Chapter 1

90 2 0
                                    

Kring....kring...kring....

"What??" inis na sagot ko sa cp ko. Kakagising ko lng at eto agad ang sumalubong sa umaga ko.

"Anong what? Get up girl, we have a problem". Ayan na naman si Lylle ang mataray kung bestfriend na feeling girl. Yes he's gay and take note Pogay..hehe. Si Lylle ay isa sa mga best of friends k since high school at sabay din kaming nagraduate nung college from one of the prestigious universities here in our country. Kahit he belongs to the 3rd gender hindi basta basta ang bestfriend ko. He took up AB in Communication and graduated as Cum laude, smart noh? Pero sabi nila birds with the same feather flock together kaya kami best of friends dahil I graduated as Magna Cum laude and I took up Bachelor of Science in Mathematics. Genius and beautiful creatures...echoz..

Napasimangot tuloy ako sa narinig ko. Anu ba yan ang aga-aga problema agad ang salubong sakin ng baklang to. Napatayo ako sa kama sabay lakad sa bathroom ko para makapagready at makapag shower. "What's the problem?"tanong ko kay Lylle.

"Got a call from Sir Morris early this morning and he can't make it today for the signing of contract with The Heart Rocker." nag alalang sabi ni Lylle sa kabilang linya. Si Mr. Morris ang Production Manager ng LPI short for Leviste Production Inc. owned by my dad Alexander Leviste.

"Why?" bigla na rin akong nag alala sa sinabi ni Lylle sakin. Ngayong araw pala ang signing ng The Heart Rocker with our company.

"The Heart Rocker" ang pinakasikat na banda ngayon dito sa Pilipinas, hindi ko alam kung bakit maraming nababaliw sa bandang yan.Mapababae, bakla at mga lalake ay marami ang nahihibang dito.Di ko alam kung bakit ang daming patay na patay sa kanila mapabata at matanda walang pili. Oo magaganda ang mga songs nila pero I dont like the artists itself. Ang lakas ng karisma nila lalo na sa mga girls at bading pero I'm an exemption syempre.

Unfortunately etong si Lylle ay napasama sa mga nahuhumaling sa The Heart Rocker kaya super excited yung lola nyo ng malaman nya na ang company namin ang maghahandle ng banda for their upcoming big concert and country tour for the promotions of their albums etc. Naalala ko tuloy ang naging scene during the conference noong magpatawag ng meeting si Daddy with the production team. He is the executive producer and also my poging Kuya Zach is one of the producers also.

Flashback...

"Good day everyone."my dad started to speaked with a smile in his face.

Habang nakatitig ako kay Daddy ay napapangiti ako ng lihim. Ang pogi pa rin ng Daddy ko kahit 55 na. Di na ako magtataka kung bakit love na love siya ni Mommy..all in package talaga, good in and out. Kaya naman no doubt kung bakit pogi si Kuya Zach. Syempre since pogi kuya ko malamang maganda din ako..hehehhe..

As my Dad continues "I think this will be a better start for us this 2014. One of the famous band needs us to help them become more famous. I believe our team could handle it effeciently."

Abot tenga ang ngiti ni Lylle at panay ang siko sa akin dahil magkatabi lang ang upuan namin. Tiningnan ko siya ng masama dahil medyo naiirita na ako sa kakasiko niya sa akin. Para etong ewan na di mapakali. Alam kung excited na naman eto dahil he will have another chance to work again with famous people. Lalo na pag mga gwapong celebrity ang ihahandle, feel na feel nya talaga ang maging Assistant Production Manager.

"OUCH!! SHIT!!" malakas na sigaw ni Lylle . Halos lahat ng team ay napatingin sa kanya at naging dahilan para tumigil si Daddy sa kakasalita. Dahil sa naiinis na ako sa kakasiko sakin bigla ko na lng siyang kinurot ng super lakas kaya napamura siya sa sakit.

Patay.."Lylle do we have a problem here?" my dad asked disappointedly.

Biglang namula ang mukha ng bestfriend ko at bigla tuloy akong nakonsensiya sa pagkurot ko sa kanya.."Im so sorry sir for interrupting. May kumagat po kasi na langgam sa likod ko." palusot ni Lylle

"Parang langgam lang. OA mo naman makapag react Lylle" hindi mapagilang kontra ng isa sa production team.

"Enough of that, and you Lylle stop cussing when Im talking." maawtoridad na sabi ni Daddy.

"Sorry po Sir" sincere na sabi ni Lylle sa Daddy ko sabay taas kilay na tumingin sa direksiyon ng staff na nagreact kanina.

Nagsalita na naman si Daddy..."Mr. Santos had finally booked The Heart Rocker and next week will be the signing of contract. I will not talk long so you could have this entire time to plan and discuss for every detail for this project. We only have a week to prepare. I believe in you guys and don't fail me. Have a nice day everyone." nagpaalam na si Daddy at lumabas na ng conference room.

"Best your mouth, are u welcoming flies to come in?" sabay pitik k sa daliri sa harap ng mukha nya. Naku di nakaget over sa narinig kaya tulala.

"Oh my BEST!!!The Heart Rocker, this is it girl!! Dream come true talaga." halos tumili na eto sa excitement.

" Di ka naman excited niyan? Anung meron sa The Heart Rocker na yan?Eh ang alam ko mga playboy daw members niyan lalo na yung vocalist nila. Porket sikat kailangan paiba-iba ng girlfriend? Imagine mga sikat na models at artista pa ang pinapatos.Wala ng magandang ginawa kundi magpaiyak ng mga babae. Kaya I dont give a damn. Not worth para hangaan ko."..kontra ko kay Lylle...and take note mahaba ang lines ko..hehehe

"Tssskk...can you blame them kung madami magkakandarapa sa kanila?Girl KJ mo..ang gagwapo kaya lalo na si Lexell yung vocalist..grabe super hot talaga at nakakahimatay ang boses. He's almost perfect." kinikilig pa na pagtatanggol ni Lylle.

"Whatever"...sabay taas ko sa 2 kamay ko to surrender. Ayoko kong makipagtalo sa walang kwentang bagay.

End of flashback.....

"Hoy babae!! Pwedeng makasingit muna sa emo mo jan?"

" Ano ba bakla ang sakit sa nunal ng boses mo ha!" Kung makasigaw naman ang baklang to wagas. Bakit ba naging bestfriend ko to eh masyadong magkaiba ang personality namin, masyado siyang maingay para sa tahimik at boring na tulad ko....joke...maingay din ako pero minsan lang..parang bipolar lang din. Woman with few words kasi ang drama ng peg nyo now..wuuuaahhh

" Zianne Laverne Leviste gusto mo ng himala ni Nora Aunor? Panunal nunal ka pa diyan."

Hahhahah...sign na yan..naiirita na si bading. Kapag tinatawag ako niyan sa buo kong pangalan alam ko na agad na medyo serious na si Lylle. "Weeehhhh...if I know pretty well inggit ka lang sa nunal ni Ate Guy." pikunin ko nga to ng makabawi sa pambibwisit ng umaga ko.

"Seriously Lav, you need to be here na sa office. I'm handling the project myself habang nag emergency leave si Sir Morris and I need you, partner in crime tayo ngayon." He said.

"Why me? Nasa accounting department kaya ako..hindi ko forte yan at may mga staffs ka naman kaya nyo na yan without me." protesta ko sa kanya. Ayoko kong mainvolve sa department nila gusto ko magmukmok lang sa office ko at magreview ng mga financial matters ng company at higit sa lahat ayokong makipagplastikan sa mga sikat na celebrities .

" As if you have a choice, I have Tito Alex's approval already and you'll be working with me for the mean time. This is a big project and this is my first time to handle it, and I believe our tandem will be a great idea." grabe alam na alam talaga ng bading na to kung paano ako mapa oo. Takot ko lang kay Daddy. Syempre I have to prove my self to Dad that Im incredible..hehheh

"Fine, kung di lang kita mahal." drama na naman si ako.

"So what are u waiting for? Pasko?Hay naku Laverne malayo pa ang December kaya umalis ka na diyan dahil by 10am andito na sila Fafa Lexell." tili ni Lylle sa kabilang linya. Di talaga siya excited promise. Ang sarap hampasin ng tsinelas na havaianas. Problem daw, problem his ass.

I'M AFRAID I'M FALLING FOR LEXELL ANTHONY GUEVARRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon