San Ju.

147 2 0
                                    

You are now on the 30th chapter. Keep on voting!

...

At dumating na nga ang sa tingin ko ay most painful part of my life - ang makita ang lalaking mahal ko na ikinakasal sa iba. Kahapon, ayaw ko na sanang maalala kung anong nangyari sa aming dalawa, pero yes. May nangyari sa amin ni Hoshi. Hindi naman siguro pagiging malandi ang tawag doon dahil mahal ko siya, pero alam kong iisipin niyong lahat na kalandian 'yun dahil ikakasal na mismo siya. Pero siya ang nagsimula at hindi ko siya pinigilan. Ibinigay ko sa kanya ang una at huli. Dahil alam ko, hanggang sa mawalan ako ng buhay, siya na ang huli kong mamahalin, kahit hindi na ako sa huli ang laman ng kanyang puso at damdamin. Malandi na kung malandi, pero hindi niyo ako masisisi. Isa pa, ngayon pa lang ang kasal nila, at hindi kahapon, so walang kaso 'yun, sa tingin ko.

 

"Oh my God. I'm so excited." Ani Aya habang inaayos ang kakatapos lang ma-curl na kanyang buhok. "Ang ganda ganda mo talaga Rhizza."

"Alam ko naman 'yan Aya. But I can't be the most beautiful today." Ani Rhizza habang nakatingin sa akin at nakangiti. Ang bait na niya sa akin. Siguro dahil birthday ko ngayon?

 

Alas-dose pa lang ng madaling araw ng binati nila ako. Ang pinakanauna? si Hans, tapos sina Grace, Aya, at Rhizza. Umaga na ng nabati ako nina Mama at Papa, at maging ni Camille. Pero si Hoshi, matapos ng nangyari sa amin kahapon, parang bigla na lang nawala. O baka naman busy lang siya at mamaya pa niya ako babatiin habang nasasaktan ako sa kanilang wedding. Ugh. Pwede bang magbackout?

 

"Ano na namang iniisip mo?" Tanong ni Grace habang nakapikit ako at nilalagyan niya ng eyeshadow. "Baka naman may balak kang umiyak. Aba eh 'wag mong itutuloy 'yan. Papangit ang make-up mo, sige ka."

"Hindi ako iiyak ano. Saka, hindi ko rin naman makikita ng maayos ang itsura ko. Alam mo naman siguro na almost 10% na lang ang nakikita ko."

 

Oo. 10% na lang ata ang nakikita ko. Parang camera na hindi maifocus at sobrang labo. Parang mas gusto ko pang mabulag kaysa ganito na para bang pinapaasa ako ng mga mata ko. Haaay. This must be the worst day of my life. Pero siguro nakatadhana na rin na mabulag ako sa araw na ito para hindi ko na makita 'yung bagay na ikasasakit ng puso ko. Mas mabuti pa nga yata na wala akong nakikita, kaysa meron nga, masakit naman sa mata.

 

"Oh ayan, tapos na ang make-up mo. Try to look at it sa mirror. Baka sakaling lilinaw ang paningin mo." At ginawa ko ang sinabi niya. Para akong nakaranas ng himala. Nang tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, nakita ko ng malinaw na malinaw ang sarili ko.

"I can see it. I can see myself!" Sa sobrang saya ko, niyakap ko si Grace. "Nakakakita ako ng maayos. Oh my God!" Halos mapaiyak ako sa sobrang saya habang pinagmamasdan ang suot ko at ang ayos ng mukha ko. "Thanks Grace!"

"Kahit naman wala kang make-up, maganda ka na. Pero you are the most beautiful today. Happy birthday." Niyakap nila akong tatlo na halos magpaiyak na sa akin ng tuluyan. Mabuti na lang at napigilan ko na naman.

 

Nang bumaba kami sa sala, naroon na sina Mama at Papa na imbitado rin sa kasal, at si Hans na inalalayan ako pababa ng hagdan. Nagulat naman siya ng tumakbo ako pababa ng hindi nadadapa. Syempre, ang alam nila, halos wala na akong makita.

 

"I can see clearly today, Hans! Mama. Papa. Nakakakita ako ng maayos ngayon." Niyakap ko sila isa-isa sa sobrang saya. Sana nga, hanggang mamaya, kahit hanggang sa makita ko lang si Hoshi sa altar, eh malinaw ang mga mata ko.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon