#firstsilay

15 0 0
                                    

                                                            " You got me at hello.."

 

"Pwede bang bilisan mo kumilos? Marami pa tayong dapat ayusin pagdating natin dun, ung mga requirements mo inihanda mo na ba kgabi?" sunod sunod na sigaw ng mommy niya mula sa ibaba ng hagdan. today is the assigned registration ng mga transferees at ng mga incoming first year students.

"opo! pkitingin nga po jan sa may dining table kung naiwan ko ung celphone ko, hindi ko po makita dito." sigaw din nyang sagot sa inang nagmamadali.

"Jenny! Bilisan mo nman Baka hindi na tayo umabot sa cut off ng lunch ang haba ng oras ng paghihintay na naman un!" muli nitong sigaw habang tumutulong sa paghahanap ng nawawalang cellphone ng anak. Kasabay non ang pagpasok ng kuya niyang hawak ang cellphone nya. " Ano ba nman kuya kanina ko pa to hinahanap nasa iyo lang pala!" sabay hablot ng cellphone niya " mamaya kung ano ano nnman ang pinagagawa mo dito ha!?" sabi nya dito habang chinechek ang cellphone.

" wala, nkitxt lang ako kinuha ni mommy ung cellphone ko eh, importante lang." depensa nito sa sarili. " hahahaha gimik pa!!" pangaasar nya sa kapatid na grounded dahil sa gumumik ng hindi nagpapaalam at umuwi pa ng lasing. "gimik tayo mamaya? ano? game ka?" siko nya dito sabay iwas sa nakaambang batok ng kuya niya.

"jenny ano ba?!!" muling sigaw ng mommy nya .

"andyan na po!" sagot nya habang nagmamadaling lumabas ng kwarto nya habang nakadila sakanya ang kapatid..

 Time check: 9:00 am, pero bakit parang walang gaanong tao? naisip niya, pagdating nila sa school pumunta agad sila sa registrar pero bakit walang pila? iilang tao lang ang nandoon bigla tuloy siyang nagduda kung tama ba ang date ng pagpunta nila,pero malinaw naman ang date na nakatatak sa slip na hawak niya May 2,2014 8:00 a.m. Pati mommy parang nanibago sa dati kasi nyang school super duper haba ng pila pagdating ng enrollment. Dumeretso sila sa babaeng nsa loob ng glass window upang magtanong

." Miss? can i ask u something?" sabi nya sa may butas ng salamin, tumango nman ito."I'm an incoming first year, this was sent to me thru email a few days ago" sabay taas sa printed enrollment slip na hawak niya." what do i have to do first?" tanong niya dito, inabot nito ang slip sa isa pang butas sa may bandang baba ng salamin, tinignan sandali at binalik sakanya. " go there, you're already 30 minutes late.." sabay turo sa malaking pinto sa may  dulo ng hallway na may markang

                                                           "KEEP OUT AUDITIONS ON GOING"

patay kang bata ka! Hindi siya nakapaghanda!

 

Marahan siyang kumatok sa pinto na itinuro sakanya, mayamaya ay may dahan dahang nagbukas dito mula sa loob, at may isang matandang babaeng lumabas.

"can  i help you, hija" tanong nito

 "i'm sorry, maam, but i was told to go here." kinakabahang sagot niya. inabot niya dito ang slip na hawak nya. pagkabasa nito ng slip ay binuksan nito ang pinto at pinapasok siya sa loob. tumungin siya sa ina na nasa likod nya

" i'm sorry but companions are not allowed inside only those who will audition". wika nito ng makitang nagaatubili siya at nginitian nito ang kanyang mommy.. "you can wait there" turo nito sa katabing silid. Tinanguan siya nito at tuluyan na siyang pumasok sa loob.

Sa loob ay namangha siya sa ganda ng silid na pinasok nya mas malaki pa ito sa isang sinehan at sa bandang harapan ay may isang malaki at modernong stage kung anong dilim ng pintong pinasok nya ay siya namang liwanag sa  parteng iyon na para bang lahat ng ilaw ay dun nakatutok, nung oras na iyon ay may isang babaeng nahaba ang buhok at may makapal na salamin ang kasalukuyang tumutugtog ng cello, 'Prayer' by Ernest Bloch, She chose a very beautiful piece for the audition. She said to herself, Bigla tuloy nyang naalala..

Anak ng Cello! Wala siyang dalang instrumento!

 Hindi nya alam na kelangan nyang magaudition ngayong araw na ito. Oh my God! anong gagawin nya? Bigla siyang nagpanic attack.. tamang tama ang lapit nung babaeng matanda sakanya upang sabihin na pang apat siyang sasalang. siya na ang huli.

" excuse me maam, actually i was not informed that i'll be auditioning today so i didn't bring any instruments.." nahihiya nyang pagamin "is there any available instruments i can borrow? tanong nya dito.

Nanlaki ang mata nito sa pagkabigla " What? you're not ready?" "hija this is a one shot chance so how can u be not ready?" mas nagpapanic pa yata ito kesa sakanya. " Don't worry ma'am, i won't waste this chance, so please can you lend me any instrument?" muli nyang tanong dito.

" why? do know how to play all instruments? "  nagtatakang tanong nito.

" Not all maam, except the electric guitar and drums.. its too noisy for me." natatawang sagot nya dito.

Doubt yun ang nakita nya sa mga mata nito, bagamat hindi siya handa, may talent nman siya kahit papaano, at kung hindi dumaan sa trahedya ang pamilya nya nito lang mga buwang nakalipas malamang ay tinanggap nya ang inoffer sakanyang scholarship sa venice, hindi naman kasi halata mas mukha siyng punkista kesa musikera. umalis saglit ang matanda, pagbalik nito ay pinapunta siya sa likod upang pumili ng instrumento sa mga naroroon.

 Superlamig sa lugar na iyon, mukha itong museum na punong puno ng ibat ibang instrumento, hay ang gaganda, mula sa mga lumang modelo hanggang sa pinkabago kumpleto.. ngunit ang nakatawag ng kanyang pansin ay ang Harp na nasa gitna ng kwartong iyong at nasa loob ng isang kahong yari sa fiber glass na may nakasulat na pangalan kung sino ang ngdonate nun sa eskwelahan. naramdaman niya ang pagsikip ng dibdib at ang unti unting paglabo ang kanyang paningin sa pagkakatitig sa instrumentong iyon. ang instrumento ng kanyang ama. Kamamatay lang ng kanyang ama ilang buwan pa lang ang nakaklipas nasangkot ito sa isang aksidente dahil sa pagmamadali nitong makaabot sa kanyang pagtatapos sa highschool, nagtampo pa siya non dahil hindi ito dumating, ang hindi nya alam habang tinatanggap nya ang pinaka mataas na parangal nung araw na yon ay hindi na umabot sa ospital ang kanyang ama, Huminga siya ng malalim at pinigil ang mga luha, hindi ito ang panahon para malungkot, dahil ito ang gusto ng kanyang ama ang makapasok siya sa  school na ito kung saan ito nagtapos.

masakit man sa loob she tore her eyes from it, at naghanap ng pwede nyang magamit sa audition na iyon. ang hindi nya alam ay may pares ng humahangang mata ang nakasunod sa bawat kilos niya. hanggang pagdating sa dulo nakita nya ang pinaka maganda sa lahat ng nakita ngayong araw na ito nakatayo ito sa may dulo ng isang pasilyo na nalilinyahan ng ibat ibang uri ng guitara shit! pwede ba akong magkaroon ng ganito? para syang naengkanto dahil patuloy siya sa paglapit dito..isang himas lang.. gusto ko lang subukan.. hanggang sa nag salubong ang kanilang mata at ngumiti ito sakanya!! Ang pinaka gwapong lalaking nakita nya sa buong buhay nya!!

 

 

 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

#firstsilayWhere stories live. Discover now