PAPASOK si Aleika sa loob ng bahay nang humarang sa pinto si Kyle. Sumandal ito sa door frame at itinapak ang paa sa gilid niyon. Ah, talagang hinarangan na siya. Ano ba ang kailangan nito? Nasa loob ang mga kaibigan ni Kyle na hinainan niya ng pagkain. Lumabas siya sandali para silipin sina Tyron at Gaizchel na nasa garden. Alam niya kasing sa pagitan ng reconciliation, kailangan ang kanyang presensiya. May ginawa kasi siyang pakikialam sa dalawa nang minsang magpunta siya sa Paradise View.
And now that she had served her purpose, kailangan naman niyang harapin ang mga bisita. But not this one. Wala siya sa mood makipagbolahan sa ngayon.
"Galit ka ba sa 'kin, Aleika?"
Tart, baby, at ngayon, Aleika na lang. Ah, para hindi ka mabuko na nalilito ka na sa endearment?
"May dahilan ba para magalit ako?"
"Hindi mo kasi ako pinapansin. 'Buti pa ang tatlong kolokoy na 'yon, pinapansin mo ang pagpapa-cute."
Humalukipkip siya. "They're nice. Sinusuklian ko lang naman 'yon."
"And I'm not nice?" Naglapat nang mariin ang mga labi ni Kyle, sign na parang naiinis.
Hah! Eh, di mainis siya.
"Don't you dare call me 'baby ko.' I'm not your baby!" singhal ni Aleika pagkaalala sa eksena kanina. Naiinis na naman siya. How dare him to play with her feelings?!
"Ayaw mo ng 'tart,' ayaw mo rin ng 'baby.' Ano'ng gusto mo?"
Gusto niyang mapatanga. Hindi nakalimutan ni Kyle ang una nitong endearment sa kanya. Pinalitan lang dahil ayaw niya. Ibig sabihin mali siya? Kung bakit kasi umaarangkada ang pagka-wide thinker niya?
At sino ang makakasisi sa kanya? Kay Jillian na nanggaling, he was a player. At 'yon din naman ang assessment niya kay Kyle. Hindi siya puwedeng magkamali dahil nakikita naman niya sa paraan ng pagkilos at pagpapalipad-hangin nito sa kanya. And plus the fact that he had a face and a charm.
"Mukhang okay na sina Tyron at Gaizchel," mababa ang boses na sabi ni Aleika. Pagod na rin siyang magsungit at ang totoo, ayaw na niyang magsungit. Dahil kusa na yatang sumusuko ang kanyang damdamin. Oo, pantakip lang niya ang pagsusungit kay Kyle dahil natatakot siyang baka isang araw, magising siyang in love na pala siya sa binata. Kung patuloy siyang maiinis kay Kyle, hindi na ito maaalis sa kanyang isip at mas delikado iyon. So she calmed herself. Kailangan, relax lang siya. "Siguro naman, tapos na rin ang misyon n'yo at puwede na akong magpahinga."
"Hindi pa," seryosong sabi ni Kyle.
"Ha?"
"May hindi pa ako nagagawa."
"Anong—"
"Gusto kitang yayaing mag-date uli. Will you go out with me again? Tutal, hindi tayo lumabas kanina."
Dahil hindi ka pumunta!
Pinandilatan ni Aleika si Kyle. "Ngayon?"
Ngumisi na ang binata. "Puwede ring ngayon. Pero mas okay sana kung bukas para nakapahinga ka na at nang hindi ka na nagsusungit."
"Sino'ng masungit? Hindi ako masungit." Mababa na uli ang boses niya.
"Kyle, pare. Bakit mo naman pinag-iinit ang ulo ni Aleika?"
Sabay silang bumaling sa nagsalitang si Wesley.
"Back off, dude," sabi ni Kyle.
Hindi naman nagpaapekto si Wesley, mukhang mas na-encourage pa ngang mang-asar. "Pare, kung paiinitin mo lang ang ulo ng isang magandang babae, mawawalan ka talaga ng pag-asang makuha ang matamis niyang oo." Bumaling ito kay Aleika at umakbay. "'Di ba, Aleika?"
Sasagot pa sana si Aleika nang hilahin ni Kyle ang kamay ni Wesley na nakapatong sa balikat niya. Ngumisi lang si Wesley at nang muling umangat ang kamay nito, bumanat ng pagbabanta si Kyle.
"Gusto mong ikuwento ko kay Lora ang ginagawa mo ngayon, Wesley?"
Agad lumayo si Wesley kay Aleika. "Oy, pikon ka naman, pare. 'Wag ganyan. Ang ganda kasi ni Aleika, kasingganda ng Lora ko. Nami-miss ko na ang mahal ko kaya nakikita ko siya dito kay Aleika. Teka, uuwi na nga ako at nang masilayan ko na ang original kong mahal."
Hinawi sila ni Wesley at dere-deretsong lumabas ng bakuran.
Napatawa tuloy si Aleika. "That's sweet of him." Seeing a guy like Wesley, na pagbantaan lang na isusumbong sa babaeng mahal nito ay agad na titino. Hindi ba nakakatuwa?
"Sweet? Ano'ng sweet do'n? Babaero ang isang 'yon," asar na sabi ni Kyle.
Napabaling siya rito. "At ikaw hindi?"
"Nagtino na ako." Pumalatak si Kyle, seryoso na naman ang mukha. "Nang makilala kita, kinalimutan ko na ang mga babaeng sumasamba sa kaguwapuhan ko. Ang sabi ko, ako naman ang sasamba sa isang kalahi ni Eba. At siyempre, ikaw lang 'yon."
Hindi masabi ni Aleika kung seryoso si Kyle sa sinasabi o may halong biro. Bumibigay ang puso niya pero ang utak naman ay nagwa-warning. Ang mga ganoong banat kasi, banat ng mga playboy. Paanong hindi siya mag-aalala?
"Lei." He sighed again. "Gusto kitang maka-date, 'yong special date. Baka naman puwede mo akong maisingit nang ilang oras sa hectic mong schedule?"
She looked at his handsome face while her heart kept on telling her she should agree with him.
"Please?"
Napabuntong-hininga na lang si Aleika. Ano pa nga ba? She wanted to be with him. She liked the idea of them being together. And she thought she was starting to like him. Maski kasi anong pagbabantay at pagbabakod sa kanyang puso, hindi niya tuluyang mapigilan. Masisisi ba siya? Napakahirap na hindi magustuhan si Kyle. At kahit pa may-pagka-playboy, siguro naman mapagbabago niya ito.
"Okay," sa wakas ay sagot niya.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Kyle. Napatuwid pa ng tayo. "Totoo?"
"Kung hindi ka pa nadadala sa first planned date natin."
Sa palagay nga niya, mas magandang hindi nagplano si Kyle na mag-date sila. Nang humiling kasi ito ng date, hindi natuloy. Pero kapag bigla na lang itong sumusulpot sa harap niya at niyayaya siyang lumabas, parati namang natutuloy. Kaya ngayon, sisiguruhin niyang matutuloy na ang planadong date. Iyon ang magiging official date nila. They will go out together, eat together, and chat all they wanted.
"Sinabi ko naman sa 'yo na naiintindihan ko ang nangyari at may obligasyon ka sa mundo. Handa naman akong makipila sa mundo para sa kaunting oras na maibibigay mo sa akin."
Aleika couldn't help but smile. This guy was amazing. Sa kabila ng lahat, handa siya nitong unawain. And she liked him. Or maybe, she already loved him.
"Una na kami sa inyo ni Tyron," paalam ni Rocco. Kasunod nito si Szade.
Tumango lang sila sa dalawa.
"Grabe. Hindi ko akalaing ginawa natin ang ka-corny-hang 'to," narinig pang reklamo ni Szade.
"Ganoon talaga. Alangan namang hindi natin tulungan ang nababaliw nating kaibigan," sabi naman ni Rocco.
"Susunod na siguro si Kyle. Ano kayang kahibangan ang ipapagawa sa 'tin ng isang 'yon kapag siya naman?"
Napatingin si Aleika kay Kyle. "Ano'ng pinag-uusapan nila?"
"Pinagpaplanuhan nila ang paglagay ko daw sa tahimik," biro naman nito. "So, tomorrow then?"
"Yeah." Tumango siya. "Tomorrow night."
Niyaya na ni Tyron si Kyle para umalis na. Kita naman kay Gaizchel ang walang pagsidlang kaligayahan.
"Bukas, ha?" paalala pa ni Kyle. "Huwag mong kakalimutan."
Tumango uli si Aleika. "Sige na. Ipag-drive mo na si Tyron at baka hindi na 'yon makauwi."
Tumalikod na si Kyle at sumama kay Tyron palabas ng gate.
Sobrang excited siya para sa date nila, na parang gusto na niyang hilahin ang oras para makasama na niya bukas si Kyle.
&g\
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...