NAPAPANGITI si Kyle habang pasimpleng sinisilip si Aleika na nakatayo sa gilid ng door frame. Nakasimangot ito habang nakasulyap sa kanila ni Shasha, isa sa mga model niya na kausap niya sa veranda. Narinig niya kasi ang pag-uusap ng magpinsan sa outdoor living area. Nalaman niyang gumagawa ng kuwento si Gaizchel para lang mapalapit sila ni Aleika sa isa't isa—which was actually a great idea.
Walang katotohanan na maraming babaeng basta na lang sumusugod sa Paradise View at hinahanap siya dahil matagal naman na siyang huminto sa pakikipag-flirt sa mga babae. Isa lang ang kailangan niya: ang bumalik si Aleika sa kanya.
Kaya nga agad niyang kinontak ang mga model niyang babae para dalawin siya sa Paradise View. Kinausap na rin niya si Lexa na magkunwaring sweet na sweet sa kanya. Kaya bago pa man makaalis si Aleika kasama ni Doktora Laroza, nag-uumapaw na ang mga babaeng nakapaligid sa kanya. Hindi naman siya nabigo dahil nagpaiwan si Aleika roon. Maybe she wanted to witness if Gaizchel was telling the truth. Ganoon na lang din ang pagkagulat ni Aleika nang magkalat sa paligid ang mga model. Inakala pa nga ni Gaizchel na may biglaang photo shoot.
Kung malalaman lang sana ni Aleika na hindi niya magawang mag-move on sa panre-reject nito sa kanya. That he was just trying to appear happy and he kept on going, para naman kahit paano ay maisalba niya ang sarili. Kaya nga ngayong nagkaroon siya ng magandang idea para mai-test ang estado ng damdamin ni Aleika, agad-agad siyang kumilos.
Ewan ko na lang kung hindi ka pa magselos, Aleika.
"Kumusta naman ang paa mo? Nami-miss ka na naming lahat. Wala nang makulit na photographer sa photo shoot namin," malambing na sabi ni Shasha.
Nasabihan na ni Kyle si Shasha sa dapat gawin at mukha namang magaling ito. May pahimas-himas pa sa kanyang braso, na alam niyang hindi magugustuhan ni Aleika. He knew how possessive Aleika was. Noon pa man, galit na galit na ito kapag may ibang babaeng humahawak sa kanya.
"Nami-miss ko na nga rin kayo. Sana nga, gumaling na ang paa ko." Napatingin siya sa kanyang binting nabawasan na ang pamamaga.
"Masakit pa ba? Bakit kasi hindi ka nag-iingat? 'Ayan tuloy, nabawasan ng guwapo sa Aragon Media."
"Don't worry, babe, babalik naman ako as soon as makaya ko nang maglakad nang walang saklay." Inabot pa niya ang mahabang buhok ng modelo at saka hinawi. Nagpapa-sweet lang para lalong asarin ang nakasimangot na si Aleika.
"Hindi ka ba nabo-bore? Sound trip kaya tayo? Ang tahimik kasi dito."
"Sige ba. Kaso wala dito 'yong iPad ko. Nasa room ko."
"Do you want me to get it for you?"
"No." Walang ibang babaeng pinapapasok si Kyle sa kuwarto niya sa pavilion house. Si Aleika pa lang. At ito lang ang bibigyan niya ng privilege na iyon. "Kakantahan na lang kita. Maganda naman ang boses ko."
"Oh! That's so sweet of you, Kyle," ngiting-ngiti pang sabi ni Shasha, saka lumapit nang husto sa kanya. Kung si Aleika 'yon, kakabigin niya ito sa baywang. Pero hindi niya magawa ngayon, dahil hindi naman ito si Aleika. Kaya umakbay na lang siya kay Shasha at kumanta. Humilig naman ang babae sa kanyang balikat.
HINDI na nakapagpigil si Aleika. Nanggigigil na lumapit siya sa mga naglalampungan sa couch sa veranda. Kanina pa siya nagngingitngit. Hindi naman niya akalaing nagsasabi pala ng totoo si Gaizchel. Malay ba niyang totoong bumalik sa dating ugali si Kyle? Kanina lang, siya ang nilalandi nito, 'tapos ang nurse na si Lexa. At ngayon naman, nagkalat sa paligid ang mga babaeng sumugod doon para pagkaguluhan si Kyle. At ang sobra niyang ikinaiinis, napaka-receptive ni Kyle sa lahat ng babae. Maging ang mga gestures nito sa kanya noon, ginagawa rin nito sa mga babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...