NAGULAT si Aleika nang bigla na lang siyang kabigin ni Kyle sa batok. She knew he will kiss her and she didn't want to refuse. She wanted him to kiss her, to feel him again. Pero agad din naman niyang napigilan ang nararamdaman nang maalalang hindi tama ang gagawin nila.
Agad siyang kumawala kay Kyle at inayos ang sarili.
"I think I have to go. Kung may kailangan ka regarding your medical problems, just give me a call. Maraming magagaling na specialist ang RMC." Tumikhim siya para maalis ang kung anong nakabara sa kanyang lalamunan. "Sige, ha. Aalis na ako." And she started to walk away from him.
"Can we still be friends, Lei?"
Friends? No! I don't want you to be my friend, I want you back.
Back? Para namang may nakaraan nga kayo?
I mean, I want him for myself...
Napakagat-labi si Aleika. Walang ibig sabihin ang pagtatangka ni Kyle na halikan siya. Or maybe, he was just trying to lure her, or challenge her, or whatever fucking thing he was up to. Hindi na tulad ng dati ang interes nito sa kanya. Tinging pangkaibigan na lang ang meron sa pagitan nila.
He was offering her friendship and nothing more. Napakatanga naman kasi niya. Bakit ba niya pinakawalan noon si Kyle? Pero kung hindi niya ito binitiwan noon, baka ang kapatid naman niya ang nawala sa kanya.
"S-sure. Nahihirapan din naman ako na nag-iiwasan tayo. After all, may pinagsamahan din naman tayo." Lumingon si Aleika at pilit na ngumiti. She was trying to tell him she was all right with his offer.
"Can I hold you?"
Nakikiusap ang mga mata ni Kyle na para bang nananabik na muli siyang mahawakan. O baka naman she was just imagining that.
"Wala naman sigurong masama kung yakapin ko ang isang kaibigan. And I promise that I would never court you again. I can assure you that. Basta huwag mo na lang uli hihilingin sa 'kin na lumayo sa 'yo."
"I have to go na talaga, Kyle."
Tumalikod na si Aleika pero hindi naman nakatiis at muling bumalik. She gently rewarded him with a peck on the cheek. Iyon lang ang dapat niyang ibigay. He was just a friend. And she didn't know how long she will ever survive with that thought.
"HUWAG mo nga akong nilalandi, Kyle. Dagdagan ko pa 'yang injury sa paa mo dahil sa ginagawa mo, sige ka," natatawang saway ni Aleika. Panay kasi ang pangungulit ni Kyle habang inaayos niya ang benda ng paa nito.
Ang magaling na si Doktora Laroza, pilit siyang binitbit at isinama sa Paradise View para sa every other day check up ni Kyle. Minsan nga, gusto na niyang maasar sa pangingialam ng mga tao sa paligid sa buhay-pag-ibig niya. Pagkatapos ng huling eksena nila ni Kyle sa duyan sa ilalim ng punong-mangga sa plantation, lalong umugong ang panunukso sa kanila ng lahat.
Kumalat pa iyon hanggang sa RMC kaya marami na ang nagtatanong kung sila na ni Kyle. Mabilis kasing naikalat nina Lora sa mga mutual friends nila ang tungkol sa eksenang iyon. Kaya heto ngayon si Dr. Laroza, nakikipagsabwatan sa mga taga-Paradise View. Iniwan pa talaga sa kanya ang pag-aayos ng benda ng paa ni Kyle. Ang magaling na lalaki naman, mukhang tuwang-tuwa na pinagkakaisahan at ibinebenta sila sa isa't isa, gayong kanina lang ay nakasalubong niya ang nurse nito. Akala ba niya sesesantehin na ni Kyle si Lexa dahil mas gusto nitong doktor na tulad niya ang mag-aasikaso rito?
Naiinis tuloy siya dahil mukhang wala namang balak na pakawalan ni Kyle ang babae. Ano pa ba ang inaasahan niya? 'Di ba sinabi na nga ni Gaizchel na walang pinapalagpas na babae si Kyle?
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomansaRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...