Chapter 41

112 6 0
                                    

"So, anong plano mo?"

Nilingon ko si Chance na pirming nakaupo sa mahabang sofa na nasa loob ng office ko. Oras ng trabaho niya ngayon pero ang bwisit na lalaking to ay tumatambay na naman dito.



Hindi ko siya sinagot.



Ipinokus ko na lamang ang atensyon ko sa mga folder na binigay sakin kanina ng secretary ko para pirmahan. Masyado akong maraming ginagawa para magkwento.



Napansin kong tumayo na siya at lumapit sa maliit na fridge na meron ako. Uminom lamang siya bago nagpaalam na aalis na.



Pero bago siya makalabas ng pinto ay sinagot ko ang tanong na sinabi niya sakin kanina.





"Gagawin ko ang lahat, Chance. I'll do everything I can, makuha lang ang mag-ina ko."



Hindi ko na siya narinig na sumagot. Nakita ko lamang ang marahan niyang pagtango bago tuluyang lumabas sa pinto.







_______

"Anong ginagawa niyo dito?"



Mabilis na kumulo ang dugo ko ng makita ko sila. Nginisian lng ako ni Daddy bago tumabi sa nakaupong si Mommy.





"Nakita mo na siya?" Walang emosyong tanong sakin ni Mommy.




Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at nangigigil na hinampas ng malakas ang table sa harap ko.



How did they know?

Wala talagang balitang nakalalagpas sa kanila. Bullsh*t!




"May pamilya na siya ngayon, Grey. Tigilan mo na ang babaeng yon." Tinatamad pang dagdag ni Daddy sa sinabi ni Mommy kanina.



Tinignan ko naman sila ng masama.




Bakit sila ganyan?





Anak nila ko pero parang hindi naman. Minsan tuloy naiisip ko na baka hindi totoong anak nila ako. Na baka naman ampon lang talaga ako.




Pero hindi, e. At sigurado ako.




Tumayo na ko sa swivel chair na inuupuan ko at lumapit sa kanila. Tiningala nila ako dahil hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sila.





"Ilang taon niyo nang ginagawang laro ang buhay ko. Hindi kayo ang direktor o writer na siyang magdidikta sa kung anong dapat na gawin ko." Pigil ang galit na sabi ko.



Ngumisi ulit si Daddy at tumayo para harapin ako. Nakita ko ang muling pagtaas ng kamay niya at alam kong kasunod na iyon ng paglapat nito sa mukha ko.




Pero hindi ko na iyon ulit hahayaan pa.



Mabilis kong sinalag ang kamay niya. Gulat ang ekspresyon na rumehistro sa kanyang mata. Eto kasi yung kauna unahang pagkakataon na nilabanan ko siya.




Sa totoo lang ay nakakawala naman talaga ng respeto ang mga ginagawa nila.



"Ilang taon niyong nilayo sakin ang pamilya ko. Ninakaw niyo ang mga sandali na dapat sana ay kasama ko ang anak ko. Subukan niyo lang na umeksena na naman sa buhay ko. Kakalimutan ko nang magulang ko kayo."


Ibinalya ko ang kamay ni Daddy na hanggang kanina ay hawak ko pa.



Tinalikuran ko na sila at hindi na hinintay na sumagot pa.




______

"Aya! Huwag masyadong malikot, ah!"


Tumingin sakin ang anak ko bago nakangiting tumango. Lumapit siya sakin bago tahimik na lamang na pinanood ang ginagawa ko.



"Para kay Papa ba yan, Mama?" Nakangiting tanong niya.




Itinigil ko naman ang paglalagay ng niluto kong ulam sa lalagyan at seryosong tinignan ang anak kong si Aya.



"Ninong. Not Papa." Paalala ko sa kanya.




Nakita ko naman ang pagsimangot niya na lalong nagpapaalala sakin sa tunay niyang ama. Ganitong ganito ang itsura ni Grey sa tuwing hindi nito nakukuha ang gusto.


Umupo ng maayos si Aya at nagcrossed-arm pa. Nakanguso siya habang tinitignan ako ng masama kaya tuluyan na kong napatawa.



"Wala naman ang Daddy ko dito, e. Tsaka sabi naman ni Ninong Cupid, Okay lang po na tawagin ko siyang Papa!" Pag-ungot niya.





Hindi na lamang ako nagsalita at pinagpatuloy na lamang ang aking ginagawa.




Naramdaman ko ang pagtayo niya sa upuan at mabilis na lumapit sa gilid ko. Akala ko ay manonood lamang siya ulit pero muli akong napatigil sa aking ginagawa ng marinig ang tanong ng anak ko.


"Nasaan na ba kasi si Daddy, Mama?"

Ang nag-iisang tanong na kinakatakutan ko.

_______

"Baby!"



Lalong napasimangot ang mukha ko nang pagkalabas ko sa office ay siya ang nakita ko. Lumingkis ang makinis niyang braso sa braso ko. Pero hindi iyon napigilan ang irita na biglang naramdaman ko.





Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya bago bahagyang itinulak siya palayo.


"Tss. Ano na naman bang problema mo, Baby? Nag-away na naman ba kayo nila Mommy?"



Kita ko ang pag-aalalang bumabakas sa kanyang mukha pero wala akong pakialam. Siya naman ang puno't dulo ng lahat at alam kong kalokohan niya yan.




"Ilang beses ko bang dapat ipaalala sayo na huwag mo kong tatawaging, baby?" Pigil ang inis na sabi ko.



Akmang lalapit siya sakin pero napatigil rin ng matakot sa paraan ng pagtingin ko.



"Hindi ka na naman umuwi sa bahay." Bulong niya.




Napailing naman ako at talagang naiinis nang tumingin sa kanya.



"ANO BANG PAKIALAM MO?" Singhal ko.




Nung tignan niya ako ay nagbabadya na naman ang mga luha sa mata niya.




Pero wala akong pakialam.




Tinalikuran ko na siya at naramdaman ko na lamang ang mga kamay niya pumigil sa mga braso ko.


"Asawa mo ko, Grey. Bakit mo ko ginaganito?" Umiiyak nang sabi niya.

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon