Chapter 39

107 6 0
                                    

[Flashback]

"There is no happy ending, Shaira. Kahit anong gawin mo.. Hindi siya ang prinsepe mo at hinding hindi ka magiging prinsesa."


Nilingon ko siya at mababakas sa mukha niya na seryoso siya sa lahat ng sinasabi niya.



Kaya siguro kinakabahan akong makita siya. Kaya siguro natatakot akong marinig ang kung anong mga sasabihin niya. Dahil nararamdaman kong hindi ito magiging maganda.



"Hindi ko pinangarap maging prinsesa, Chance. Simple lang ang gusto ko, Alam kong alam mo yan!" Sigaw ko.


Nilingon niya rin ako at nagtama ang tingin naming dalawa. Nanlilisik din ang mga mata niya na nilalabanan ang mga tingin ko.

"Tigilan niyo na to. Parang awa mo na, Shaira. Tigilan mo na siya!"


"NO! Bakit ko gagawin ang gusto mo? At sino ka para sundin ko?"


"You're making this things complicated, Shaira. Lumayo na kayo sa isat-isa dahil kailanman ay hinding hindi kayo sasaya."


Yumuko siya at iniwas muli ang tingin sakin. Pirmi niyang nilaro ang mga buhangin na tinatapakan ng mga paa niya. Panandalian kaming nanahimik at tanging tunog lamang mula sa malakas na alon ang aming naririnig.



Pero ang katahimikan na iyon ay binasag ng kyuryosidad na tumatakbo sa isipan ko.

"Bakit mo to ginagawa?" Seryosong tanong ko sa kanya.


Muli siyang tumingin sa akin at nilapitan ako.


"Love is really complicated. Love is Unfair. Your love story isn't perfect and it will never be. Pilitin niyo mang maging masaya. May mga taong pipigil at pipigil sa inyong dalawa."

[End of flashback]

_____

"Ang gwapo naman po ng mister niyo, Ma'am."

Nilingon ko si Cupid at nakita ko ang lapad ng pagkakangiti sa mukha niya. Sa lahat ng tao, SIYA talaga ang kauna unahang natutuwa sa tuwing napagkakamalan kaming mag-asawa.

Kahit hindi naman.

Inapakan ko ang paa niya at napa-aray naman siya ng malakas. Inilapit ko ang mukha ko dun sa cashier na babae at bumulong.

"He is just my bestfriend. Single yan. Type mo?" Nakangiting tanong ko.

Pero bago pa makasagot yung babae ay hinila na ko palayo ni Cupid palabas ng store.

Narito kami sa mall at naghahanap ng costume na isusuot ng anak kong si Aya para sa birthday party ng kaklase niya. Nauna nga lang kaming nakaramdam ng gutom kaya naman kakain muna sana kami pero-- wait.


Lumikot ang mata ko at bigla akong nakaramdam ng kaba. Hinawakan ko sa braso si Cupid at natatarantang tinanong.

"Nasaan si Aya?"

Nanlaki rin naman ang mga mata ni Cupid na parang biglang naalala si Aya. Takot din ang rumehistro sa mukha niya ng mapagtanto na hindi na namin kasama ang bata.

"Tang*na, Cupid! Yung anak ko!" Natataranta ng sabi ko bago tumakbo.


______

"Are you alone? Where's your mom?"

Nilingon ako ng isang batang nakasuot nang jumper at may backpack na dala. Hindi ko siya kilala pero parang nakita ko na siya. Kita ko ang kaba at takot sa mukha niya pero hindi niya iyon samin pinahalata.

"Kasama ko po ang Mama at Papa ko. Bumibili lang sila ng pagkain pero babalikan rin nila ko." Walang emosyong sagot nang bata sakin

Napatango naman ako bago umupo at tumabi sa kanya.

"Are you sure?" Paninigurado kong tanong.


Pero hindi na siya nagsalita.



Maya maya lamang ay naririnig ko nang mumunting hikbi na nagmula sa kanya.



"Bakit ka umiiyak?"Nag-aalang tanong ko.

"Nawawala po kasi talaga ako." Pag-amin ng bata bago lalong lumakas ang iyak.

Humagulgol ang bata at hindi ko alam ang gagawin. Humarap na lamang ako sa kanya at niyakap siya.

"Shhh.. Dont cry. Mahahanap rin natin ang mommy mo." Sincere na sabi ko.

"Sh*t."

Kasunod nito ay narinig ko rin ang pagmumura ni Kein sa tabi ko.


"Lets go, Chance." Aya niya.

Umiling naman ako.


Hindi ko kayang basta iwan na lang ang batang ito rito. Paano kung may masamang tao makuha sa kanya? Hindi kakayanin yun ng konsensya ko.

"Mauna ka na. Susunod na lang ako."

_______

Kakapasok ko lang sa mall at inihahanda na ng isip ko ang mga eardrums ko dahil paniguradong masesermunan na naman ako. Magagalit na naman for sure sakin ang matandang si Kein dahil late na naman ako.

Sinubukan kong tawagan si Kein dahil hindi ko alam kung nasaan sila.

["Yow, Grey!"] Tinatamad na bati niya.

Napailing naman ako at napangisi nang maimagine ang itsura niya.

"Nasaan kayo?" Tanong ko.

Narinig ko naman mula sa kabilang linya na napa-tsk siya na parang naasar na.

["Nasa office kami nitong mall."]

"Huh? Anong ginagawa niyo dyan?" Nagtatakang tanong ko.

["Eto kasing si Chance. Nagpakasuperman na naman at may tinulungan na batang nawawala----"]

"NAWAWALA? BATA?"

["Oo."]

"Hah! May nawawalang bata sa tabi mo pero ganyan lang ang reaksyon mo? Anong klase ka!" Di makapaniwalang tanong ko.

["Aish. I hate kids, You know that. Masyado silang maingay. Bilisan mo na nga. Pumunta ka na dito."] Naasar pang sabi niya bago binaba ang tawag.


Binilisan ko naman ang lakad at pinuntahan sila. Papasok na sana ako sa office ng may isang babaeng bumangga sakin dahil nagmamadali siyang lumakad.

"Im sorry, Hindi ko.."

Napatigil siya sa pagsasalita ng magkatinginan kaming dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ko at para bang dumilim ang buong paligid at tanging siya lamang nakikita ko. Nahigit niya ang kanyang paghinga at parang di makapaniwalang makita ako. Umatras pa siya ng konti para makalayo.

At hindi ko napigilan ang sarili kong hawakan siya. Hawak ko ng mahigpit ang kamay niya at ayaw ko nang bitawan pa.


Ang tagal ko siyang hinanap.

At ngayong nakita ko na siya hindi na ko papayag na---

"MAMA!"

Bumukas ang pinto ng di ko namamalayan. At sa pagkabigla ko ay ako naman ang napaatras at napalayo sa kanya.


Isang bata ang lumapit sa kanya at tinatawag siya nitong Mama. Sa likod ni Shaira ay nakita ko rin si Cupid na gulat ring nakatitig sakin.


A-Anong ibig sabihin nito?


Sh*t.


Imposible.

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon