ay ako na lang ang iiwas sa mga ito.

Tahimik kong inalis ang kamay ni Grey na nakapatong pa sa balikat ko at lumapit na lang kay Chia.

"Maglilibot na lang muna siguro ako. Pwede ko bang hiramin ulit yung phone mo? Kukuha lang ako ng pictures for-----


"But you can always used mine. Sasamahan na rin kita." Singit ni Grey sa kung anong sinasabi ko habang naglalakad at tumabi sakin.


Inirapan ko naman siya at naiinis na tinignan.

"Gusto kong maglibot mag-isa. Huwag ka nang sumama!" Asar na sabi ko na lang sa kanya.


Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Tinalikuran ko na sila at iniwan pagkatapos kong magpaalam kila Chia.

"Nakakaamoy ako nang nagseselos~" Rinig ko pang bulong ni Kurk bago malakas na tumawa pero hindi ko na naintindihan yun.

~

Halos isang oras na rin akong naglalakad. Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang narating ko mula kila Chia pero wala akong pakialam.



Habang lumalayo naman ako ay gumagaan na ang pakiramdam ko. Lalo pa at paganda rin ng paganda ang tanawin na nakikita ko.


Tumigil ako sa paglalakad at dahan dahang lumusong sa tubig. Kulay asul ito at napakalinaw.


Sayang lang talaga at wala kong dalang camera.

Bwisit kasi si Grey, e. Kasalanan niya to.

Hays. Ayan! Naalala ko na naman siya!

"Ang ganda."

Iwinaglit ko na lamang siya sa aking isip at hinayaan ang sariling unti unting madala. Malakas ang hangin at ramdam ko ang pagyakap nito sa katawan ko. Maganda rin ang kulay bughaw na kalangitan habang tirik na tirik ang araw rito.


Ipinikit ko ang aking mga mata para mas maramdaman ang bulong ng kalikasan.

Pero nanlaki ang mata ko at halos tumambol ang dibdib ko sa sobrang kaba ng may biglang yumakap sakin at tinakpan ang bibig ko!


Sh*t!


Sino to?!

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon