Chapter 45

136 6 0
                                    

"You jerk! She almost die because of you!" Malakas na sigaw ni Cupid sa kung sino.


Kilala ko ang boses niya at alam kong siya yun kahit na nakapikit pa ako.

Hindi pa man ako tuluyang dumidilat ay alam ko na mula sa amoy ng paligid kung nasaan ako.

Ilang beses na ba akong nadala rito?


Sa totoo lang ay hindi ko na matandaan.

Dahil mula nung malaman naming lahat na may kumplikasyon ako sa puso ay ilang beses na kong pinilit nila Cupid na magpabalik balik dito sa hospital.



Sabi naman ng doctor ay hindi naman daw ito malala. Maaagapan pa naman daw, Huwag lamang ito mapapabayaan.



Paniguradong tulad ng dati ay nahimatay na naman ako. Kaya wala akong halos matandaan sa kung paano ako ngayon nakarating dito.


"M-Mama?"

Mula sa pag-iisip ay agad akong napadilat ng marinig ang boses ng anak ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay siya agad ang unang hinanap ng mga mata ko.

Napatigil ang lahat, Ang atensyon nila ay sandaling natapon sakin, Samin ng anak ko na kasalukuyan palang nakaupo lamang sa tabi ko, Sa kamang hinihigaan ko mismo.


"Aya!"


Kusang gumalaw ang mga kamay ko para yakapin siya. Bigla kong naalala ang takot at kabang naramdaman ko sa sobrang pag-alala ko para sa kanya.

"M-Mama! I-Im s-sorry.." Umiiyak nang sabi niya.


My daughter knows everything about my heart complications. Kaya siguro ganyan ang naging reaction niya ng makitang gising na ako.


"H-Hindi ko po talaga sinasadya!"

At malamang sa malamang ay sinisisi niya na naman ang sarili niya sa mga nangyayari.

Hindi ako nagsalita. Alam ko naman sa sarili kong walang kung sino ang may kasalanan dito. Kasalanan ito ng mahinang puso ko na namana ko pa pala sa namayapang ina ko.

Tahimik ko lamang siyang niyakap.

Okay na ko. Ngayon pa na nasa bisig ko nang muli ang nag-iisang anak ko.


Pakiramdam ko ay kami lamang dalawa ang taong naririto.

And with that, ay bigla ko SILAng naalala.

Binitawan ko si Aya at kinilala ang mga taong nasa loob ng kwarto. At napabuntong hininga na lamang ako ng malaman kung sino sino ang mga naririto.



Bakit ba sa tuwing may pangyayaring ganito ay palagi na lamang silang kumpleto?



Mula kay Trevor na ngayon ay nakaupo sa mahabang sofa na tahimik lamang na nakikinig ng music sa earphones niya. Kay Kein na kaharap na muli ang laptop niya. Ang magkakatabing si Ethan, Kurk at Chia na ngayon ay nakafocus parin sakin ang mga mata. Si Thirdy na tahimik ring nagbabasa habang abala naman si Chance sa pakikipag-usap sa nurse na kaharap niya.


At mawawala ba naman siya?

Sa magkabilang gilid ng kama ko ay nakatayo ang dalawang lalaki na may malaking ambag sa pagkatao at sa buhay ko. Sa side kung nasaan si Aya ay naroon rin si Cupid. At kung nasaan naman si Grey ay naroon din ang isang babae na medyo pamilyar sakin ang itsura pero hindi ko naman kilala.


Nagulat na lamang ako ng biglang lumapit sakin ang nasabing babae at inilahad ang kamay niya sakin.

"Sa wakas ay nakilala na kita." Nakangiting sabi niya.



SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon