Chapter 3

287 20 21
                                    

Salamat sa mga nagbabasa ng story ko. Sana po may mabasa akong feedbacks galing sa inyo! :) Enjoy! OMG. Nakita na ni Francesca Santos itong story ko! I'm so happy! <3

_

 

 

Chapter 3

 

 

 

“Miss. May problema ka?” pamilyar ang boses niya, sobrang pamilyar. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

 

Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko nang makita ko si… si Ken na nakatayo lang eksaktong sa likuran ko. Tinignan ko saglit ang porma niya at kapareho pa rin ng suot niya kanina habang nag jo-jogging siya. Tumayo ako agad at marahang pinagpagan ang sarili ko. “Ah—i-ikaw pala.” nakatungo kong sabi sa kanya.

 

Napansin kong hindi siya nagsalita kaya naglakad na ako papabalik sa may sementong daan. “Uuwi na ako.” sabi ko nang malagpasan ko na siya. “Te-teka lang!” lumingon ako at nakita kong napakamot siya ng ulo niya.

 

“Ano?”

 

Lumapit siya sa akin habang nakasuksok ‘yung kamay niya sa bulsa niya. “Eto oh,” nagulat ako nang inabot niya sa’kin ang isang puting panyo. Ngayon ko lang namalayan na lumuluha pa rin pala ako at siguro nakita niya ito. “Para sa’n ba ‘to?” nagtataka kong sabi. Hindi naman ako bobo para tanungin siya kung para sa’n ang panyo niya pero nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako binibigyan ng ganito.

 

“Punasan mo mga luha mo miss, hindi bagay sa’yo ang umiiyak.” ngumiti siya saglit at iyon na rin ang naging hudyat para kunin ko ang panyo niya. Idinampi ko ito sa aking mga pisngi at tuloyan nang pinahiran ang aking mga luha. “Hmm, hmm… Sorry ha. Eto oh, tapos ko nang punasan.” inabot ko ulit sa kanya ang panyo niya.

 

Nagulat ako nang hinawakan dalawang kamay niya ang nakalahad kong kamay sa harapan niya. Tinignan niya ako sa mga mata, “Sa’yo na ‘yan… Ayokong nakikita kang umiiyak kaya ibibigay ko na sa’yo ang panyo ko.”

 

Napatango ako at ngumiti na rin. Naalala ko ‘yung inasal ko sa kanya kanina nung sinabayan niya ako sa pag jogging, hindi pa pala ako nagpapakilala sa kanya. “Jane nga pala.” inabot ko ang kamay ko sa harapan niya at napansin kong napangiti na rin siya.

 

//

 

Type. Type. Type.

 

Alas nwebe na ng gabi pero nakaharap pa rin ako sa computer. Alam kong dapat na akong matulog dahil may 7AM class ako bukas pero pinili kong magresearch. Sinusubukan kong tignan ‘yung mga results nung pinaka latest news last week. ‘Yung kapatid ni Billy Fernandez. Ilang araw na rin kasi itong trending sa social networks at naiintriga na talaga ako kung sino ‘to.   Marami rin akong nakitang hakahaka, sa mychoss.com, sa push.com at sa iba pang showbiz related sites. Sinasabi nila na ‘Brena’ daw ‘yung pangalan ng kapatid ni Billy. May isang article din na nagsasabing ‘Carla’ meron ding ‘Johanna’. So ibig sabihin, babae nga ‘yung nawawalang kapatid niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Long Lost Sister of Billy FernandezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon