"ANO NA naman ang nangyari?"
"Ano'ng ginawa ni Kyle?"
"Walanghiyang lalaki 'yan, kagagaling lang ng paa niya, ah! Nagpapakamatay ba talaga siya?"
"Ako na ang sesentensiya sa kanya mamaya."
Apat na boses ng mga nag-aalalang lalaki ang naririnig ni Aleika sa labas ng emergency room. Kaninang isugod nila sa ospital si Kyle, kaagad niyang ipinakontak sa isang nurse ang mga kaibigan nito. Ayon kay Gaizchel, nasa New York ang pamilya ng binata kaya kapag nagkaproblema, parating ang mga kaibigan nito ang pinatatawagan.
"He's fine," pagod na sabi ni Aleika at naupo sa isa sa mga bench na nakahilera sa labas ng ER. "Ililipat na siya sa private room in a minute."
Pinagitnaan siya nina Gaizchel at Shane. Inalo siya ng dalawa sa pamamagitan ng paghagod sa kanyang likod.
"Labas muna kami. Mag-iisip pa kami ng isesermon sa kaibigan naming 'yon."
"At magyoyosi na rin."
Nang makalabas ang apat na magkakaibigan, saka naman inilipat si Kyle sa private room. Sumama na rin sila sa paglilipat. Hindi niya kayang tingnan lang si Kyle habang natutulog sa hospital bed. Lumapit siya roon pag-alis ng mga nurse. She held his hand. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung hindi niya nailigtas si Kyle. Siya ang may kasalanan kung bakit ito napahamak.
Gaizchel and Shane joined her near Kyle's bed. They comforted her. Mabuti na lang at nasa malapit lang ang mga ito nang mangyari iyon. Nasa date pala sina Shane at Rocco nang gabing iyon. Pauwi naman sa pad sina Gaizhcel pagkatapos bisitahin ni Tyron ang negosyo nito. Hindi niya kasama si Sugar ngayon dahil nasa ibang bansa na uli ito at si Lora naman ay hindi na isinama ni Wesley dahil hindi raw gaanong maganda ang pakiramdam nito.
"Mabuti na lang at ikaw na ang nag-handle kay Kyle ngayon."
"What do you mean, Gaizchel?" tanong ni Shane. "'Di ba si Aleika ang isa sa pinakamagagaling na doktor ng RMC? Of course she would handle Kyle's case."
Sasagot sana si Gaizchel pero pinisil ni Aleika ang kamay nito para pigilan. "Ako na," sabi niya, saka bumaling kay Shane. "Siguro nga akala ng iba, isa ako sa pinakamagagaling."
"Pero magaling ka naman talaga. Maraming puwedeng magpatunay niyan."
"But not my family."
"What?" nalilitong tanong ni Shane.
Bumuntong-hininga si Aleika. Maski paano kaibigan na rin niya si Shane. Mabait ito at hindi magiging kasundo ni Gaizchel kung hindi ito mabuting tao. Besides, she thought she needed to loosen up. Nahihirapan na rin naman siyang sarilinin ang kanyang dilemma.
"Years ago, my father and my brother had a car accident. Dahil masyado akong nagmagaling noon at confident sa kakayahan ko, akala ko, kaya ko silang iligtas. Pinilit kong akuin mula sa mga doktor na kasama ko ang pag-aasikaso sa kanila. I thought I can save them because I have enough knowledge and ability. Hindi ako matatawag na isa sa mga nangungunang doktor sa bansa kung hindi sapat ang kakayahan ko. But then I lost them." Napahikbi si Aleika sa pag-alala sa nakaraan.
It had been a very hard time for her. Remisnicing the past seemed like killing her. Hindi niya makakalimutan ang labis na kalungkutan ng mama niya at ni Allina nang mga panahong nakaburol na ang kanyang ama at kapatid. Hindi niya mapatawad ang sarili. Maski sinabi na ng mga nurse at ng isa pang doktor na kasama niya sa ER na wala na ang pasyente, hindi niya tinigilan. Salit-salitan siya sa ama at kapatid sa pagpipilit na i-revive ang mga ito maski sumuko na ng kasama niyang doktor. Hindi niya matanggap na nagagawa niyang magligtas ng buhay ng iba pero ang sariling pamilya, nawala sa mismong mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomanceRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...