Nagising ako sa napakalakas na ingay ng nasa baba, parang boses vina yung babae,galit na galit at umiiyak, sino ba ang kausap niya sa baba? Dali- dali akong bumangon at dumiretso sa baba ng makita ko si vina na panay ang suntok sa lalaking nakatalikod, teka! Si woon lee ba yan? Ano bang ginagawa nitong gagong to dito, pagkatapos niyang saktan at paiyakin ang pinsan ko, may lakas loob pa siyang pumunta rito at paiyakin ulit si vina..aba ang kapal nito ah...kaya madali kong inawat si vina at hinarap yung gago...
"Hey!!what the hell are you doing here??you're not supposed to be here.!"
" I just want to talk to your couzin and say im sorry!"
" After what you did??!fuck off,, you guys are all the same, you do some stupid things and not even know if someone will get hurt,, !"
" I didn't mean to do it,, i was trap, and i have nothing to do,"
Ramdam ko ang sakit ng iyak ni vina..habang pinipilit kong paalisin itong asungot panay naman ang refuse nito...kaya biglang nagsalita si vina...
"Get lost lee,,i don't want to see you anymore, please just go...let me go please,..i dont love you anymore!!'"
Kitang-kita ko ang reaksyon sa mukha ni woon lee, nasaktan siya sa sinabi ni vina, kaya umalis nalang siya na may luha sa mga mata. Para akong natamaan dun sa sinabi ni vina, yun na yun din ang sinabi sa akin ni diony, masakit.. kaya sa magalit ako kay woon lee naawa tuloy akong bigla sa kaniya, dahil alam ko ang feeling ng mapagsalitaan ng ganun. Ng tingnan ko si vina, bigla siyang napahinto sa kakaiyak at niyakap ako at sinabing...
" Couz, sorry hindi ko sinasadyang sabihin yun."
Teka bakit siya nagsosorry?? Dahil lang dun,? Ang diko namalayan umaagos na pala ang mga luha ko sa pisngi, ngayon alam ko na kung bakit siya nagsosorry, kaya niyakap ko rin siya at nag sorry din ako.
Nasa work ako ng biglang nagchat ang ate zendy ko na gusto daw nila akong makita at kumustahin kaya nag excuse ako sandali at tumungo sa likuran ng hotel, na e chat ko agad c ate at sinabing pwede na. Kaya nagring agad ang phone ko at sinagot ito ng...
" Happy birthday be,"
Oh my god, birthday ko na pala, at kitang- kita ko silang lahat sa screen ko, bumabati at kumakanta ng happy birthday.. Shocks hindi ko tuloy maiwasang maiyak kaya iyak ako ng iyak habang kinakausap nila ako,nakakamiss sila, grabe...para akong baliw kakaiyak sa likuran habang maraming taong dumaraan ,lahat sila napapalingon at mabilis na naglalakad dahil inaakala nilang nababaliw na ako,,,at nagpaalam na sila dahil meron pa raw akong trabaho baka naisturbo daw ako, kaya sinabi kong tatawag ako mamaya after sa shift ko. Kahit wala na akong kausap panay pa rin ang hikbi ko kaya di ko namalayan ang paglapit ng isang tao at inalok ako ng panyo., bago ko itong kunin, tiningala ko kung sino, laking gulat ko ng mapagtanto kong si andrei pala yun, naka smile siya ng pagkagwapo-gwapo habang yung isang kamay niya ay nasa bulsa. Shit mukhang malalaglag yung panty ko ah..bakit kase ganyan siya makatitig at makasmile sakin, para akong matutunaw.
" Are you ok?"
" Yeah, thank you for this"
"Your welcome,, by the way i have something for you,here!!"
" What is this??why are you giving me this?"
Imbes na sumagot ay nagsmile lang siya, nag wave at umalis na, gusto ko sana siyang pigilan kaso, biglang lumapit sa kaniya yung fiance niya. Teka nga lang, kung nandito ang fiance niya ibig sabihin nakita nito kung pano ako tingnan at tratuhin ni andrei at lalong nakita nito yung inabot sa akin, pero bakit hindi man lang ako sinugod at inaaway??, parang wala lang sa kaniya at nag smile pa siya sa akin, wow ha sobrang bait talaga niya, kaya pala mahal na mahal siya ni andrei eh...
Bago ako bumalik sa pwesto ko, inilagay ko muna yung bigay ni andrei sa locker ko ,mamaya ko na bubuksan, trabaho muna ako. Maraming costumer at super pagod na kami, pero kaya ko to, malapit na ring matapos shift ko at excited na akong umuwi para makavideo call ko na sila, miss ko na talaga sila eh. Ayan na naman naiiyak nanaman ako, kase naman, birthday na birthday ko nag iisa ako. Si vina mag o-overtime raw eh, gusto atang lunurin ang sarili sa trabaho, way daw niya para maka move on.
Kaya ng matapos ang shift ko,mabilis akong nagbihis at agad na umuwi, nagskype kami nila ate at marami kaming napagkwentuhan, ngunit bigla akong natahimik ng itanong ni ate kung nagkita na kami ni diony! Nalaman din kase niyang narito si diony sa japan.
" So ano? Nagkita na kayo?"
" Oo te"
" Tapos?? Ano nangyari?? Kwento mo na dali"
Kaya ayun kinwento ko sa kaniya lahat, pati na rin ang part na kung saan humingi ng second chance si diony, halatang kilig na kilig si ate, sabagay botong- boto siya rito. Kaya ng sabihin kong hindi ko inaccept ang alok niyang second chance, bigla siyang nanlumo at nanghinayang, pero agad naman niyang sinabi na, "malaki ka na be, alam mo na kung anong tama at mali, kaya mo ng magdesisyon ng mag isa, we are proud of you be.mahal na mahal ka namin,. " At yun.naiyak na naman ako ulit, nagpaalam na siya sa akin at natapos ang video call namin ng masaya..atleast kahit papaano naging makabuluhan ang birthday ko ngayon..
Dahil sa pagod, napagdesisyunan kong matulog ng maaga, kaya ng mahiga ako, ramdam ko ang sarap at ginhawa sa likuran ko, nakakapagod kayang tumayo magdamag, napabaling ako sa kaliwa ko kung saan nadun yung lampshade upang patayin, ng mapansin kong may nakapatong dun, gosh, yung binigay sa akin ni andrei muntik ko nang makalimutan, kinuha ko ito. Ano kaya ang laman nito? Mukhang magaan eh, kaya binuksan ko...teka!ano to?bakit...bakit...sino ka ba talaga andrei!??...
YOU ARE READING
Mr. stranger
Romancewhen you meet your soul mate..don't expect something like fairytale... kasi fairytale don't exist... charot... hahahha.. well I don't know if it does really exist... kase may times na medyo nega- ako pag dating sa love... but sometimes you wouldn't...