It was just a typical day for me, pagkatapos ng klase ay kaagad akong dumidiretso sa pag uwi. I'm not fond of going to places after ng classes ko mas gusto ko pang magkulong sa kwarto at i-stalk ang crush ko magdamag kesa gumala.
Hindi pa ako nakakapag bihis ng uniform ko ay agad na akong sumalampak sa kama at binuksan ang social media accounts ko. Of course kasama na doon ang pag tingin sa mga updates ni crush. You know, priorities. HAHAHA kidding, syempre priority ko din ang studies ko at the same time yung family ko.
I was scrolling through my news feed nang makita ko yung post ng isa sa mga nag su-sponor sa kaniya. It says that you can win a date with Darren Espanto by just doing easy steps given by them. Agad akong na excite sa nakita ko. Well, wala namang masama na mag try diba?
Agad kong sinunod yung mga steps para sa date with Darren, ang swerte naman kung manalo ako diba? Like, di ko ma imagine na makasama siya eh sa maka date pa kaya? and for sure marami ang sasali.
"Tiwala lang Nads! if it is for you, it is for you" pag mo motivate ko sa sarili ko. After kong sumali doon ay nagbihis na ako tsaka sinimulan ko nang gawin ang assignments ko. I belong in the honor's list sa school ko, and I don't want to loose it. Ayoko naman na ma disappoint yung parents ko kaya I'm doing my best sa school ko.
-------------------------------------
"WHAT? sumali ka nanaman doon Nads?" pasigaw na sabi ng bestfriend ko saakin nang sabihin ko sa kanya yung ginawa kong pagsali sa win a date with Darren Espanto.
Napasimangot naman ako dahil doon " Grabe ka talaga sakin Nics, parang di tayo bff ah!"
Natawa naman siya sa naging reaksyon ko" Joke lang naman yun bes. Ang akin lang ay wag kang masyadong umasa na mananalo ka, you know napakarami ng fans ng crush mo!"
I sighed " Nics, if it's for me. It's for me!" Sana naman pagbigyan na ako ni Lord, ito lang namana hinihingi ko eh!
"Eh what if it's not for you? It's not for you talaga" tawang tawa niyang sabi. Nakakainis! kaibigan ko ba talaga to?
"Pero sige bes, dahil mahal kita, tiwala lang makakadate mo siya" sabi niya saakin tsaka binigyan ako ng yakap.
Sumimangot naman ako " Pag ako talaga nanalo doon, who you ka sa akin!"
Maya maya pa ay may isang grupo na puro babae ang dumaan sa harapan namin. They were so loud talking, like duh! nasa loob sila ng school yet kung makapag chismis nila parang nasa park lang sila.
" Omg you guys, I have a very strong feeling na ako ang mananalo sa win a date with Darren. My gosh I can't wait for the announcement!"
"Duh, mas bagay naman kami kesa sayo!"
"Darren doesn't deserve someone like you girl!" sabi nung isa tsaka naman nagsitawanan yung iba pa nilang kasama.
I immediately rolled my eyes on them kahit na hindi naman nila nakikita. Mga feeler! Mas bagay naman kasi kami kesa sa kanilang lahat. Narinig ko naman ulit yung pagatawa ng bestfriend ko na nasa tabi ko ngayon.
"Bes? ano na, laban lang HAHAHAHA" isa pa to eh, kung di ko lang to kaibigan matagal ko na tong sinabunutan.
3 days had passed, today is the day. Ngayon na i aannounce yung napili nila na winner sa win a date. Sa totoo lang kinakabahan ako, alam ko naman sa sarili ko na malabo... malabong ako ang mapili. Sa dinami dami ba naman ng mga babaeng sumali tsaka ano ba naman ang panlaban ko compared to them. Simple lang ako, maybe Darren won't enjoy his date kapag ako ang kasama niya. HAYYS! pero bahala na, if it's for me, it's for me!
After I got home from school ay agad kong inopen ang facebook ko at agad na pumunta sa page kung saan i popost ang nanalo sa win a date. My heart is pounding so damn fast, I don't know pero sobrang kinakabahan ako. Yes, I was really hoping na pangalan ko ang nakasulat sa post na iyon.
