"Its all my fault, Im sorry."
Tumayo si Chance sa tabi ko at iniwan na kami. Kanina pa kami rito sa condo ni Grey pero wala naman miski isa samin ang nagsasalita.
"Bakit niya ba palaging sinisisi ang sarili niya?"
Mula sa kung saan ay sabay sabay naming nilingon si Grey. Bakas sa mukha niya ang lungkot dahil ilang taon na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin namin nahahanap si Shaira.
After what happened years ago.. Wala na kaming balita tungkol sa kanya.
This is no one's fault. Hindi kasalanan ni Grey at mas lalong hindi kasalanan ni Chance. Kasalanan to ng pagkakataon.
Maling pagkakataon.
Tumayo na rin si Thirdy at Kein para sundan si Chance. Si Ethan naman ay nagpaalam na aalis na rin dahil may pupuntahan daw. Hindi na nagsalita at daretso nang pumasok si Grey sa kwarto niya. Tumayo na rin si Kurk at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.
Hindi namin pwedeng iwan si Grey na nag-iisa.
Tumayo ako at kinuha na ang mga gamit ko.
"Aalis lang ako saglit. Ikaw na munang bahala sa kanya. Babalik din ako agad."
Tumango naman siya bago tinapik ang balikat ko.
Sa totoo lang ay di ko maintindihan tong nararamdaman ko. Masyadong mahirap ang mga pangyayari at hindi ko alam kung kailan babalik sa dati ang barkada namin. Wala naman talagang problema between Chance and Grey. Hindi naman sinisisi ni Grey si Chance sa pagkawala ni Shaira, Sadyang baliw lang ang isa naming kaibigan at isinisisi ang lahat sa sarili niya.
"Nasa loob si Kurk. Kayo na lang muna ang bahala kay Grey."
Nakasalubong ko si Chia at tanging tango lamang ang naging sagot na nakuha ko mula sa kanya. Tinanguhan ko na lamang din siya bago kami naghiwalay na dalawa.
Ang bigat sa dibdib kahit na hindi ko naman talaga iyon problema. Pero isipin ko pa lang na may isa kaming kaibigan na hindi masaya ay parang nakakaloko na.
Napahinto ako sa paglalakad ng biglang magring ang phone ko. Halos malukot naman ang mukha ko ng makita ko ang pangalan niya.
Crazy lady calling...
"What do you want?" Walang emosyong tanong ko.
Hindi ko pa man tuluyang nailalapit ang phone sa tainga ko ay naririnig ko na ang maingay na boses niya.
"HOY BABY BUNNY! Where's my handsome cousin?" Pahiyaw na tanong niya.
Napailing naman ako at at badtrip na pinatay ang tawag.
"Mukha ba kong hanapan ng nawawalang pinsan?" Naiinis na tanong ko sa sarili ko.
Tss. Lalapitan lng ako kapag may kailangan. Tatawagan lang ako kapag may gustong malaman! Nakakaasar talaga yung babaeng yon! Napakaingay!
Itinuloy ko na ang paglalakad at nang makalabas na ko ng building ay muli akong napatigil ng makita ko si Chance na naninigarilyo. Sa tabi niya ay naroon rin si Kein at Thirdy na parang naiinis na sa kanya.
Hindi ko na sana sila papansin at aalis na sana ng tuluyan pero bigla kong narinig ang sinabi ni Chance.
"I found her."
Nanlaki ang mata ko at nilingon kong muli sila. Si Kein at Thirdy ay nagulat rin nang dahil sa sinabi niya.
"Ang laki ng kasalanan ko kay Grey. At kapag nalaman niya kung nasaan na ngayon si Shaira. Paniguradong hindi man niya ko sinisisi ngayon. Babaliktad na ang pagkakataon."
Napahugot ako ng hininga sa mga huling sinabi niya.
Anong ibig niyang sabihin?
Hindi kaya---
Sh*t. Imposible.
_______
SHAIRA's POV.
"FRANCISCO, SHAIRA G."
Malakas na palakpakan ang narinig ko bago ako tuluyang umakyat ng stage at kinuha ang diploma ko. Hindi ko alam kung paano ko idedescribe tong saya na nararamdaman ko. Sa wakas ay natupad ko na ang pangarap kong makapagtapos. Medyo naudlot nga nga lang ng halos dalawang taon pero okay lang dahil nagawa ko pa rin.
Natapos ang graduation ceremony at lumabas na ko ng hall kasama ang pamilya ko.
"Congratulations, Anak." Nakangiting sabi sakin ni Mama.
Napangiti naman ako sa kanya bago lumapit at mahigpit na niyakap siya.
"Thank you, Ma. Hindi ko magagawa to kung wala kayo."
Nang humiwalay ako sa yakap naming dalawa ay agad na hinanap ng mata ko ang dalawang pinakaimportanteng tao ngayon sa buhay ko.
Pero halos mahilo na ko sa kakatingin sa dami ng tao pero ni anino nila ay hindi ko na makita pa.
"Nasaan na po sina Cupid, Ma?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Natawa naman siya sa reaksyon ko bago tinapik ang balikat ko.
"Nauna na silang umuwi sa bahay. May gagawin pa daw sila ni Aya."
Napasimangot naman ako bigla ng dahil sinabi niya.
Hindi manlang nila ko hinintay? Nakakaasar talaga yung dalawang yun.
Wala na kong nagawa kundi ang sumama na lang kay Mama pauwi. Nagtaka naman ako bigla dahil tahimik ang bahay namin nung dumating kami ni Mama.
Akala ko ba ay narito na sila?
Pero bakit walang tao dito?
"CONGRATULATIONS! SURPRISSSSSE!"
Biglang bumukas ang ilaw at halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses nilang dalawa. Bigla namang tumulo ang luha ko ng makita ang mga ngiti sa mukha ni Aya ganun din ang kay Cupid.
Lumapit sila sakin at niyakap ako.
"Congratulations." Bulong ni Cupid at ginantihan ko ang yakap na binigay niya.
Naramdaman ko naman na hinihila ni Aya ang damit ko kaya naman lumuhod ako para magpantay kaming dalawa.
"Congratulations, Mama!" Nakangiting sigaw ng anak ko.
May hawak siyang papel at inabot sakin yun bago ako niyakap.
"Mamaya niyo na po basahin yung letter ko. Kain po muna tayo marami pong niluto si Papa!" Excited na sabi ng anak ko bago hinila ang kamay ko.
Nilingon ko pa si Cupid at ang Mama niya na natawa na lamang sa tinuran ng anak ko.
My life has changed a lot now.
Masaya na ko sa buhay ko ngayon kasama si Mama, Si Cupid at ang anak kong si Aya na maraming resemblance sa kanyang ama.
☆☆☆
