Ingay na nagmumula sa malakas na ihip nang hangin ang tanging maririnig ko sa lugar. Katamtamang init ng araw ang tumatama sa aking katawan.
Weird.
And complicated.
That's the word LOVE means for me.
Yumuko ako at nilinis ang mga damong medyo humarang na sa lapida ng mga magulang ko. Sobrang tagal na rin pala mula nung huli kong bisita sa kanila.
"Sorry, Mama. Papa.." I whispered.
Inilapag ko na rin ang bugkos ng bulaklak na dinala ko para sa kanila. Sandali akong nanahimik at nanalangin kaya ramdam ko ang malamig na hangin na parang yumayapos sa katawan ko.
Alam kong sa mga oras na ito ay nasa paligid ko lamang sila.
Kahit naman wala na sila ay alam kong binabantayan pa rin naman nila ako, Kami ng anak ko. Hindi ko man nakasama si Mama. Hindi man nagtagal ang pagsasama naming dalawa ni Papa. Alam at ramdam kong mahal na mahal nila ako.
Pero kahit ganun ay alam ko sa sarili kong uhaw ako sa pagmamahal na magmumula lamang sa kanila.
Mahirap sa pakiramdam kaya pinapangako ko sa sarili kong hinding hindi ko iyon ipararanas sa mga magiging anak ko.
"Mama!"
Napalingon ako sa aking likuran at nakita ang anak kong si Aya na tumatakbo papalapit sakin. Nasa likod niya naman ay naglalakad din si Cupid na natatawa na lamang sa kanya.
Nang makalapit ay agad nila akong niyakap. Yumuko si Cupid at sandali ring kinausap ang mga magulang ko. Pirming nakatingin naman sa kanya si Aya na para bang nawiweirduhan sa kanya.
"Kamusta si Baby?" Nakangiting tanong ni Cupid habang hinahaplos ang di pa kalakihang tiyan ko.
I'm pregnant.
Yes, For the second time.
Ngayon ko mas nararamdaman na unti unti nang lumalaki ang baby kong si Aya. Dahil ilang buwan na lamang ay magiging ATE na siya. Nakakatuwa namang malaman na super excited rin ng anak kong iyon na makita ang magiging kapatid niya.
Tama ang naging desisyon ko.
Aaminin ko. Minsan ay di ko maiwasang makaramdam pa rin ng kaba at takot sa desisyong napili ko. Pero ngayon na nakikita kong masaya naman pala ang anak ko ay unti unti na ring naglalaho ang pagdududang nararamdaman ko.
"Excited na kong makita si Baby."
Napatingin ako kay Cupid at nakita kong nakangiti siya. Nakatingin siya kay Aya na naglalaro lamang ng kung ano sa di kalayuan.
"Sana lalaki naman." Natatawang sabi niya pa.
Natawa na lang din naman ako sa inaasta niya. Ganito ba siya ka-excited? Nakakatawa!
Nagulat ako ng biglang lumuhod si Cupid at humarap sa tiyan ko. Hinawakan niya iyon na para bang pinapakiramdaman ang baby sa loob nito.
"Hi baby! Excited na si Papa na makita ka!" Natatawa pa ring sabi niya.
Di ko na napigilan ang sarili ko at hinayaan nang lumanding ang palad ko sa ulo niya. Kahit kailan talaga ay napakaloko nito.
Tinignan niya naman ako ng masama at akmang gagantihan sa pambabatok na ginawa ko sa kanya pero agad din siyang napatigil ng itinuro ko ang tiyan ko.
"Psh! Pasalamat ka, Buntis ka!" Nakasimangot na tugon niya.
"DADDY!"
Ang katahimikang namayani sa pagitan namin ni Cupid ay agad na nabasag ng dahil sa malakas na sigaw na narinig namin mula kay Aya. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong tumayo na si Cupid at nilingon siya. Samantala ako naman ay yumuko muli para kausapin na lang ulit ang mga magulang ko.
Mahigpit na yakap mula sa likuran ko ang sunod na naramdaman ko. Tumakbo naman papalapit sakin si Aya at nakangiting tumigil sa harap ko.
"What a scene. You want me to capture that PERFECT scene of yours? Tss. Disgusting." Naiiling na sabi ni Cupid bago nandidiring tinitignan kaming tatlo.
Bumitaw naman mula sa pagkakayakap sakin si Grey at hinawakan na lamang ang kamay ko. Hinawakan niya rin ang kamay ni Aya at sabay sabay kaming humarap sa mga magulang ko.
"Leave." Rinig kong bulong ni Grey.
"Salamat sa pagbabantay sa mag-iina ko. You may go, Kupido." Walang emosyong sambit ni Grey at natatawa namang tumango si Cupid dito.
Naiiling na lamang na tinanguhan ko siya bago pabirong siniko si Grey sa tabi ko.
"Napakasama mo talaga." Nakangusong bulong ko.
Hindi naman siya nagsalita at nanatiling tahimik habang nakatitig sa lapida ng mga magulang ko.
"Thanks for everything, Shaira." Rinig kong bulong niya.
At nang nilingon ko siya at nakita kong nakaharap na rin pala siya sakin habang katabi niya si Aya.
"Thank you, Love." Nakangiting ulit niya.
Ramdam ko ang pagguhit ng kilig sa buong pagkatao ko. Nakangiti naman akong tumango at lumapit para hagkan siya.
I chose Grey, over my fear.
Alam kong nagalit ang mga magulang niya ng malaman na hindi pala totoo ang kasal nila ni Meryl. Kaya paniguradong sobrang galit na naman ang nararamdaman nila sakin.
Syempre natatakot pa rin ako. Lalo na sa kaligtasan ng anak ko at ng magiging anak ko.
Pero hindi ko na lamang iniisip yun.
Ayaw ni Grey na binabahala ko pa ang sarili ko tungkol sa bagay na yun. Sabi niya ay siya na ang bahala sa magulang niya. Hinding hindi niya daw hahayaan na dumampi miski dulo ng mga daliri ng mga ito sa pamilyang binubuo niya.
I know, darating din ang araw na matatanggap din nila. Umaasa ako na darating yung pagkakataon na magiging okay din ang lahat sa pagitan namin ng pamilya niya.
You can't have a perfect life, I know. But having them beside me, makes my life perfect and contented.
Bahagya akong napaatras nang makitang unti unting lumuhod si Grey sa harap ko. Kita ko naman mula sa mga mata ng anak ko ang saya habang pinagmamasdan kaming dalawa.
"You completed my life, Shaira. You and this cute little girl on my side makes my life perfect. I cant even imagine my life without you and ofcourse my baby, Aya."
Inabot ng anak ko ang isang maliit na box sa kanyang ama. At nang binuksan iyon ni Grey ay di ko napigilan ang mga luhang sunod sunod nang tumulo mula saking mga mata.
Ang sandaling ito ang pinakahihintay ko.
"Marry me, Love. And let me love you.. Forever."
THE END.
_______
Maraming maraming salamat sa pagbabasa!
11:30
01/19/18