Happy Family (?)

21K 441 5
                                    

HINIHINGAL-hingal pa si Irene nang makarating sa school ng anak niya. Day-off ngayon ng Yaya ni Nicollo kaya siya ang kailangang sumundo sa anak. Dahil napatagal ang appointment niya sa isa sa mga kliyente niya ay na-late siya ng sundo sa anak. Isama pa na wala rin siyang dalang kotse dahil coding iyon. Mag-a-alas tres na nang makarating siya sa eskuwelahan ng anak. Siguradong naiinip na ang anak sa pag-aantay sa kanya. Agad na nilapitan niya ang guard para itanong si Nicollo. Kilala na siya nito at ang kanyang anak.

"Naku Ma'am, may sumundo po kay Nicollo kaninang lalaki. Sumama naman po siya. Ang sabi po niya ay Daddy niya ang lalaki kaya hinayaan ko na po."

Nanlaki ang mga mata ni Irene. Hindi nagpaalam sa kanya si Nikos na susunduin nito ang anak nila. Paano niya malalaman ngayon ang lagay ng anak niya? May balak pa bang ibalik ng lalaki ang anak niya ngayon?

Sa isiping iyon ay nakaramdam ng matinding kaba si Irene. Naalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Nikos kagabi.

I will claim what is rightfully mine...

Hindi niya alam kung paano nalaman ni Nikos ang eskuwelahan ng anak pero hindi na siya magdududa. Madali lang naman rito ang pag-alam sa mga bagay-bagay dahil mayaman ito. Kahit hindi sila nagkikita ay subaybay niya ang buhay nito. Bukod kasi sa madali lang malaman iyon dahil sa sikat na personalidad nito na linggo-linggo yatang makikita sa business pages ng mga diyaryo, gusto rin niyang malaman ang lagay nito para sa anak nila. Para kapag nagsimulang magtanong si Nicollo tungkol rito ay may maisasagot siya. Sa ngayon ay hindi pa naman dahil napupunan niya ang lahat ng pagmamahal na kinakailangan nito. Mahal na mahal niya ang anak niya kaya hindi niya makakaya kung ilalayo ito sa kanya ni Nikos. Sukdulang makipagpatayan siya rito para mabawi ang anak niya. Kahit na alam niyang makapangyarihan ito ay lalabanan niya ito.

Ang tanging hindi lang yata ito nadalian sa paghahanap ay ang existence ng anak nito. Pero kung anuman na dahilan kung bakit hindi nito iyon ginawa ay hindi na importante sa kanya ngayon. Ang kailangan niya ay mahanap at mabawi ang anak niya.

Magsasalita sana siya sa guard upang pagsabihan nang tumunog ang cellphone niya. Unregistered ang number. Sinagot niya muna iyon.

"Kanina ka pa namin inaantay," nanlamig si Irene nang makilala ang boses ni Nikos. Nilinga-linga niya ang tingin nang makakita siya ng itim na limousine hindi kalayuan. Isang exclusive school ang pinapasukan ni Nicollo pero kailanman ay hindi pa siya nakakita ng ganoong sasakyan ng mga magulang ng kaklase nito. Then it hit her. Naalala niya ang tungkol sa limousine rin na gamit nito kahapon.

Its Nikos. Nakumpirma niya iyon nang bumukas ang bintana at inilabas ni Nicollo ang ulo. "Mommy, over here!"

Lumuwag ang hininga ni Irene nang makita ang anak. Pero hindi iyon naging cue para patayin niya ang tawag. "Ibaba mo ang anak ko, Nikos. This is kidnapping," sinadya niyang sabihin sa tawag iyon dahil ayaw niyang makita ng anak na nag-aaway sila.

"Kung kidnapping ang ginawa ko, sana ay kanina ko pa siya inilayo. Sana ay hindi namin inantay ang Mommy niya na hahayaang pabayaan ang anak niyang maghintay ng mahigit sa isang oras." Matigas pero mahina ang boses nito.

Binalewala niya ang sinabi nito at pinatay ang cellphone. She suddenly felt guilty, though. Bakit nga ba siya nag-iisip ng masama kay Nikos samantalang siya nga ang may pagkakamali sa kanila? Masyado na yata siyang napa-paranoid.

Nang makalapit siya sa limousine ay may lumapit pa na lalaki at ipinagbukas siya ng pinto. Ganoon pa man ay hindi niya pinansin ito. Tinawag niya ang anak. "Nicollo, bumaba ka diyan. I'm taking you home."

"What? Mommy! Daddy promised to take me to Star City today. Mamasyal po kami,"

"Ano?" pinamaywang niya ang kamay. "Bakit, wala ka bang assignment?"

"Mommy, Friday po ngayon. May assignment po ako pero puwede ko naman po iyon gawin sa weekends," paliwanag ng anak. "Basta Mommy, I'll come with Daddy. I want to be with him."

Nanlaki ang mata niya. Isang araw pa lang nitong nakakasama ang ama pero mukhang nakuha na agad ni Nikos ang kalooban nito. Nang tumingin siya kay Nikos ay nakangisi ito. Gusto niyang matulala dahil gumuwapo ito sa paningin niya nang dahil roon. Bihira lang niya na makita itong magpakita ng kahit anong emosyon o ekspresyon. Kung mayroon man ay galit ito. Kaya pakiramdam niya ngayon ay na-mesmerize siya. Pakiramdam rin niya ay tumibok ng malakas ang taksil niyang puso.

Gosh it was seven years but...

Binura ni Irene ang mga nasa isip. Hindi importante ang nararamdaman niya kay Nikos sa ngayon. Alam niyang tapos na sila. Natanggap na niya na kailanman ay hindi siya mamahalin nito. Ang mahalaga ngayon ay ang anak niya. Ang anak nila.

"N-Nicollo---"

"Puwede ka naman sumama kung gusto mo. I don't mind," si Nikos na ang sumagot.

Nang tumingin siya kay Nicollo ay mukhang tuwang-tuwa naman ito sa sinabi ng ama. "Yehey! Sasama si Mommy. Para tayong happy family!"

Gustong mapangiwi ni Irene sa binitawan ng anak. Happy Family? Mukhang malabo. Pero dahil ayaw niyang malungkot ang anak ay hinayaan na lang niya ito sa sinabi nito. Mukhang ganoon rin ang pakiramdam ni Nikos. Hindi ito nagkomento. Isang dahilan lang kung bakit hindi na dapat talagang umasa si Irene ng Happy Family kasama ito.

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon