The Last Dance 10

115 10 0
                                    

Nasa court na ako pero wala pa rin si Liam.. mukhang nalate lang siya.

alam kung darating siya dahil sinabi niya sa'kin na ipagpapatuloy namin tsaka ayaw naman naming mabigo ang school..

"sorry late ako." si Liam dumating na.

"akala ko hindi kana darating ehh." tanong ko.

"pwede ba namang hindi ko siputin ang princess ko." sabi niya na nakangiti sa akin.

"oo at ikaw lang din kasi ang prince ko eh." sabi ko.

"pakiss nga my princess."

"anu ka hilo.haha"

"wala namang tao ehh. tayo lang naman ang nandito tsaka kissmack lang naman." parang nagtatampo pa. may pa pa-pout pout pa siyang nalalaman.

hindi ko siya pinansin. pero nakita kung lumungkot ang mukha niya.

tumalikod na siya at akmang aalis na.

parang naawa ako sa kanya at nanghinayang..nalungkot din ako..

nakalayo na siya...tumakbo ako at ngayon nakayakap ako sa likod niya.

"wag mo akong iiwan Liam." sabi ko sa kanya.

humarap siya sa akin..malungkot ang mukha niya.

umiling lang siya. bilang sagot. anong ibig sabihin ng pag-iling niya?

naiiyak ako na hindi ko malaman ang dahilan.

"sabihin mo sa akin Liam hindi mo ako iiwan di ba?" ewan ko kung bakit ko 'to natatanong sa kanya. basta gusto ko lang na malaman. biglang tumulo ang luha ko.

pinahid niya ang luhang tumulo sa pisngi ko.

"hindi my princess.. ayaw kung iwanan ka. mahal na mahal kita." sabi naman niya.. yumuko siya..tinitigan ko lang siya..may tumulong luha. umiiyak din ba siya?? bakit gantu ang nangyayari sa amin ngayon napakaemosyonal...

hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para ipantay sa mukha ko.

"i love you my prince ten times ten thousand times."

binitawan ko na ang mukha niya kaya ngayon nakatitig kami sa isa't isa.

pinahid niya ang mga luha niya. linapit niya ang mukha niya sa mukha ko....

he kissed me...

parang langit ang pakiramdam ko..parang ayuko ng itigil pa ang ginagawa niya.. masayang masaya ako dahil sa kanya.. ngayon ko lang naranasan ang gantu. mahal na mahal ko ang lalaking 'to.

****

tatlong araw na kaming nagprapraktis. tatlong araw na din kaming magkasama kahit walang klase magkasama pa rin kami...pero ngayon hindi kami magkasama. sabi niya kasi magpahinga muna kami para bukas ready'ng ready kami tsaka daw para may energy kami.

hindi ko na mapigilan ang sarili kong mahalin lalo si Liam..ayuko ng mawala pa sa akin ang lalaking 'to.

nga pala.. bukas na ang final dance.. parang ngayon palang kinakabahan na ako. finals nga naman. hindi ko nga alam eh iba ang kaba ko ngayon...

.

.

7:30pm palang pero nakapagdinner na ako. wala pa kasi sila mama nasa work pa sila gabi na pag dumating sila.

.

.

.

****

Last Dance (SHORT STORY)-Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon