Chapter 3

5 0 0
                                    



PHILIA LOVE

Kinabukasan sa school na pinapasukan ko sa High School namataan ko yung dalawang kong bestfriends na sina Britney at Jennie.

"Oh ang aga-aga, nakabusangot ka na naman Beshy'' pamungad ko kay Jennie. Para kasing bomba na anytime sasabog na eh.

''Eh kasi yung magaling kong ama, nakakabadtrip" >_< galit na pahayag ni Jennie. Palagi nalang shang ganito tuwing pumapasok. Hays.

''Ano na namang ikinakabadtrip mo?'' tanong sa kaniya ni Britney.

''Eh kasi ang aga-aga, nambwebwesit. Anong akala niya sa'min? Katulong niya?"

''Pagpasensyahan mo nalang yung tatay mo Jen.''

''HUH? PARATI NALANG. Sana nga maghiwalay na sila ni Mama eh'' galit na galit talaga siya.

Ito yung kaibahan namin ni Jennie. Kung siya nagpapadala sa galit at humihiling ng di pinagiisipan, ako naman yug kabaliktaran niya. At naiinis ako sa kanya.

Kung padalos-dalos lang siya sa paghiling ng ganun at kung maging totoo nga yun ano nalang mangyayari sa kanilang magakakapatid?

Siya yung panganay at may bunso siyang kapatid, gugustuhin niya bang sa murang edad mabuwag yung pamilya nila at wala silang tatawaging ama kasi di niya lang gusto?

''Isipin mo nga kapag naghiwalay tatay mo, gusto mo? Gusto mong wala na kayong tatay?'' nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

Tahimik namang nakikinig sa amin si Britney. May problema din to sa kanila eh. Halatang-halata sa mukha. -__-

''Mas mabuting wala na akong ama!'' awtomatiko namang tumaas yung kilay ko sa sinabi niya.

''Pasalamat ka nga na may ama ka e, yung iba kawawa nga kasi namulat sa mundo na walang ama. Tapos ganyan lang sasabihin mo? Mag-isip ka nga ng maigi Jen. Nakakairita kana eh. Di ka nagiisip ng tama. Padalos dalos pa yung desisyon mo." Bulyaw ko naman sa kanya.

''Ah basta, sana di nalang siya yung tatay ko" wala na akong magagawa. Sirado na yung isip niya.

Kahit naman siguro may sa demonyo yung tatay ko pero tatay ko parin yun. Kung wala yun wala ako dito sa mundo. Kaya utang na loob ko pa din sa kanya yung buhay ko.

Sana maisip din ni Jennie yung ganun. Para naman di niya siya mag-isip ng padalos-dalos. Hays.

''Ano ba yan 14 ngayon dapat nagc-celebrate tayo ng friendship natin, e away pamilya naman yung inaatupag niyo" singit ni Britney sa usapan.

Napailing nalang ako sa sinabi nii Britney, isa pa din to e.

''Oh san ka pupunta Jen?" tanong sa kaniya ni Britney.

''Magpapalamig lang ng ulo." Tapos inirapan niya kami. That attitude. -_-

"Sana di mo na ginatungan yung apoy eh"

"Di na tama yung mga pinagsasabi niya. Sana makuha niya ang gusto kung ipaabot sa kaniya. Sirado na utak niya eh. Kahit tayo di niya pinapakinggan." Tsssk.

''Haaays.''

''Tara sa canteen. Bilhan natin ng makakain. Nakakaasar din yang magaling mong bestfriend eh, di kumakain. Peste pag na ano yan, lagot tayo kay tita jan."

''Parang di mo bestfriend ah" inirapan ko lang ang nakasimangot na si Britney.

Pumunta nga kaming canteen at binilhan ng agahan ang Reyna.

Si Britney yung nagdala ng pagkain, alang naman ako. Baka di ko mapigilan ang sarili ko at matapon ko lang sa basurahan yung ibibigay ko kasi umagang-umaga nangbabadtrip sya. Di ba niya alam na contagious yun?

Kaya dapat happy vibes lang. Di yung mandadawit siya sa pagkabadmood niya!

Pagdating namin sa room naka upo na doon si Jennie. Nakakunot parin ang noo.

''Oh Jen, binili yan ni Dione para sa'yo, kainin mo kung ayaw mong kainin ko.''

MAYPAGKABABOY DIN TO EH. -_-

''Ayokong kumain, wala akong gana.'' Inirapan niya lang kami at agad na kinuha ang pagkain at itinapon sa basurahan.

Nagngit-ngit naman ako bigla sa inis at galit.

''Ikaw na nga yung inisip, ikaw pa yung nagiinarte. Ewan ko sa'yo. Bahala ka sa buhay mo." Di ako naiinis at nagagalit sa kaniya kahit baon ko yun for one week pinangbayad dun. Kundi yung di siya nakikinig sa amin. Sa amin na kaibigan niya.

Sana din di niya dinamay yung kawawang pagkain kasi maraming nagugutom sa mundo, siya sinasayangan lang yung pagkain? Nakakapeste lang.

Matapos kung magwalk-out sinundan naman ako ni Brit. Ewan ko ba dito 'bat sunod ng sunod.

''Oh?'' nilingon ko si Brit at pinagtaasan ng kilay.

''Ah kasi Beshy, hehe, alam mo yung assignment kay Maam Tumidles ngayon, hehe, ano kasi...yung ano" problema nito?

''Ha?'' di ko magets.

''Yung ano...'' ah, kokopya ba sha sa assignment ko? Tss. Nahiya pa, 5 yrs niya nang ginagawa ngayon pa nahiya? Aba matinde.

''Nasa bag.''

''Naku salamat talaga besheeey, hehehheheh, sge sge, dyan ka muna. Magliwaliw ka muna. Hehhehhe" at umalis na nga si Brit.

Napailing nalang ako at naupo sa damuhan ng garden.

Dito ako namamalage sa tuwing gusto 'kong mapag-isa at makaramdam ng kapayapaan. Naging magbestfriends kami simula noong Grade 8 pa ako. Lima kami actually, kaso yung isa nasa malayong lugar at doon na tinapos ang Senior High niya. Yung isa naman nasa ibang section at kaming tatlo nga nina Brit at Jen, makatabi ng upuan.

Tanggap ko na kung ano at sino sila. Kahit pa masasabing kinaibigan lang ako kasi may makukuha sila sa'kin. Pinilit 'kong itabi iyon sapagkat kung papakawalan ko sila, sino nalang ang magiging kaibigan ko?

Sino nalang yung mapagsasabihan ko ng kadramahan ko sa buhay?

Wala.

Kaya kahit ganun sila at ganito ang sitwasyon namin. Matagal ko nang tanggap at kakayanin ko hangga't kaya ko pa. Sana lang di na umabot sa puntong mapapagod ako kakaintindi.

Pamilya talaga minsan at kadalasan source ng problema naming magkakaibigan. May iba't iba kaming personalidad at kailangan kong maunawaan na konteng push pa kay Jen maiintindihan din niya kung ano yung ipinapahiwatig ko sa kaniya.

Kailangan ko siyang intindihin kasi sa ngayon alam 'kong galit pa yung nangingibabaw sa kaniya. At wala naman ako sa puwesto upang husgahan siya.

Seguro sa ngayon, paalala at suporta ang maitutulong ko sa kaniya. At hindi ako nawawalan ng pag-asa na dadating yung panahon na matutunan din niya at maiintindihan din niya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SWDBHCWBWhere stories live. Discover now