Prologue

3 0 0
                                    

A YOLO kid deserves to have answers on his or her curiosity.
'Yan ang paniniwala ng magkakaibigan na sila Mishley, Eliah, at Zero.
Pero alam naman ng karamihan na lahat ay may hangganan.
Pero ang tanong... kailan?
Maski ang nagsusulat nito, hindi rin alam kung hanggang kailan. Basta ang sigurado lang, maaring maging bahagi ka rin ng kwento nilang tatlo. O makita mo ang sarili mo sa kanilang katanungan.
'Yun ay kung sasamahan mo sila sa pagtuklas.
Alamin kung anu-ano ang kaya nilang ibigay para sa karunungan... o sa pag-ibig?

KAJAAAAAAAAAA !! (TARAAAAAAAAAA!!)

---

Mishley Cuencabella. 15 years old. Single. Pilar, Bataan.
A solid YOLO kid.

Ang babaeng papasikat pa lang ang araw, 'lakwatsa' na ang ginagawa. 'Yun ang alam ng mga taong nakapaligid sa kanya. At nakakamangha na suportado naman sya ng kanyang pamilya — lalo na ang lola Corazon nya — na sa todo ang pagsuporta, pinayagan na rin syang bumukod ... kahit sa kabilang bakod lang din naman ang biniling bahay para sa kanya.
Her phone is ringing. "Oy, handa na yung almusal." inaantok pang sabi ng kuya Jin nya.
"Ge. D'yan ako kakain." then she hanged up.
"A brand new day to learn something new." aniya habang nagmumuni-muni sa kanyang higaan kung ano na namang gagawin nya sa mga nakasulat sa planner nya.
Hanggang sa bumangon na sya sa kanyang higaan nang may blangkong ekspresyon sa kanyang mukha at nagtungo sa banyo para gawin ang mga dapat gawin.
Sa dami ng kanyang pinaggagawa, ewan ba nya kung bakit ni isa sa mga ito, wala pang nagpamangha o nagpatalon man lang sa puso nya. Pero okay na rin, kasi kahit paano may mga natutunan naman sya at magandang senyales din yun para sa kanya kasi marami syang nagagawa kahit bata pa sya.
Nang matapos na syang magbihis, pumunta na sya sa kabilang bahay, dala-dala ang planner nya.

"Kuya, anong almusal?" tanong nya habang papunta ng kusina. Ang kuya Jin naman nya ay abalang nagtitimpla ng gatas para sa kanya. "Ano ba gusto mo?" aniya pagkalapag ng tasa sa mesa. "Akala ko ba may nakahain na?" walang ganang tanong nya habang buklat buklat ang planner nya at humihigop ng gatas, "Pero sige, kuya kahit ito na lang tapos hiramin ko muna si Curt ng isang linggo ha?" aniya habang ang kuya Jin nya ay napaupo na lang bigla sa katapat nya lang na upuan.
"At bakit ko naman ipapahiram sa'yo ang 'anak' ko?" nanlalaki pa ang mata nito nang ipakita ni Mishley ang mga naka-bilog sa planner nya. "May one week pa naman bago ang pasukan kaya pumayag ka na. Ipinaalam ko na kina papa ang mga naka-encircle na yan at pumayag na sila kaya pumayag ka na din." parang walang gana nyang sabi na para bang piso lang yung hinihingi nitong pabor.
"Pa'no ka magpapaalam e wala naman sila ngayon sa bahay?" naiirita na tanong nito na parang wala ring sense para itanong pa kung si Mishley ang tatanungin nya.
"Um, may wi-fi na po sa panahon ngayon kung hindi mo alam?" lalo naman nagsalubong ang kilay nito at nilagok ang ginawang gatas para dapat sa kanya.
"Ilalakad kita kay Zero." naibuga naman nito ang gatas pagkarinig ng pangalan ng kaibigan nya at parang nangislap naman ang mata ng kuya nya sa kanyang kondisyon pero di pa rin kumbinsidong iling ang sagot nito, "Hmm, a date for 2? Sagot ko na kahit saan pa—" "DEAL!" parang bata na kinamayan pa sya ng kuya nya at iniabot na ang susi ng pinakamamahal nitong kotse. Walang kaso naman na magmaneho sya kahit gaano kalayo dahil may lisensya na sya.
Her phone rang, "Hey Mish, anong oras tayo mamaya?" it's Zero, she mouthed to her brother. Ang ulupong, pina-loud speaker pa para marinig ang boses ng bestfriend nya.
"Hmm, maybe 10 AM? Be ready." sinundan pa sya ng kuya nya hanggang sala para marinig ang boses ni Zero.
May HD kasi ito sa kaibigan nya, hindi mapormahan kasi 'iba' daw ito sa mga babaeng umaaligid dito.
"Ano bang activity natin buong linggo?" medyo naiirita na sya sa sobrang dikit ng kuya nya kaya siniko nya ito. "Camping. Tell Eli na dalhin yung tent na ginamit natin last time na nagswimming tayo ha?" "Aye aye boss! Bring your camera, too ha? Ciao!" then Zero hanged up. Di na nya pinaalalahanan ito kung ano pa ang mga dadalhin nila at alam naman ng mga kaibigan nya ang mga kailangan lang dalhin.
"Sama ako?" sabi ng kuya nya habang nagpapa-cute pa. "No. Stay here at wala ring tao sa bahay ko. Grow up, kuya." hinaplos nya pa yung buhok nito hanggang sa magmukhang pugad saka nya ito iniwan nang inis na inis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

But... How?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon