Kabanata 1

194 12 3
                                    

Kabanata 1

Rooftop

Umakyat ako sa rooftop kahit na alam kong madilim na, bawal na umakyat at pumasok sa eskwelahan ang mga estudyante kapag ganitong oras. Rinig na rinig ko mula rito ang dagundong ng musika na nanggagaling sa gym na pinagdadausan ng graduation ball.

Sumabog ang buhok ko at nanuot sa balat ko ang lamig ng hangin na sumalubong sa 'kin pagkabukas ko ng pinto.

Pumikit ako kasabay ng pag-agos ng mga hindi makalilimutang mga alaala.

"Saan ka pupunta, Lyrae? Tapos na ang ceremony," ani Aina nang magbalak akong hanapin si Sandro.

Ngumuso ako bago ko bahagyang ipinilig ang ulo ko. "Papahangin lang. May handa ba sa hacienda, Aly?"

Sumulyap sa 'kin sandali si Aly bago ibinalik ang tingin sa stage. She shrugged her shoulders before she answered my question.

"Ewan ko. Mukhang ayaw ni Sandro. Mamaya na rin kasi ang alis niya papuntang maynila," tugon niya habang nakatingin sa stage kung saan nagpipicturan ang mga seniors namin.

Nakita ko pa si Cj sa ibaba ng stage na mukhang magpapapicture kay kuya Mico at si Caley na katabi nito at mataray na nakatingin sakanilang dalawa.

I'm sure Cj dragged her there. I know how much she hates kuya Mikhail.

Kulang nalang ay buhayin niya si hitler para magsimula ng gyera laban kay kuya Mico.

Gulat akong napatingin kay Aly ng magsink in sakin ang sinabi niya, "Bakasyon ulit?" tanong ko.

"No? I think he's staying there for good," naguguluhang sagot sakin ni Aly. Nagtataka yata kung bakit bigla ako naging interesado sa buhay ng pinsan niya.

I've always been interested, since the first day I laid my eyes at him. I know there's something even I couldn't name.

Aly, not knowing I was crushing on his cousin. Ipinagsawalang bahala niya nalang iyon at luminga para siguro hanapin 'yong boyfriend niya.

Umawang ang labi ko ng mapagtantong may tsansang hindi ko na siya muling makita pa pagkatapos ng araw na ito.

"Sabel! Nahanap mo na?" dinig kong sabi ng isang babae sa gilid ko, "Hindi pa nga eh. Natanong mo ba sa mga kaibigan niya?"

Bagsak balikat akong napalingon sakanila at napakunot ang noo ng agad mamukhaan ang dalawang babaeng naguusap sa gilid namin.

Isabel Florin at Annika Romuele. Mga kabatchmate ko.

"Hindi rin daw nila alam. Baka umuwi na? Sayang naman kung ganoon. Late na kumalat ang balitang sa maynila na raw siya mag-aaral ng kolehiyo eh," bakas ang panghihinayang na sabi ni Annika.

Nagtataka akong pinakinggan ang pinaguusapan nila kahit na may hula na ako kung sino 'yon.

"Subukan natin ulit hanapin si Sandro. Sigurado akong nandyan lang 'yon," ani Isabel at naglakad na papunta sa gawing stage kung nasaan ang seniors namin.

Tila isang gatilyo na kinalabit ng marinig ko ang pangalan niya. So tama nga ang hula ko? Si Sandro nga rin ang hinahanap nila.

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago sila sinundan ng tingin. Nagsimula na ulit silang magtanong-tanong sa mga estudyanteng sa tingin ko ay kaklase ni Sandro.

Bumaling ako kay Caley na katabi ko na pala at masayang nakikipagusap sa manliligaw niya.

"Caley alam mo ba kung nasaan si sandro?" tanong ko. Kunot noo niya akong sinulyapan bago sagutin ang tanong ni Velasquez.

Stuck Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon