"O? ANO'NG nginingiti-ngiti mo diyan mag-isa? Porke nandito lang ang pinsan mong hilaw, ganyan ka na makangiti," nagrereklamong sabi ni Szade.
Nasa Paradise View sila dahil si Szade ang naka-schedule na mag-manage sa plantation. Doon dinala si Sugar Ashley para mabago naman daw ang kanyang tanawin. Na hindi naman naging bago sa kanya dahil may napakalawak din silang garden sa France. Ganoon pa man, naa-appreciate pa rin niya ang kagandahan ng lugar. May uniqueness iyon na malamang na napansin din ni Jam kaya nakisalamuha ito sa mga trabahador ng plantation. Hindi niya inaasahan na darating doon si Jam. Sa bahay raw ito unang nagpunta, pero itinuro ni Nana Rosa kung nasaan sila para puntahan siya.
"Hindi, ah!" Bumaling si Sugar Ashley kay Szade. Hindi naman talaga si Jam ang dahilan ng malapad niyang ngiti maski doon siya nakatanaw. Kung alam lang ni Szade ang totoo, malamang na lumobo ang ego nito.
"Tara na lang nga sa office ko at nang hindi laging si Jam ang nakikita mo," nakasimangot na yaya ni Szade.
"Bakit ba masyado ka yatang insecure kay Jam?"
"Ako?" Hindi makapaniwalang itinuro nito ang sarili. "Insecure?" At saka pumalatak. "Bakit ako mai-insecure sa maputlang lalaking 'yon? 'Di hamak na mas guwapo ako ro'n."
Hindi napigilang mapailing ni Sugar Ashley. Maski ilang milyong beses pang tumanggi si Szade, mahahalata pa ring nakakadama ito ng insecurity kay Jam. Nakangiting tinitigan niya si Szade. "Huwag ka na ngang ma-insecure kay Jam. Mas guwapo ka sa kanya."
"Alam kong mas guwapo ako kesa kanya. Pero masyado kayong malapit sa isa't isa."
Tumawa siya. "We're cousins."
"You aren't," giit nito.
"Isipin mo na lang palagi kapag nai-insecure ka sa kanya, na gusto kita. Ibang level na 'yon."
"Hindi nga sabi ako insecure."
Magsisimula na sanang maglakad palayo si Szade nang pigilan ni Sugar Ashley. "Palagi ka na lang nagwo-walk out. And I always have to chase you. 'Di ba dapat ako ang hinahabol mo?"
"Palagi mo kasing pinapasama ang loob ko."
"Ikaw lang ang lawyer na nakilala kong matampuhin."
Nagkamot sa batok si Szade. "Sa 'yo rin lang naman ako nagkaganito. Sometimes, I don't recognize myself when I'm with you."
Tumaba na naman ang puso ni Sugar Ashley sa sinabi ni Szade. At sa sobrang taba na ng kanyang puso, hindi na iyon maka-tumbling kaya nag-palpitate na lang nang husto.
"It's not me, you know? I don't know why..." Hindi naituloy ni Szade ang sinasabi at sinimulang tumalikod.
"There you go again." Pumalatak siya. "Akala ko ba, yayayain mo ako sa office mo?"
"Oo nga pala." Bumalik ito at umaktong aalalayan siya. "Tara na."
Sumunod naman si Sugar Ashley. "Ano ba'ng gagawin natin sa office mo?" tanong niya habang naglalakad sila.
"Magto-tong-its."
"Tong-its?" Clueless na napakunot-noo siya.
"Oo, tong-its. Bakit? May iba ka pa bang gustong gawin?" Ngumiti nang malisyoso si Szade.
Kinurot niya ito sa braso. "Mali ang iniisip mo. What I'm trying to ask is, ano 'yong tong-its?"
"Ah! 'Yon ba? Sayang! Akala ko pa naman, may iba ka pang hihilinging gawin natin."
Dahil sa sinabi ni Szade, kinurot uli ito ni Sugar Ashley. Dumaing na ang binata sa pagkakataong iyon dahil pinong kurot ang parusa niya sa kapilyuhan nito.
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...