One-Sided Love

22.6K 471 11
                                    

"I WANT TO talk to you,"

Nagulat si Irene nang marinig niyang magsalita si Nikos. Sa pangalawang pagkakataon ay sabay nilang pinatulog si Nicollo. Its been a tiring day but Irene would admit that she enjoyed it. Nakikita niya kasing masaya ang anak niya. At kapag nakikita niyang masaya ito ay masaya rin siya. Mukhang enjoy na enjoy ito sa company nila ni Nikos.

Napalingon si Irene kay Nikos. Mukhang seryoso ito. Dahil gusto niya rin kausapin ito ay pumayag siya sa gusto nito. Inaya niya ito sa sala ng bahay mag-usap. Pumayag ito.

Nang makaupo ay inunahan na niya ito sa pagsasalita. "Kung ang gusto mong pag-usapan ay tungkol kay Nicollo, uunahan na kita. Hindi mo kailanman makukuha ang anak ko sa akin."

Sa gulat niya ay tumawa lang ito. "You are becoming paranoid, Irene. Relax. Hindi ko kukuhanin sa 'yo si Nicollo. Hindi ko kayang i-expose ang anak ko sa gulo."

Tumaas ang isang kilay niya. "Kung ganoon ay ano ang gusto mo?"

"Gusto kong lumipat kayo sa bahay ko dito sa Manila," diretso at seryosong sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Wala akong nakikitang mali dito sa bahay na tinitirahan namin,"

He snorted. "Napakaliit nito,"

Lalo siyang nagtaka. "Eh ano? For someone who grew up with a silver spoon in the mouth, I already knew it. Pero masaya ako rito. Masaya ang anak ko rito. Hindi namin kailangan ng panibagong bahay,"

Nainsulto siya sa sinabi nito. Eh ano kung maliit ang bahay na tinitirhan nila ng anak? Safe naman iyon. Isama pa na kahit hindi iyon ganoon kaganda at kalaki ay hindi ibig sabihin ay nagkukulang na siya sa kanyang anak. Lahat ng gusto nito ay pinipilit niyang ibigay. Lahat ng alam niyang makakabuti rito ay pinaghihirapan niya para makuha at maibigay rito.

Maganda man ang career ngayon ni Irene, hindi ibig sabihin noon ay madali lang niya na narating ang kinaroroonan niya. The path to her success was not a straight line. It was a curvy, zigzag road. Naging ganoon iyon sa nakalipas na pitong taon. Simula nang mamatay ang mga magulang niya at kinailangan niyang sumama kay Brianna na bumalik ng Pilipinas dahil pakiramdam niya ay wala ng sino man na nasa Greece ang maaring tumulong at dumamay sa lungkot na nararamdaman niya. Pakiramdam kasi niya ay siya ang sinisisi ng lahat sa pagkamatay ng mga magulang. Ganoon rin naman siya sa sarili kaya kailangan talaga niya ng karamay para maibsan ang kanyang mga kalungkutan.

Kailangang umuwi ni Brianna dahil natanggal ito sa scholarship na siyang dahilan kung bakit ito naging exchange student sa Greece. Sumama siya rito dahil ito lang ang masasabi niyang pinakamalapit niyang kaibigan. Ito lang din ang handang dumamay sa kanya. Hindi naman talaga sana niya balak na magtagal sa Pilipinas dahil kahit patay na ang mga magulang ay sinigurado ni Nikos na siyang halos pinamanahan ng mga magulang ng business nila na makakapag-aral pa rin siya. Pero dahil nalaman niyang buntis siya ay hindi na niya naipagpatuloy ang pagbalik muli sa France at mag-aral. Nanatili siya sa Pilipinas hanggang sa makapanganak siya. May sariling savings siya at dahil malaki iyon ay hindi siya nahirapan financially. Kahit hindi niya gastusin ang mga sustento ni Nikos buwan-buwan ay kaya niyang mabuhay. Hindi man ganoon kaalwan pero masaya siya dahil naggawa niya ang mga iyon sa paghihirap niya at hindi lang dahil sa tulong nito.

Nang makapanganak rin siya ay sa Pilipinas na niya itinuloy ang pag-aaral dahil nagustuhan na niya ang kultura roon. Pakiramdam niya ay nahiyang siya. Hindi man ganoon karangya ang buhay niya kaggaya noong buhay ang mga magulang at nasa Greece siya ay masaya siya. She lived simply.

Hindi naman talaga kaso kay Irene ang pera. Hindi rin siya galit na marami sa mga ari-arian nila ay ipinamana nito kay Nikos. Ito kasi ang magaling sa business, inaasahan na niya iyon. Ito ang magpapatuloy sa negosyo ng mga ito.

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon