"Stop it!"
"Don't shout!"
"Get out!"
"No way! Ikaw ang lumabas!"
"Can you atleast lessen that annoying voice of yours? Baka magising si Shaira! Masasapak talaga kita."
Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng bahagyang kirot mula rito. Ang ingay nang mga boses sa paligid ko ay lalong lumalakas. At hindi ko pa man binubuksan ang mga mata ko ay alam ko nang si Grey at si Chia lang naman ang mga ito.
"Psh. She's awake. Ang ingay niyo kasi."
Sabay na napalingon sakin ang dalawa. Napatigil sila sa pagtatalo ng marinig ang naiinis nang boses ni Kurk. Nakatayo siya sa paanan ko samantala nasa magkabilang gilid ko naman ang dalawa.
"Are you okay?"
Lumapit sakin si Grey at hinawakan ang kamay ko. Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at tumango bilang sagot sa kanya.
Ano bang nangyari?
Ang naalala ko lang ay magkasama kaming dalawa ni Grey sa isang yatch pero pagkatapos nun ay wala na kong matandaan.
"Nawalan ka ng malay, Shaira. Nung bumalik kayo ni Grey kanina ay buhat ka na niya. Ano bang nangyayari sayo? May sakit ka ba?" Nag-alalang tanong sakin ni Shaira at hinawakan pa ang balikat ko.
Umiling naman ako sa kanya dahil wala naman akong natatandaan na sakit ko. Tingin ko pa ay healthy naman ako baka dala lamang ito ng pagod at matinding emosyon na naramdaman ko.
"Lets go, Grey. Iwan na natin sila. Hayaan mo nang makapagpahinga si Shaira." Aya ni Kurk kay Grey.
Nakasimangot naman itong tumayo bago nagpaalam sakin. Kalalabas pa lamang ng dalawa ay halos lumundag na ang puso ko sa sobrang gulat ng biglang tumawa si Chia.
"What's funny?" Natatawa na ring tanong ko.
Para siyang baliw tumawa na halos maiyak na siya. Pigil ang tawa ay itinuro niya ang pinto kung saan lumabas ang dalawa.
"Si Grey kasi." Natatawa pa ring sabi niya. "Nakita mo yung itsura? Ang panget, diba? Hahaha! Kanina ko pa yun pinapaalis pero ayaw niya hanggat hindi niya daw nasisigurong okay ka."
Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mamula ng dahil sa sinabi niya. Kahit naman nalaman ko na ang totoong nararamdaman ni Grey para sakin ay hindi ko pa rin maiwasan na magkaganito.
Pero ngayon alam ko na ang sagot sa tanong ko. Sigurado na ko kung bakit ganito kalakas ang epekto mo.
"Shaira?! Are you listening?"
Agad akong napalingon kay Chia na ngayon ay nakasimangot na. Nakatayo siya sa gilid ko at na-kacrossed arm pa.
"Huh?"
"Tsk. Sinasabi ko na nga ba, e! Hindi ka na naman nakikinig."
Lumapit siya sakin at pabagsak na inihiga ang katawan niya sa tabi ko.
"Sorry. May iniisip lang ako. Ano bang sinasabi mo?"
"Makikinig ka na ba?" Nagtataray na tanong niya.
Tumango naman ako at narinig kong bumuntong hininga siya.
"As I was saying.. Birthday na ng Grey mo, tomorrow. And as far as I know, This is the first year that you're with him on his special day, right? Kaya tinatanong kita kanina if what's your plan ba. Are you planning to surprise him, ba? Just like what he always do for you?"
