#oneshot

23 0 0
                                    

Make Me Proud ♥‿♥

 

 

 

 

 

" ANNA! IBABA MO YAN! "

 

Sa gulat ko, nagtuluy-tuloy ang kutsilyo malapit sa aking pulso. Agad namang namuo ang dugo sa ibabaw ng aking balat at nakaramdam ako ng pinaghalong saya at sakit. Saya dahil nagawa ko rin ito sa wakas. At sakit dahil malalim ang pagkakabaon ng patalim.

 

" What the fvck are you doing? Gusto mo na bang mamamatay! " mula sa pinto ng aking bahay, mabilis niyang nakuha ang first aid kit. May bakas ng pag-aalala, takot at galit sa kanyang mukha nang tuluyang makalapit sa akin. Sinalubong ko siya ng mapait na ngiti.

 

" Bryan naman eh. Sabi mo ibaba ko, ayan binaba ko nga. Hahaha " pilit kong tumawa.

 

" Shut up Anna. Let me heal this first. "

 

Mula sa pagkakatayo ay umupo siya hanggang sa maging pantay na kami. Marahas kong iniabot ang aking kaliwang kamay na dahilan upang kumirot ito. Matapos niyang bendahan ang kagagahang ginawa ko, nahiga muna ako sa sofa bed. Hindi ko namalayang nakatulog na ako at marahil wala na si Bryan paggising ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagkadilat ko ng mga mata, iginala ng aking paningin ang kabuuan ng sala. Napabuntong-hininga nalang ako ng makita ang isang pigura ng isang lalaki na nakaupo sa cushion malapit sa akin.

 

" Bryan... " bulong ko. Nang tuluyang bumalik ang aking paningin , bigla na lang akong tumawa. Napakunot-noo naman siya sa ginawa ko.

 

" Akalain mo yun? This is my very first suicide attempt but it failed. Bryan, Bryan, Bryan. Bakit ka pa kasi dumating? Ang killjoy mo talaga!" Tumawa ako kahit na nagmumukha na akong tanga.

 

" Tell me. Why have you done that? " may galit ang pagkakasabi niya.

 

" Done what? This fucking failed suicide attempt? " mapait kong tugon sa kanya.

 

" The next time you'll do that, I'll kill you before you kill yourself" determinadong sagot niya sa nakakatakot na tono.

 

" Nice try, Bryan. By the way, what brings you here? Nadatnan mo tuloy yung unforgettable experience mo. And you still have work hours. Hindi ba dapat nasa trabaho ka?" tanong ko sa kanya.

 

" It's Sunday, you moron. "

 

Humagalpak ako sa tawa sa pagkaka-alalang Sunday ngayon and the fact that he called me a  'moron'. He never said it to me. Well, siguro ganun talaga ang bestfriend, nasasabi ang tamang salita sa tamang panahon.

Make Me Proud #oneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon