PAPALABAS ng ospital si Aleika nang mabungaran sa parking area si Kyle na nakasandal sa hood ng sasakyan nito. Awtomatikong napunit ang kanyang mga labi sa isang matamis na ngiti. Napakahirap yatang hindi ngitian ang guwapong nilalang na ito. Ilang araw na rin ang dumaan matapos siya nitong alagaan. And she really missed him. Hindi na kasi uli nagpakita sa kanya ang binata.
Pagkaalala sa ilang araw na pagiging missing in action ni Kyle, napasimangot siya. Dumeretso na lang siya sa sariling sasakyan na nasa private parking area ng ospital.
Naramdaman niya ang paglapit ni Kyle. At bago pa man niya mabuksan ang car door, agad nitong nahagip ang handle para unahan siya.
"Hindi mo man lang ba ako na-miss? Ilang araw din tayong hindi nagkita, ah?" nagtatampo pang sabi nito.
At si Kyle pa ang may ganang magtampo? Samantalang nagpa-miss ito sa kanya nang sobra.
"Na-miss? Bakit kita mami-miss?"
Napakasarap naman sa ego nito kapag umamin siya.
Kung pinlano mong magpa-miss, oo na. Panalo ka na! Na-miss kita!
"Ilang araw ako sa Macau para sa photo shoot namin. Dito nga ako kaagad dumeretso kasi nami-miss na kita. 'Tapos ikaw..." He paused for some seconds and looked at her. "You look okay. Parang... ah, never mind. Lumabas na lang tayo. It's almost lunch."
Gusto rin niya. Gustong-gusto niya. Pero may tawag pa ng pangangailangan sa kanya. She sighed. "May trabaho pa ako. Pasensiya na."
Tinapik ni Aleika ang kamay ni Kyle na nakahawak sa handle ng car door.
"Pero lunch na. Hindi ka man lang ba kakain?" Humawak uli ito sa handle at tuluyan nang iniharang ang sarili sa pinto ng sasakyan.
"Mamaya siguro. Kailangan ako ng mga pasyente ko." May schedule siya ng check up sa isang public hospital sa Makati kapag araw ng Huwebes. Nagdyu-duty rin kasi siya roon bilang charity sa mahihirap na hindi kayang magbayad sa private hospital pero nangangailangan ng masusing pagsusuri.
Hindi pa rin umalis si Kyle sa pagkakatayo.
Napabuntong-hininga na lang si Aleika. "You take a rest, okay? Mamayang dinner na lang ako sasama sa 'yo."
Kung kagagaling lang ni Kyle sa biyahe, nagpapahinga dapat ito at hindi nangungulit sa kanya.
Lumiwanag bigla ang guwapo nitong mukha. "Talaga? Is it a date?"
Nangingiting napapailing siya. Tinapik uli niya sa braso ang lalaki at sinenyasang umalis sa pagkakaharang sa car door.
"Sabihin mo muna. Date na ba 'yon? Dinner date natin?"
"Ay, ewan ko sa 'yo. Call it the way you want to. Now, get out of my way dahil mahuhuli na ako sa schedule ko. Ikaw naman, magpahinga ka muna at magpapogi."
"Matagal na akong guwapo. Inborn ito." Hinawi ni Kyle paitaas ang buhok na may gel naman kaya wala ring naging silbi ang ginawa. Naka-overconfident mode na naman ito.
But come to think of it, hindi na niya magawang mainis sa ugali ni Kyle. It somehow appeared to her like a jest.
"Oo na. Oo na," pakikisakay na lang niya.
Natawa si Kyle. Sinabi naman ni Aleika ang restaurant kung saan sila magkikita at kung anong oras. Pagkatapos ay umalis na rin ang binata sa pagkakaharang sa pinto ng sasakyan.
"Take care for me, tart," sabi nito pagkasakay niya.
"Ha?" Napakunot-noo siya.
"Tart, short for sweetheart."
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...