My journal #1 (My story)
Angelica Gomez is the secret heir of Anton Gomez. Pag mamay ari nila ang halos kalahati ng mga lupain sa mindanao.Real estate Business, Power Energy Supply, Telecommunacations, Mining Business, Condominiums atbp. . Hindi lang sa mindanao sila sikat kundi sa Buong bansa may mga Business din sila sa maynila Malls, Constructions firm and Condominiums. Bakit secret heir? . malaki ang hirap ng ama ni angelica upang mapalago at maparami nito ang mga ari-arian nila. Hindi niya ito basta basta ibibigay sa taong hindi maalam sa buhay at sa syempre sa pagpapatakbo nito. Alam ng mga tao na may anak ang kanyang ama, ngunit ang hindi nila alam ay nasa labas ito ng malaprinsesang buhay nakikihalubilo sa mga simpleng tao. Ang gusto ng kanyang ama ay matuto siya upang pag sa kanya na naipasa ang lahat ng mga ari-arian nila ay alam niya kung paano ito hahawakan at pangangalagaan katulad ng pangangalaga nito dito na akala mo isang anaka na nagsimula sa maliit at napalaki nito ng maayos. 15 anyos palang siya bago siya tumuntong ng kolehiyo ay alam na niya na panahon na upang umalis sa malaprinsesanng buhay. Sa 15 years na inilagi niya sa piling ng kanyang mga magulang naranasan niya ang saya at malaprinsesang buhay ngunit ngayun kailangan na niyang magsumikap upang mapag aral ang sarili niya ng kolehiyo at magsumikap upang mabuhay. Mahal siya ng kanyang mga magulang sa katunayan nga nararamdaman niyang pinasusundan siya ng mga ito. Natatandaan ko ang sabi sa akin ng aking ama, Ang mga bagay na hindi mo pinaghirapan para makamit ay madali rin mawawala sayo. Past forward tayo…. 18 na ako ngayon at dalawang taon na lang malapit na akong magtapos ng kolehiyo, kumukuwa kasi ako ng kursong engineering sa UP Diliman. Nag woworking ako lahat na ata ng trabaho naranasan ko na. sa simula mahirap kasi sanay ako sa buhay na marangya, pero habang tumtagal nagiging maayos naman ang buhay ko nasasanay na ako sa mga paghihirap. Ang pinaka una kong trabaho ay ang pagiging waitress, naging janitress, cashier at marami pang iba. Minsan nga iniisip ko kung san ako kumukuwa ng lakas. Ang kasama ko sa bording house ang kaibigan ko si marnie ka schoolmate ko din siya. Kahit ang kaibigan koo na yun ay hindi alam na ako ay mayaman. Ilang taon ko na din hindi nakikita ang mga magulang ko lagi lang kaming nagkakausap sa cellphone. Dahil nagsara ang pinagtatrabahuhan ko ay napilitan ako maghanap ng bagong trabaho. At ang tanging pwede lang at hindi ko pa nararanasan ay ang pagiging Maid.
Natutuwa ako kasi malaki ang matitipid ko sa pagtuloy ko sa bahay nay un, mukang mababait ang mga magiging amo ko, dahil pumayag sila na mag-aral ako habang nagtatrabaho. Kaso lang di ko akalain na magkakaroon ako ng problema doon, haiys may mga bagay kasi ako na hindi ko maipaliwanag… lalo na ditto sa may bandang puso ko. Lalo na nung nakita ko siya…..(frustrating), yun ata yung emotion na hindi ko pa nararanasan pero alam ko kung ano. Sa bahay na to… naramdaman ko na parang gusto kong bumalik sa dati kong buhay, para makapantay sa lebel nila nang pamumuhay. Kaso hindi pa tapos ang task ko na maghirap-hirapan. At sana wag nila malaman kung sino talaga ako. Haoys mahirap talaga… pero kayak o to isang malakas na……
FIGHTING LYCS!!!!!!
Siguro iniisip niyo na, bakit pa kaya ako kailangan pahirapan ng ganito ng mga magulang ko. Once na maghirap kayo sa buhay at naranasan niyo ang maghiirap. Minsan mahirap, masakit, pero at the end of the day sasabihin mo sa sarili mo na nagging matatag kana. At kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa ng hindi na nakaalalay ang mga magulang. At masasabi mo sa kanila na Salamat dahil kung hindii nila pinaranas sayo ang hirap na yun. Hindi ka matuto sa pagsubok ng buhay. Kaya kahit mayaman kami, gusto sa akin ituro ng magulang ko ang realidad ng buhay. Na ang pera, ay baliwala kumpara sa sakit at paghihirap na makikita mo sa mga mata ng taong nakapaligid sayo . ayaw nilang pera ang magapapatakbo sa sarili ko….
Sana masamahan niyo ako sa masayang biyahe na sasakyan ko………