Chapter 68: Shaken Up

59 9 1
                                    

Bumababa siya sa entrance ng building nang natanaw niya kaagad si Zion na nakasandal sa motorbike nito. Suot ulit nito ang sumbrerong binigay niya. Dali-dali niya itong nilapitan.

"Kanina ka pa ba? Sinong inaabangan mo?" pabirong tanong niya.

"May iba pa ba akong aabangan? Unless may umaaway sa'yo." seryosong sagot nito.

Natawa siya. "Wala naman."

"Sakay na." utos nito bago ito sumampa.


Imbes na sa bahay nila siya dalhin ay namalayan na lang niyang nasa harap na sila ng bahay nito.

"Oh, bakit tayo nandito?" takang tanong niya.

"Maaga pa naman kaya dito muna tayo."

"Zion!" Nagulat siya nang may biglang tumawag dito. Hindi nila namalayan ang kotseng huminto sa likuran at nakababa na ang may-ari niyong si Eethan. Nagtatakang ginawaran sila nito ng tingin. "Tama nga akong ikaw 'yan, Cas. Long time no see ah? I didn't expect seeing you together. Kasunod n'yo lang ako." nakangiting sabi nito subalit makahulugan ang tinging iginawad kay Zion.

"Uhm, hello Leader!" naiilang man ngunit binati niya kaagad ito. Pa'no ko i-e-explain ito?

Zion was just facing him coolly. "Let's get inside first."

Nakaalis na si Tiya Belen kaya naka-lock na ang gate. Si Carys na ang nagsara niyon pagkapasok sa motorbike at kotse ni Eethan. Nang lapitan siya ni Zion, bumulong siya rito, "Anong sasabihin ko sa kanya?" kinakabahan niyang tanong.

"Leave it to me." pagkasabi niyon, ito na ang nag-lock ng gate.


Panakaw siyang sumusulyap kay Eethan. Alam niyang na-ku-curious ito sa kabila ng patay-malisya nitong hitsura.

Kailangang magsalita naman ako. Ugh, ano kaya? Isip Carys! Ah! Tama, si Lorei! "Uhm, nga pala, noong huli kaming nagkausap ni Lorei, kinukumusta ka niya."

Napangiti ito. "Ikaw ang kinukumusta niya sa'kin. Magka-chat ulit kami kahapon, hindi ka raw nag-o-online lately."

Naku! Sorry Lorei. Nakagat niya ang ibabang labi.

Pinatong ni Zion ang mga kinuhang bottled juice drinks sa ref saka naupo sa tabi niya. "Kuya, even you're not saying anything, I know nagtataka ka kung bakit kami magkasama ni Cas." saad nito.

Napalunok si Carys at biglang inabot ang nasa tapat niyang bottled juice drink saka uminom.

"We're dating." walang paliguy-ligoy na pag-amin nito.

Dahil doon nasamid siya.

Prenteng hinimas siya nito sa likod. "Look at her, she doesn't want anybody to know. But if I were to say we're just friends and I brought her here, you would think it's weird and worse, you'll think I'm going to do something to her, right?"

Eethan chuckled. "I'm not that judgmental, Zion. Ang defensive mo. Well, I'm not surprised. Kaya pala lagi kang nawawala. And Lorei told me you're helping her about sa previous job niya. So I supposed nitong mga nakaraang araw na hindi ka namin ma-contact, magkasama kayo."

"S-sinabi ni Lorei?" Lorei! Ano pang iba mong binanggit sa kanya?! Pinilit niyang ikinalma ang sarili.

"I'm happy for the both of you. See Zion? I'm right." he grinned before drinking on his bottle.

Kumunot ang noo ni Carys at nilipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Just Another Fangirl Story ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon