Paggising ng umaga ay nag bihis kami kaagad. We ate breakfast, just a simple one. Parang meal sa Pilipinas. I suddenly want to go home.
"Ready?." Tanong ko sakanya bago kami lumabas ng bahay. Tumango siya, since, artista siya. Kailangan niyang magsuot ng eyeglasses and face mask para hindi siya makilala.
Ginamit namin ang sasakyan ko. Ipinasyal ko siya sa mgagandang lugar dito sa Canada. We took pictures,for keeps. Hindi ko pwedeng i upload ito sa social media dahil alam kong lalo lang gugulo ang lahat. He needs to take a break from everything and i will support him in that.
We spent the day travelling and stopping over to the scenic spots na madaanan namin.
"Nag enjoy kaba?" I happily asked, dahil masaya talaga ako ngayon.
"Yes. Thank you" wika niya. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Napangiti ako sa ginawa niya.
"Marami pa tayong pupuntahan bukas" wika ko habang tinitignan ang mapa.
"Ipasa mo sa akin iyong ibang mga pictures natin" masayang sabi niya. Para saan?. Tanong ng isip ko.
"Sige, mamaya" wika ko habang kinakalkal ang mga picture na kinuha namin kanina.
Pinagarap ko ito. To be with him, here. I love him so much. I really do. I can feel that he feels the same way still. Natatakot akong magtanong, natatakot ako sa mga malalaman ko. Hindi pa ako handa sa katotohanan. Just a week. Spare me a week. I need him to be with me. Just a week. Last na.
Pagdating namin sa tinutuluyan ko ay agad kaming nagbihis. Pumunta kami sa grocery at namili kami ng pang isang linggong grocery. Sobrang saya ko.
"Ako ang magluluto Eii" wika niya pagka lapag ng mga binili namin sa kusina. Ini ayos ko ang mga iyon,inilagay ko sa ref ang mga frozen goods at fruits. Sa cabinet naman ang mga de lata at iba pa.
Tumango lang ako sa sinabi niya. Iniwan ko siya sa kusina at dumeretso ako sa kwarto ko.
I checked my phone at may nakita akong tatlong text messages.
The first one is from my mom
*kumusta kana anak?. Miss na miss kana namin.
The other one is from Mira, begging.
*nawawala si Simon, dalawang araw na. Hindi nagsasalita ang media about this. Where is he?. Kasama mo ba siya?. Tell him na panindigan ako. I'm begging you, Eii. Please.
Napahawak ako sa dib dib ko, sumasakit kana naman. Haaayy. What the f is she thinking?. Na ibibigay ko sakanya si Simon ng ganun ganun nalang?. Ano bang ginawa kong mali sakanya?. Do i deserve a punishment like this from her?.
Nag dalawang isip pa ako kung bubuksan ko paba ang pang huling text message but i decided to open it.
Fr: boss sungit
Don't forget the cover you are working on, the deadline will be the day you'll come to work.
Haaaay. He's always like this, demanding.
Tinanggal ko ang sandals ko at nahiga sa kama. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Nagitla ako sa tunog ng orasan. It's 9 pm, dadalhin ko siya sa bar ni Betty. Agad akong nagbihis,pinunas ang mga bakas ng luha sa aking mukha at pumanhik sa kusina. Naabutan ko siyang nagluluto doon. Hinay hinay akong naglakad papunta sakanya at hinagkan siya mula sa likuran. Isinandal ko ang aking kaliwang pisngi sa kanyang likuran. I embraced my both arms around him,yung yakap na nang aangkin,. Akin lang si Simon.
Huminto siya sa kanyang ginagawa at hinawakan ang mga kamay ko. Akala ko'y kakalasin niya iyon ngunit hindi. Inayos niya ang mga kamay ko, pinahigpitan niya ang yakap ko pagkatapos ay itinuloy niya ang pagluluto. Walang ni isa sa amin ang nagsalita, walang gustong bumasag ng katahimikan, i can feel my tears are on the verge of falling, no, huwag muna Eii. Save it for later.
Kinalas ko ang yakap at dumeretso sa hapag, pinunasan ko iyon at tsaka kumuha ng pinggan, kubyertos at mga baso.
Pagkatapos noon ay tapos nadin siyang magluto. Nagluto siya ng menudo, yumm.
Nakangiti niyang nilapag ang mangkok sa hapag, ngumiti ako pabalik.
"Maupo kana" wika ko. Dahil kanina pa siya nakatitig sa akin.
"Bakit ka nakabihis?" Kuryoso niyang tanong saka umupo.
"May pupuntahan tayo" wika ko sabay kuha ng kanin. Kinuha niya ang ulam at nilagyan ang pinggan ko.
Kumain kami ng maigi, nakarami nga ako eh. Pag nagkakatinginan ay napapangiti kami sa isa't isa, para kaming mga ulol na ewan. Parang noong mga panahon na sobrang asar pa niya at napaka pikunin ko naman.
After dinner, nag ayos din naman siya ng sarili. He wore a black v-neck shirt and a faded jeans. Nasa itsura at katawan talaga niya ang pagiging artista. Pag angat ng tingin niya'y naabutan niya akong nakatitig sakanya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya ulit.
Hinila ko ang kamay niya palabas ng unit ko.
Nasa pinto na kami ng sinagot ko ang tanong niya.
"Sa bar" i answered. Tumigil siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko, dahilan para mapatigil ako. I looked at him and saw his eyes, confused, angry eyes. Hahaha."Nagbabar ka??. " madiin niyang tanong.
Tumango tango ako. Hahahha.
Hinila niya ako papasok sa loob ng unit ko at isinara ang pinto.
He makes me laugh hard pero pinigilan ko. He's so conservative. Hahaha"Hindi na tayo aalis kung sa bar lang din naman tayo pupunta" madiin niyang wika. Ang sungit hah. Tumayo ako sa harap niya at inabot ang magkabila niyang pisngi, tumingkayad ako para magawaran ko siya ng damping halik,nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Bumalik ako sa pagkakatayo at tumawa ng malakas.
"Kahit kelan ka talaga. Susunod kaba? O maiiwan ka dito mag isa" wika ko bago ko siya talikuran. Naglakad ako palabas ng unit. Akala ko'y hindi siya sasama pero bago pa man ako makalabas ng tuluyan ay hinawakan na niya ang kaliwa kong kamay at pinagsiklop niya ang mga daliri namin.
Bumaba kami sa building at pumunta sa bar ni Betty. Ipinakilala ko siya kay Betty, mang iintriga pa sana si Betty, ngunit hinila ko na si Simon, paalis doon. Iginaya ko siya sa table na nasa harap lang ng stage para makita ko siya kaagad. Madilim sa loob ng bar, tanging mga maliliit na ilaw ang ang nagbibigay liwanag dito, sapat lang para makita mo ang kaharap mo sa isang table, kitang kita ko ang paninitig ni Simon sa akin. His stares makes me wanna own him, i love him so much and I can't afford to lose him, pero para sa magiging anak niya ay kakayanin ko,kakayanin ko nga ba?.
*****
DON'T FORGET TO LEAVE A COMMENT OR A VOTE. THANK YOU😍☺
BINABASA MO ANG
LOVE TAP💔💖#watty2018
Chick-LitHighest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy ********** Are you willing to take a risk? Kahit alam mong hindi na siya para sayo. Are you willing t...