"OH! HELLO, Lei. Nasa veranda silang lahat," nakangiting bati ni Kyle.
Tumango lang si Aleika. Ano ba ang dapat niyang isagot? Mukha namang istorbo lang siya sa dalawa habang naglalambingan sa pagbaba sa hagdan. Baka nga ang gustong i-imply ni Kyle, lumayo na siya roon. Posible ring dala lang ng kagandahang-asal kaya siya binati. Hindi ba wala nga silang pansinan?
Kaya naman pala nagpa-discharge ka kaagad! Dahil may mag-aalaga na pala sa 'yo! ngalingali niyang isigaw sa pagmumukha ni Kyle.
Pero hindi naman puwede. Magmumukha lang siyang tanga sa harap nito. And besides, siya rin naman ang dahilan ng paghihiwalay nila. Kaya ano ngayon at mag-iinarte siya? Hindi naman porke hindi siya nakikipagrelasyon sa iba, hindi na rin manliligaw ng iba si Kyle. Hindi hihinto ang mundo nito para hintayin siya.
But hell! She was starting to lose her mind seeing him here.
"All right, thanks," walang anumang sabi na lang niya, saka tumalikod. Hindi na niya matagalang makitang may ibang nakahawak sa braso ni Kyle.
Walanghiyang lalaki 'to. Talagang idini-display pa sa harap ko ang mga babae niya!
Nah! Stop it, Aleika! 'Di ka na dapat nagpapaapekto sa mga nakikita mo!'
Kung bakit ba naman kasi parang pinipiga ang puso niya habang nakikita si Kyle at ang babaeng nakapulupot sa braso nito. She was the one who was supposed to do that! Siya ang dapat na nakaabrisete kay Kyle.
"Let's go, Lexa," yaya ni Kyle sa babae.
Hindi nakatiis si Aleika, lumingon siya. "Ah... Kyle? Saan nga pala kayo pupunta? 'Di ba nasa 'taas ang mga nagpa-party?"
Gusto niyang sampalin ang sarili. Deep inside her, gusto niyang pigilan ang dalawa na makalayo. Pero ano ba ang pakialam niya kung gustong magsolo ng mga ito?
"Diyan lang sa plantation, naiinip na ako do'n sa itaas."
Do something to make him stay. You work, stupid brain!
"'Di ba ilang araw pa lang since the accident? Hindi magandang pinupuwersa mo nang ilakad ang paa mo. Baka sa halip na gumaling agad 'yan, sumariwa uli ang internal damage ng paa mo," lakas-loob na sabi niya. Tumaas ang isang kilay ni Kyle, mukhang hindi inaasahan ang kanyang sinabi. Kung bakit kasi sinabi pa niya iyon? Ano ba ang pakialam niya? "I'm sorry. Masyado na yata akong nanghihimasok. Sige, bahala ka nang gawin ang gusto mo," bawi niya. "Ninyo, rather."
Tumalikod na uli si Aleika at dumeretso sa second floor ng pavilion house. Agad siyang sinalubong ng naggagandahang asawa at fiancée ng apat pang co-owner ng Paradise View.
"Where have you been? Kanina ka pa namin hinihintay, ah," bungad ni Gaizchel.
"May dinaanan lang kaya medyo natagalan," pagdadahilan niya.
Ang totoo, nagdalawang-isip pa siya sa pagpunta sa Paradise View kahit noong nakaraang araw pa niya gustong-gustong alamin ang kondisyon ni Kyle. Magiging sentro na naman kasi sila ng tuksuhan.
"Tara. Kain ka muna. Nasaan na nga pala si Kyle?" kunwari ay painosenteng baling ni Lora sa mga kasama.
But Aleika knew better. They only wanted to tease her. Gusto pa rin ng mga itong magkaroon sila ng relasyon ni Kyle. And she wanted it, too.
What?!
What had gotten her now? Hindi puwede ang gusto niya.
"Lumabas sila ni... n'ong Lexa," sagot niya na naalala ang pangalang binanggit ni Kyle kanina.
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomantizmRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...