Chapter 40

122 6 0
                                    

Nakauwi na kami sa bahay pero malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Hawak ang baso na nilagyan ko ng tubig ay nanginginig ang mga kamay ko.

Hindi ako makapaniwala. Sa ilan taon kong pagtatago, Ni minsan hindi na sumagi sa isipan ko na magkikita pa kaming dalawa.



Ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod mabuti na lamang ay may upuan sa tabi ko. Napatingin ako sa hawak kong tubig at pilit ko mang alisin ay kusang bumabalik sa isipan ko ang pinakamasakit na eksenang nangyari sa buhay ko.


•••

[FLASHBACK]

"Shaira.."

Pigil ang mga luha ay niyakap ko ng mahigpit ang natutulog na si Grey. Alam kong nahihimbing na siya sa pagtulog ngunit patuloy niya pa ring binibigkas ang pangalan ko. Kapwa balot ng kumot ang mga hubad naming katawan. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng gitna ng aking mga hita pero hindi ko na iyon pansin.


Dahil mas masakit ang nararamdaman ng puso ko ngayon. Pakiramdam ko ay magpapakamatay ako. Na para akong gagawa ng isang bagay na ikamamatay ko.


Inamin ko na kay Grey na mahal ko siya kanina. Ibinigay ko na rin ng walang alinlangan ang sarili ko sa kanya. Pero wala akong magagawa kundi ang lumayo sa kanya.



Hindi ko to gusto.



Isipin ko pa lang na magkakahiwalay na naman kaming dalawa ay parang dinudurog na ang puso ko.



Pero wala akong choice.



Dahan dahan akong lumayo sa kanya. Bumangon na ko mula sa kama at nagbihis.


At sa huling pagkakataon. Bago ko ginawa ang pinakamahirap na desisyon. Lumapit ako sa kanya at maingat ang kilos na tumungo para hagkan siya.


"Im sorry.." Hilam ng mga luha ang mga mata ay mahinang sambit ko.




"Para sating dalawa to."


Tinalikuran ko na siya at hindi ko na nilingon pa.

[End of flashback]

•••

"Natatakot ako.." Kinakabahang sambit ko.



Paano kung malaman niya? Kukunin niya ba sakin ang anak niya? H-Hindi ko kaya! At hindi ako papayag! Paano kung pati ang anak ko ay saktan nila? H-Hindi pwede!



Lumapit sakin si Cupid at niyakap ako.



"Shhh. Stop crying.. Huwag kang matakot." Mahinang bulong ni Cupid habang patuloy na hinahaplos ang likod ko.




"Cupid.. Paano kung malaman nila kung nasaan ako? Paano kung malaman nila kung nasaan kami ng ANAK ko!? Hindi ako papayag na kunin sakin ni Grey ang anak niya. Baka saktan lang din si Aya ng parents niya!" Kinakabahang sabi ko.





Tumingin sakin si Cupid na kunot ang noo at halatang naguguluhan.



"Parents? Anong kinalaman ng parents ni Grey sa gulo niyo?"



Napabuntong hininga na lamang ako at mahinang naihampas ang noo ko. Ilang taon ko ring pilit sinarili ang totoong dahilan ng paglayo ko. Miski kay Cupid ay nanatiling tikom ang bibig ko.


Walang alam si Cupid sa totoong nangyari sa pagitan namin ni Grey. Ang alam niya lang ay nabuntis ako ni Grey, Siya ang ama ni Aya.. Bukod dun ay wala na.



SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon