Chapter #07

1.8K 43 0
                                    


  Nandito ngayon ang parents ni Diel.. Tinawagan ko sila ng hindi ko siya magising,, natataranta kasi ako e na nag aalala hindi koba alam.. Pero ang gusto ko lang ng mga oras nayon ay magising siya..yun lang..

Nang makarating sila ay may kasama agad silang doctor tinignan muna ng doctor ang kalagayan ni Diel..

"Iha! Ano ba talaga kasi ang nangyari hu!!"
Nag aalalang tanong ni Mommy Ronna..

"H-hindi ko po alam.."
Hindi ko alam pero halata na sa akin ang pag aalala..
"Pag uwi po namin kanina galing sa school, nagluto po ako ng makakain namin, tapos po uminum siya ng alak.. At natulog na po kami.."
Hindi ako mapakali sa kinatatayoan ko. Kulang nalang magsikalasan ang mga kuku sa daliri ko dahil sa kakakiskis ko..

"M-may iba pabasiyang ginawa oh kahit ano!?"
Kahit si Mommy Ronna ay kanina pa nag aalala..

"H-hindi ko po s-sigurado..
K-kumain lang naman po kami a-at uminum siya.."
Garalgal na ang boses ko sa subrang nerbiyos..

"Ano ba yung kinain niyo.!"
Tanong ni Mommy Ronna..

"Nagluto po ako ng 'spicy shrimp'.. yun lang po!.."
Sagot ko..

"S-spicy shrimp!?"
Gulat na tanong ni Mommy Ronna.. Bakit? Anong meron sa spicy shrimp na luto ko.. Diko naman nilagyan ng lason yon e.. Oo naiinis ako sa kanya pero hindi ko kayang gawin yon...

Tumango lang ako at nagsalita ulit si Mommy Ronna..
"Roxanne! Hindi kumakain si Diel ng mga pagkaing may sili oh maaanghang.."
Natigilan ako sa sinabi ni Mommy..
"Noong bata pa si Diel...
Aksidente siyang nakakain ng sili. Pinadoktor namin siya.. Noong una binaliwala lang namin ng Daddy niya.. Pero nong makakain uli siya na nakalagay sa pagkain.. Nagha-hallucinate na siya.."
Paliwanag ni Mommy..

"D-dahil sakin kong bakit siya.. N-nagkaganyan.!?"
Sorry Diel! Hindi ko alam.. Sorry.. Gusto ko nang maiyak dahil sa ginawa ko..

"Roxanne! Wala kang kasalanan.. At hindi mo alam na bawal siya non.!?"
Pagpapakalma sa akin ni Mommy... Tinignan ko si Diel at nakita kong mukang okay na siya.. Dahil sa binigay na gamit ng doctor..
Hindi ko alam.. Pero gusto ko siyang lapitan.. At gusto kong hawakan ang mga kamay niya..

..

Natapos ang doctor at sinabing okay na si Diel.. Kailangan lang na magpahinga muna hanggang bukas.. Kaya hindi siya makakapasok bukas.. Teka sinong magbabantay sa kanya, meron akong pasok..

"Roxanne! Hanny!? Pwede bang ikaw muna ang mag alaga sa kanya bukas.. Hindi ko siya maalagaan dahil may business trip kami bukas sa Baguio.."
Paki usap ni Mommy na bumaling pa kay Daddy Daniel na kanina pa tahimik at kausap ang doctor..
"Please! Iha.. Alagaan mo siya.. Please.!"
Dugtong pa ni Mommy na kanina pa hawak ang kamay ko..

Tumango ako..
"Don't worry Mommy aalagaan ko siya at poprotektahan.. I will never to do this again.."
Maamo kong sagot..

Hindi ko alam kong bakit gusto ko siyang alagaan at protektahan..
Yun kasi ang sinasabi ng puso ko e.. Kahit yung isip ko ay sinasabing hindi ko kailangang gawin yon..

Umalis na sina Mommy at Daddy kasama ang doktor ni Diel.. Sa isang pagkakamali ko lang sa kanya.. Para bang ako yung mas nasaktan..

Nakahiga na ako pero nasa kanya parin ang mga mata ko.. Kung titignan siya pagtulog, makikita mong napakaamo ng mukha niya.. Kahit na manyak siya, at kahit na may pagka malibog na tao.. Kahit sinong babae magugustohan parin siya dahil para siyang biyaya na binigay sayo..
'Hayy! Ano ba yang iniisip mo Roxanne.. Hindi ka pwedeng ma-in-love sa kanya! Alam mo yan..!'

//////:::

Paggising ko kinabukasan naligo na agad ako.. Hindi para pumasok papunta sa school.. Wala lang gusto ko lang..
Pagkatapos ay nagluto na ako at naglinis kahit hindi pa naman madumi..
Bumalik ako sa taas para tignan si Diel at gisingin na.. Pagbukas ko ng pinto ay eksakto naman na gising na siya..

Mr. Maniac Fall In Love With Ms. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon